|Ang Pagsubok ni Prinsipe Sky|

339 8 0
                                    



| Prinsipe Sky |

Ngayon ang aking Dalawa't isang kaarawan. Dumating narin ang araw na aking pinakahihintay Ang Aking Koronasyo. upang ako'y maging hari.Tumayo ako sa aking kama at nagbihis.

Ang Gwapo ko!

Lumipad ako Papuntang Kaharian.

"Magandang Umaga Inang Reyna at amang Hari!"Masayang sabi ko.

"Magadang Umaga Prinsipe Sky"nagulat ako sa sinabi ng aking ama.

"Bakit isa parin akong Prinsipe? Isa na akong hari sapagkat Dalawa't isang kaarawan ko na ngayon!"Sabi ko sa aking ama.

"Wag kang magmadali, Sky! Kailangan mo pang mapagtagumpayan ang iyong Pagsubok"Sabi naman ni ina.

"Anong pagsubok iyan ina?"tanong ko.

"Upang hari kailangan mong maranasan ang Makalakad"sabi ng hari tumawa lamang ako.

"Makalakad?! Naglalakad ako pag pagod na ang aking pakpak amang hari kayang kaya kong maglakad!"Sabi ko.

"Edi madadalian ka lamang sa pagsubok na ito! Papatirahin kita sa Mundo ng mga tao Ng matagal na panahon Hindi mo pwedeng gamiting ang iyong pakpak sa oras na gamitin mo ito! ay may matinding kaparusahan ang maghihintay sayo"sabi ni ama ng seryoso.

Seryoso ba sya?! Napakadali lamang ng kanyang pagsubok tiyak na malalampasan ko kaagad ito.

May Lumabas na isang Bilog Portal.

"Pumasok ka na sa bilog anak dahil doon naghihintay ang iyong pagsubok"Sabi ni ama,kaya naman pumasok ako sa Loob.

at isang liwanag ang bumalot sa akin.

"Hoy Lalake"nagulat ako ng may nagsigaw sa aking tenga.isang babae.

"Ako ba ang iyong tinutukoy?"tanong ko sa babaeng walang pakpak, isang tao.Nandito na siguro ako sa mundo ng mga tao.

napatingin ako sa likod ko! walang pakpak! At iba na ang aking kasuotan.

Nagulat lamang ako ng bigla nyang akong pinagsasampal at sinasambunutan.

"How dare you paiyakin ang kapatid ko! walang hiya ka purket gwapo ka!"sigaw nito.

"Ano ba nasasaktan ako!"sigaw ko.

"Pakealam ko kung masaktan ka! sinaktan mo rin naman ang Puso ng kapatid ko! Ha! manloloko ka! Chickboy! pagkatapos mo syang ikama Lolokohin mo lang sya!"sabi ng babae.pipiglas ako ngunit ang lakas ng kanyang kamay.Ano bang kasalanan ko sakanya?

Tapos may isang babae ang pumigil at sa wakas ay natangal na ang kanyang kamay sa aking buhok.at namula ang aking muckha dahil sa kanyang sampal.

| Zoe |

"Ohh bakit ka umiiyak dyan?"tanong ko kay Zannie,ang Kapatid ko.

"Niloko kase ako ni Ryan ate! Huhuhu!! Binigay ko sakanya yung Virginity ko! Pero n-niloko nya ako ate"sabi ni zannie.

Wow!'Niloko sya! Walang hiya yun ah!

"Nasan na yung lalakeng iyon?"galit na tanong ko.

"Kakaalis nya lang! Naka Blue sya na damit"Sabi ni zannie kaya tumingin ako sa paligid ng park.

At may nakita akong lalake na nanaka blue na tulala.kaya naman nilapitan ko ito.

"Hoy Lalake"sabii ko sa lalakeng naka blue

"Ako ba ang iyong tinutukoy?"tanong nya.

Nagulat sya ng bigla ko syang pinagsasampal at sinasambunutan.

"How dare you paiyakin ang kapatid ko! walang hiya ka purket gwapo ka!"sigaw ko.

"Ano ba nasasaktan ako!"sigaw nya.

"Pakealam ko kung masaktan ka! sinaktan mo rin naman ang Puso ng kapatid ko! Ha! manloloko ka! Chickboy! pagkatapos mo syang ikama Lolokohin mo lang sya!"sabi ko at lalong hinigpitana ng pagkakahawak sa buhok nya.

Tapos pinigilan kami nik zannie.

"Wag mo akong pigilan Zannie! Mapapatay ko tong lalakeng to"sabi ko.

"ate hindi sya si Ryan"nagulat ako sa sinabi ni Zannie.

So Hindi sya yung boyfriend nya?!pagkatapos ko syang sambunutan? Sampalin? Pagbintangan! nakakahiya!

Lupa! Lamunin mo na ako!

"Sorry po"Sabi ko.

"Dapat lamang, Lapastanganan!Wala kang karapatang Saktan ang aking Mala angel na muckha!"nagulat ako sa sinabi nya.

Napakayabang nya "At least nag sorry ako! Wow ha! Grabe ka maka puri sa muckha mo! oo nga gwapo pero hindi mala angel exagerated"sabi ko.

"Ikaw na nga nakapaminsala ng Muckha na may muckha ay ikaw pa itong nagagalit! Isa ka lamang hamak na Tao!"sabi nito.

"Eh bakit hindi ako magagalit, Eh mayabang ka eh! at tsaka humingi ako ng tawad pero maka asta ka akala mo Prinsipe ka! Eh isa kang Dukha"sabi ko.

"Mas muckha ka pang dukha keysa sakin! Kasama ng iyong kasamang babae"aba't sumusubra na! pari kapatid ko dinamay.


Magsasalita pa sana ako pero. "Tama na iyan ate!"sabi ni zannie at hinila ako.pero bago ako umalis.

"Sa Susunod na magkita tayo. Magtutuus tayo! Yabang"sabi ko.

"Sige ba! Dukhang Panget"tapos dumila sya arrgghhh!!!

Flying Sorceres # 1 : White-Wings ✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon