ENCHANT 27

4.7K 125 6
                                    

"Irah mag-iingat ka doon ha? Mamimiss kita." Sabi ni Reinne at niyakap ako.

"Ikaw din. Mag-ingat ka." Sabi ko sakanya.

Ngayon na kasi ang alis ko papuntang Black Forest. Mamaya pa namang hating-gabi para walang makapansing estudyante.

Ayaw kasi nilang ipaalam sa lahat.

Umupo muna ako sa kama ko pagkatapos kong mag-empake.

Mamimiss ko ang kwartong ito. Pati yung kama ko. T_T

*  *  *

"Mag-iingat ka doon Irah. Hindi ko masisiguradong makakasunod ako sayo sa Black Forest pero susubukan ko. Okay?" Sabi ni Kuya tapos niyakap ako.

Tumango naman ako bilang sagot.

Aalis na kasi kami dahil mukhang wala na daw na mga estudyanteng gumagala.

"Tara na Irah." Sabi naman ni Clay na siyang maghahatid sa akin.

"Kuya kailangan na naming umalis. Mag-ingat  ka din dito ha?" Sabi ko.

Niyakap niya akong muli at hinalikan sa noo.

Sumakay na ako sa backseat ng kotse at nagulat ako dahil hindi lang pala kami ni Clay ang nasa kotse.

"Anong ginagawa mo dito? K-kasama ka rin?" Di makapaniwalang tanong ko, nakakunot pa ang noo.

Luh, bakit andito ang Velton na to?

"Tss." Yun lang ang isinagot niya. Kung sagot ba ang tawag don.

Sinimulan ng iandar ni Clay ang kotse.

Nakatingin lang ako sa labas habang bumanyahe.

Sana naman wala ng mapahamak.

*   *   *

"Irah gising na." Nagising ako nang may yumugyog sa akin. "Andito na tayo." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit ng mukha ni Zack sa akin.

Pero agad din naman akong nagtaka dahil hindi na ako nanghihina.

Nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko. Napatulala pala ako.

"Tara na." Sabi niya saka bumaba ng kotse.

Umiling-iling muna ako bago lumabas ng kotse.

Pagkalabas ko ay bumungad agad sa akin ang isang napakalaking bahay. Maganda siya pero may kalumaan na. Napapalibutan din  ng nakadikit na gumagapang na halaman ang ilang bahagi ng gusali.

Pumasok na kami sa napakalaking bahay. May pagkahorror ang bahay na ito.

"Irah!" Sabi ng matandang babae na bumababa sa hagdanan.

"Yaya Kriselda?" Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at agad siyang niyakap.


"Ija! Namiss kita. Mabuti naman at ayos ka lamang." Sabi niya habang hawak hawak ang pisngi ko.

"Mother Kriselda. Dadalhin lang po namin ang mga bagahe sa itaas." Magalang na sabi ni Clay .

Tumango naman si Yaya.

"Mother Kriselda?" Nagtataka kong tanong.

Bakit ganon ang tawag nila? Baka mag-ina talaga sila?

"Ah halika ija. Maupo ka muna." Pinaupo niya ako sa isang sofa.

"Welcome sa aking bahay." Nakangiting sabi niya na ikinagulat ko.

"Bahay niyo po ito?" Tanong ko agad.

E mayaman naman pala siya eh. Bakit pa siya nagtatrabaho sa bahay namin?

"Alam kong maraming tanong na pumapasok sa utak mo at alam kong malalaman mo din ang kasagutan sa mga tanong mo. Sige na. Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka at wala ka pang maayos na tulog. Nasa taas ang magiging kwarto mo. Pangalawa sa dulo." Sabi niya at tumayo tapos hinalikan niya ako sa noo at nginitian ako. Saka siya umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

Ang layo ng mga sagot niya sa tanong ko.

Umakyat nalang ako sa magiging kwarto ko.

Pagkatapat ko sa pinto ay binuksan ko agad ito.

Nagulat ako dahil nandito si Zack at nakahubad siya!

Takte! May abs siya!

"Irah? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang nanlalaki ang mata. Tinakluban pa niya ang abs--este katawan niya na wari mo'y minamanyak ko siya.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ko.

"Malamang kwarto ko to!" Sagot niya.

"Ha? Hindi ba ito ang kwarto ko?" Tanong ko at tumalikod dahil nadidistract ako sa abs niya.

"Yung kabila yung kwarto mo. Padalawa sa dulo diba?" Sabi niya.

"A-ah sorry! Sorry talaga." Sabi ko at lumabas na.

Napahinga ako ng malalim, napahawak pa sa aking dibdib na para bang tumakbo ako papalabas ng kwarto e isang hakbang lang ang ginawa ko.

Hooo! Ang hot! Char!

Pumasok na ako sa tutuluyan kong kwarto bago pa ako mabaliw sa mga nangyayari at sa abs ni Zack!

Humiga na ako sa kama na naroroon at hindi na napigilan ang sariling makatulog.

*END OF ENCHANT 27*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now