start

18 3 3
                                    

dedicated to: @Loyal_Garnet

yan na girl!

****

"nak gising na at malilate ka na sa eskwela..nga pala pasensiya kana at wala tayong umagahan..pagtiisan mo na muna ang kalahating tasang kape..pasensiya na talaga..maglalabada na lang ulit ako mamaya para naman may pambaon ka bukas"rinig kong sabi ni inay sa labas ng silid..

hay..agad akong bumangon at nag ayos ng higaan..sa labing anim na taon kong pamumuhay ay nakasanayan ko na ito..matapos ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo..panigurado kasing malilate ako kung mauunahan ako ng mga kapatid ko sa banyo..

habang naliligo..narinig ko na nagsisigawan na naman sina inay sa labas itay sa labas...hay..ito na naman..marahil ay dahil sa pera..madalas kasi silang mag away kapag humihingi si inay ng pera at walang maibibigay si tatay..

kung sana mayaman kami..edi hindi sana ganito..sa totoo lang naawa ako sa mga kapatid ko..masyado pa silang maliit upang masaksihan ang mga ganitong bagay..kaya naman agad ko silang pinaglalaro sa labas kung nag aaway ang dalawa..

agad akong nagtungo sa aking silid at isinara ang kurtina..

oo wala kaming pinto..kung yung mga pangangailangan nga hirap kaming matustusan yung ganito pa kaya?

matapos magbihis ay kinuha ko ang aking bag..

nakita ko na sira na ang gilid nito..ito kasi ay pinaglumaan ng aming kapitbahay..hiningi na lamang ito ni inay at tinagi upang aking magamit..hay! sasabihin ko na sana kay inay na kung maaari ay palitan na ito ngunit nakasisigurado ako na gipit kami kaya huwag na lang..

ayoko na rin dagdagan ang problema ni inay..

"nay alis na po ako" paalam ko kay inay saka ako nagmano bago tuluyang umalis...

"o siya ingat ka ha..aral ng mabuti"si inay.

"salamat po" at tuluyan na akong umalis..dahil mahaba pa ang lalakarin ko

habang naglalakad ay napaisip ako..bakit kaya sila mayaman? bakit sila nabibili nila ang mag gusto nila? bakit sila hindi na kailangan maghirap??

ganito ba talaga ang buhay? bakit ang unfair?

sa sobrang pag iisip ay hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa gate ng school..agad akong nagtungo sa classroom at kinuha ang aking kwaderno..

binuklat ko ang pahina kung saan ako kasalukuyang nagsusulat..

kahit ngayon lang...magpapalamon ako sa fantasy...

writing realities (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon