ENCHANT 14

5.9K 168 4
                                    

Irah's POV

Pumunta na ako sa section na sinasabi ni Miss. Sa section Seofon (seven).

Sana naman maging maayos ang pagtanggap nila sa akin.

Pagtapat ko sa may pintuan ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

"Good morning po Sir. Sorry Im late." Sabi ko sa lalaking naabutan ko sa unahan.

Natahimak ang mga estudyante at napalingon naman sa akin ang lalaki.

Parehong nanlaki ang aming mga mata. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?

"Miss Ross? Dito ka ba sa klase ko?" Kunot noong tanong niya. Kumunot din ang noo ko. Klase? Guro siya? Kelan pa? Paanong nangyari? Pero butler namin siya. Paanong nandito si Clay?

"Pumasok ka na dahil nagagambala mo ang klase ko." Malumanay niyang sabi. Inirapan ko siya sa loob ng isip ko. Hindi ko siya pedeng tarayan. Teacher ko siya eh.

Pumasok nga ako at naghanap ng bakanteng upuan nang mahagip ng mata ko ang kumakaway na si Reinne habang tinatawag ako ng pabulong.

"Irah!" Nakangiting wika niya.

Nakalimutan kong section Seofon nga pala siya.

Lumapit ako sakanya at tumabi sa tabi niya.

"Grabe! Hindi ko akalain na dito ka pala nila ililipat. Ang akala ko ay sa section Hex (six) o sa section Quinque (five) ka." Sabi niya.

"Bakit naman? Sobrang taas naman ng mga section na iyon."  Sabi ko naman.

"E malakas ka naman eh! Akalain mo naospital yung dalawang alipores ni Miranda na humawak sayo nung lumabas ang kapangyarihan mo." Sabi niya na parang proud siya saken.

Ano daw? May nasaktan ako? Grabe!

"Totoo?" Bago pa man masagot ni Reinne ang tanong ko e may umepal na.

"Miss Ross and Miss Sandoval you are in my class in case you didn't know." Sabi ni Clay or should I say Sir.

Tumahimik na kaming dalawa dahil baka mapagalitan nanaman kami. First day ko dito no! Saka baka isumbong ako ng mayabang na Clay na yan! Psh.




"Nako Irah dapat maghanda ka na bukas." Sabi ni Reinne

"Ha? Bakit?" Takang tanong ko habang nginunguya ang shawarma

"Sa section kasi natin nagsisimula ang pagtetraining ng charms and every thursday ang schedule non." Napatango nalang ako sa sinabi niya.




"Good Morning Class." Sabi nang kapapasok lang na si Sir Clay. Psh.

"Dahil training subject ngayon sa Training Lab tayo magkaklase." Sabi niya.

Pagkasabi ni Sir noon dali-daling tumayo ang mga kaklase ko at nag-uunahang lumabas.

Okey! Di naman sila excited?

Napalingon naman ako nang tumawa si Reinne.

"Haha ang cute mo. Ano bang iniisip mo at ganyan ang itsura mo?" Natatawang tanong niya at naglakad na palabas ng room namin. Sumunod naman ako sa kanya.

"Wala naman medyo wierd lang ang mga classmates natin. Excited lang magtraining?" Sabi ko sakanya.

"Haha. Masasanay ka din. Sa loob ng 2 years kong pagpasok sa section Seofon ay nasanay na ako." -siya

"2 years ka na sa Seofon?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya.

"Siguro hindi pa talaga kaya ng charm ko ang paglaban. Pero ngayong taong ito. Ang goal ko ay manalo sa Charm Tournament." Sabi niya at itinaas ang kamao.

Siguro ang Charm Tournament ang tinutukoy dati ni Miss Jane. Noong first day ko sa school na ito. Na kapag daw nanalo ka sa isang laban ay either mapupunta ka sa section niya o mananatili ka sa section mo. Yun yung naintindihan ko kay Miss eh.

Napatigil ang pag-iisip ko nang may magsalita sa likod namin.

"Ms. Ross and Ms. Sandoval can you stop chatting and please walk faster. Hindi oras ang mag-aadjust para sa inyo." Napayuko kami sa sinabi ni Sir.

"Sorry Sir." Sabay na sabi namin. Nilagpasn na kami ni Sir.

Nang makalagpas siya ay nagmake face ako. Hindi porket teacher siya ay gaganyanin niya na kami? Psh. Nakakainis talaga siya.

"Magkakilala ba  kayo ni Sir? Bakit parang sobrang close kayo?" Gustong gusto kong magface palm dahil sa tanong niya. Mukha ba kaming close?

Napailing nalang ako sa tanong niya at bahala na siyang umintindi sa sagot ko.

Nang makarating sa Training Lab ay agad kaming pumasok. Pagpasok namin ay agad akong namangha.

Walang kalaman-laman ang puting malaking silid. Maliban nalang sa mga kahoy na nasa ding ding. Kahit ganoon lamang ang itsura noon ay hindi ko maiwasang humanga. Ang linis kasi. Ewan ko ba! Pero nagagandahan ako dito.

Nagulat ako nang biglang dumilim. Wait! Bulag na ba ako? Bakit wala akong makita? Ay! Malamang madilim.

Nagulat ako nang biglang lumiwanag. Dahil sa apoy. Saan galing yung mga apoy?

Nagkaroon kasi yung kahoy sa pader ng apoy. Alam niyo yun? Yung mga kahoy sa pader na pinaglalagyan ng apoy? Fire holder ata tawag don pero jok lang.  Intindihin niyo nalang yung description ko.

Napalingon ako doon sa pinangalingan ng huling apoy na tumalsik. Muntik na ako doon ah!  Kay Sir pala galing. Pareho pala kami ng charm. Ay malamang! Titira ba yan sa bahay namin kung hindi?

Pinaupo niya muna kami.

"Dahil ito ang first day ng patetraining ngayong school year. Ituturo ko muna ang mga basic. Meaning lahat kayo yun lang ang gagawin. And kung ready na kayo doon na magsisimula ang training niyo. Hahayaan ko kayong pag-aralan ang mga charms niyo. Hindi ko kasi pedeng ituro sa inyo kung paano gamitin ang mga charms niyo Since hindi naman tayo magkakatulad. Dont worry guys after the training magkakaroon tayo ng semi-tournament. Every friday naman natin yun gagawin. Para malaman natin kung may pag-improve ba sa kakayahan niyo. At para na din makapaghanda na din kayo para sa darating na Charms Tournament. Yun lang. Shall we start?" Mahabang sabi niya at ngumiti.

Halata namang kinilig halos lahat ng babae. Haaaay! Buti nalang normal ako.


TO BE CONTINUED

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now