dedications?
****
nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng school. nagdadalawang isip kung tutuloy. natatawa ako sa sarili ko, bakit nga ba ako nagdadalawang isip eh papasok at papasok din naman ako...
hay! makapasok na nga...
" uy prend, halika tara doon sa may bulletin, may announcement daw eh" agad na salubong sa akin ni marie pagkapasok ko palang sa gate.
ano kaya yun?
ay nga pala..siya ang kaibigan ko na si marie..siya lang kasi ang kapareho ko dito sa paaralan. ang kapareho kong dukha.
"sige prend" sagot ko sa kaniya.
agad niyang isinakbit ang braso niya sa akin at nagtungo na kami doon sa may bulletin.
ACQUAINTANCE BALL: A NIGHT TO MAKE NEW FRIENDS.
PLEASE WEAR YOUR BEST FORMAL DRESS OR GOWN.
"prend naman, dinala mo pa ako dito para lang diyan..pinapaasa mo pa ang mga sarili natin eh. alam mo naman na di natin kayang sumali" sabi ko kay marie habang nakasimangot.
tumawa naman siya, "prend may ipon tayong dalawa hindi ba? ano ba naman kung bumawas tayo ng kahit tatlong daan"sagot niya.
" eh prend, alam mo naman na hirap kami ngayon sa gastusin, sa halip na ibili ko niyang damit na sinasabi mo ang pera edi ibibigay ko na lamang kay nanay" katwiran ko naman sa kaniya.
"oy prend, baka nakakalimutan mo, may apply ka na trabaho diba..mbabawi mo yung tatlong daan dun..sige na minsan lang eh" pilit niya sa akin.
napailing na lang ako sa kakulitan niya. sige na nga, tama naman siya eh! minsan lang naman.
" oo na"
" humaygad prend! sa wakas! tara na nga sa room" siya.
at binagtas na namin ang daan patungo sa aming silid aralan.
***
nandito ako ngayon sa harap ng kainan na sinasabi ng kaklase ko.
heto na. mag aapply na talaga ako. wala ng atrasan to.
pumasok na ako sa loob at nakita ko na medyo marami rami ang tao. aba! mabenta pala ang kainan nila.
agad kong hinanap ang kaklase ko at saktong nakita ko siya na nagsisilbi doon sa isang lamesa.
tatawagin ko na sana siya ng magawi ang tingin niya sa akin. agad niya akong tinawag at pinapasok sa loob ng opisina ng nanay niya.
" trixie, ito ang opisina ni nanay. antayin mo na lamang siya rito ha. maiwan na muna kita at maraming costumer sa labas" sabi niya at tinapik ang balikat ko.
tumango na lamang ako bilang pagsagot sa kaniya.
sa totoo lang kinakabahan ako ngayon. paano kung di ako matanggap? iniisip ko pa lamang ay napanghihinaan na talaga ako ng loob. kailangang kailangan ko kasi ito. hindi man para sa akin pero para sa panilya ko. alam kong napakalaking bagay na kung sakaling matanggap ako rito kaya naman sayang kung hindi ako makakapasa.
narinig ko ang pagbukas ng pinto.mula doon ay pumasok ang isang babae, siguro mga nasa 40-45 ang edad...hindi ko masasabing mayaman dahil nakadaster laamng siya ngunit nakasisigurado akong medyo may kaya sila dahil sa kutis ng kaniyang balat. halos mala-porselana.
agad na nanlamig ang kamay ko ng tumingin siya sa akin.
naku po! mukhang masumgit yata ang nanay ng kaklase ko.
BINABASA MO ANG
writing realities (ONGOING)
Fantasyhindi lahat ng gusto mo makukuha mo. ito ang paniniwala ni trixie matapos ang lahat ng pinagdaanan niya. sundan ang kaniyang storya..sa pagsusulat ng kaniyang pangarap na magiging katotohanan