first writing

17 4 6
                                    

dedicated to:@chachalsea

this one is for you girl! <3

****

                                 Trixie.

"manong pakihatid po ako sa school.."sabi ko kay manong pagkapasok ko sa sasakyan..

another day for me.

paparating pa lang kami pero natatanaw ko na agad si enzo na nag aabang sa may gate..

pagkababa ko ay agad niya akong sinalubong..

"hi love"masiglang bati niya sa akin sabay beso..siya na rin ang nagdala ng gamit ko..

oh diba! ang sweet naman ng boyfriend ko..

siya si Enzo Mathew Suarez..ang campus hearthrob..at student council president.

at ako..

ako si Trixie Jane Manalastas..ang campus sweetheart at editor in chief ng school paper...actually kaming dalawa ay nag umpisa lang sa tuksuhan..bagay raw kasi kami at kami daw ang campus sweethearts

dahil dun nadevelop kami sa isa't isa..hindi naman kasi siya mahirap mahalin..i mean, sino ba ang hindi magmamahal sa tulad niya? gwapo..mabait..gentleman..at responsable..wala pang bisyo

hindi nga ako makapaniwala na mahal niya ko eh..pero siyempre ginawa niya ang lahat para mapatunayan yon..at heto kami ngayon..4 years na at going strong pa rin...

"love ok ka lang ba?" tanong niya sakin..bumalik ako sa ulirat at napatingin sa kaniya..doon ko napansin ang pag aalala na mababakas sa kaniyang mukha..

hay ang swerte ko talaga..napangiti na lang ako dahil don..

ano pa nga ba ang hihilingin ko??

mayroon akong buo,masaya at saganang pamilya...mga kaibigang laging nakasuporta at kasintahan na mapagmahal at mapag aruga..

labis ko itong ipinagpapasalamat araw araw..

"i'm ok love, pasensiya ka na preoccupied lang" sabi ko sa kaniya at ngumiti..

mukha naman siyang nakahinga ng maluwag dahil sa aking pagngiti.

i smiled at the thought.

mahal niya talaga ko.

"ahhh..love ano ba ang problema..sabihin mo sakin pag ready ka na ha"sabi niya at niyakap ako.

kinikilig talaga ako!

"i love you"sabi ko sa kaniya..

"i love tou too.."sagot niya at hinalikan ang aking noo..

"tara na nga..ang dami ng nakatingin oh"sabi ko sa kaniya at talaga namang alam ko na sobrang pula ko na ngayon..

tumawa siya..at umalis na rin kami at dumiretso sa silid aralan...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"oy trixie tama na ang pagsusulat mo diyan..mag uumpisa na ang klase"doon lamang ako nagbalik sa aking sistema..sandali akong nangiti ng naalala ang aking sinulat..ngunit agad napasimangot ng naalalang kathang isip lang iyon..

malayong mangyari sa totoong buhay.

hay...kailan kaya ako makapagsusulat ng reality..yung tipong alam kong totoo...alam kong mangyayari..hindi yung fantasy.

"oh sige itatago ko lang to..salamat ha"sagot ko sa aking kaklase.

eto na naman balik na naman sa mapait na reality.

***

agad akong nagtungo sa kantina upang kumain ng tanghalian..


habang kumakain, hindi ko maiwasan na mapatingin sa aking mga kaedad..halos lahat sa kanilang gamit ay bago..sapatos, bag, uniporme, at masasarap pa ang baon..samantalang ako..isang piraso ng tuyo ang ulam ko at tutong ang kanin..tira pa namin ito kagabi eh..kaya naman halos hindi ko mailabas ang aking baunan..nilagay ko na lamang ito sa aking hita atsaka palihim na sumubo.. hiyang hiya talaga ako sakanila..


kung sana..mayaman kami..eh di sana hindi ganito..sana maayos ang aking itsura..sana hindi ako dugyutin tingnan..sana nakakain ko ang mga gusto..nabibili lahat ng luho...sana hindi nag aaway si inay at itay..

sana..

di bale..magsisikap ako..baka balang araw guminhawa rin kami.


***

sorry kung may typos.







writing realities (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon