ENCHANT 23

4.8K 161 3
                                    

"She is from section Seofon...... Your turn Sofia Kashmira Ross." Nagulat ako nang tawagin ang pangalan ko.


Sobrang bumilis pati ang tibok ng puso ko.


Bago ako tumayo ay hinawakan muna ni Reinne ang kamay ko at sinabing "Kaya mo yan" sabay ngiti.

Bumaba na ako at pumunta sa gitna. Narinig ko naman ang mga hiyawan ng mga estudyante.


Ngayon pa lang parang hihimatayin na ako, huhu.




"And her opponent is from Twegen. She is Josefa Miranda Joyas." Pagkasabi noon ni Maam ay naghiyawang muli ang mga estudyante.


Bigla akong kinabahan nang makita ko si Miranda. Siya ang kalaban ko? Aish! Mapaglarong tadhana!


Sigurado na ang pagkatalo ko dito.


Naglakad siya papunta sa gitna na may ngiti sa kanyang labi. Mukhang tatapusin niya na ako ngayon.


Napansin ko naman si Saifer sa gilid na sobrang seryoso ang mukha.

Nakita ko din si Zack sa di kalayuan kay Kuya. Tapos yung mukha niya mukhang nag-aalala, joke, nag-iilusyon na lang ata ako, huhu.


"Mukhang dumating na ang araw na pinakahihintay ko." Sabi ni Miranda at tinignan ang mga daliri niya sa paraang napakaganda niya.

Mukhang tatalunin ako nito sa sabunutan ah.

Third Person's POV


"Mukhang dumating na ang araw na pinakahihintay ko." Sabi ni Miranda at ngumiti ng sobrang tamis.


Mukhang gusto na talaga niyang mawala ang batang Ross sa mundo.


Matagal niya ng gustong gawin ito ngunit wala siyang pagkakataon lalo na't maraming nagbabantay sa batang Ross pero ngayon wala ng makakapigil sa kanya.


Halata naman ang takot sa mukha ng batang Ross.

Agad na naghanda si Miranda sa pag-atake nang marinig ang hudyat na maaari na silang magsimula.

Nagsimulang umatake si Miranda at pinaulanan ng yelo si Irah. Agad namang naiiwasan ng batang Ross ang mga pinapakawalang yelo nito.


Nang makakuha siya ng pagkakataon ay umatake na din siya. Pero agad itong naharangan ni Miranda gamit ang kanyang ginawang panangga na gawa sa yelo.


Ngumisi pa ang kigwa at nag-eenjoy dahil para siyang nakikipaglaro sa isang bata.



Mukhang mahihirapan ang batang Ross sa paglaban sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay puro ganon lamang ang ginagawa nila.

Hanggang sa ipalibot ng batang Ross ang kanyang apoy kay Miranda.


Napasinghap ang mga estudyante at halatang namangha ang kapatid ng batang Ross dahil sa ginawa nito.


Agad din namang nawala ito nang gawin ni Miranda na yelo ang  mga apoy.

Bakas ang gulat sa mga mata ng batang Ross at halatang hindi na alam kung anong mga tricks pa ang gagawin.

"Tsk. Sumuko kana. Dahil sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay pa." Sabi ni Miranda habang nakangisi.


Dahil sa sobrang inis ng batang Ross ay nagpakawala siya ng apoy. Sinuklian naman ito ni Miranda ng kanyang kapangyarihang yelo. At dahil mahina pa ang batang Ross ay lumamang si Miranda at tumalisik siya dahil sa impact ng kapangyarihan nito.


Napaluhod siya dahil sa sakit ng katawan.


Lumapit sa kanya si Miranda. At dahil maldita siya ay ikinulong niya sa yelo ang buong katawan ni Irah.



Nagulat ang lahat dahil sa ginawa niya.

Ang kapatid at kaibigan ng batang Ross naman ay halatang nag-aalala dahil alam nilang maaaring ikamatay ng batang Ross ang pagkakabalot nito sa yelo.

Ang iba naman ay namamangha dahil sa nangyayari.


"I think we already have a winner." Sabi ng kanilang Principal na halatang dismayado dahil ilang minuto na ay walang nagiging response ang batang Ross.


Naghiyawan naman ang mga estudyante.


Kumaway-kaway si Miranda na wari mo'y nanalo sa isang pageant.


Susugod na sana si Zack at Saimon pero napatigil sila nang mapansin na natutunaw ang yelong nakapalibot sa batang Ross.



Unti-unti itong nabiyak at tuluyan na ngang nawasak..



Nagulat ang lahat ng estudyante pati na rin ang principal at ang mga kaguruan. Nanlaki din ang mata ni Miranda nang makita ang batang Ross na nag-aapoy ang buong katawan.


Tila nanigas naman si Miranda nang ngumiti ang batang Ross sa kanya.


Nag-ipon ng apoy ang batang Ross at ibinato kay Miranda na ikinagulat muli ng lahat.


Tumalsik naman si Miranda at nawalan ito ng malay.


Napaluhod ang batang Ross dahil sa pagod.


Lumapit agad dito ang kanyang kapatid.

"Nagawa mo Irah." Sabi nito at nginitian siya. Proud na proud, parang siya ang nagluwal, eme.


Ngumiti muna siya bago mawalan ng malay. Buti nalamang at nasalo ito agad ng kanyang kapatid.


"And I think this is the really end. The winner is Sofia Kashmira Ross from section Seofon! " bakas ang sigla ng principal sa pag-anunsyo sa pagkapanalo ni Irah. Nangangamoy may favoritism. Eme.


*END OF ENCHANT 23*


Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now