|Fedrick The Ambitous Young Man|

131 2 0
                                    



| Fedrick |

"Aking asawa, Kailan ka kokoronahan bilang reyna?"tanong ko sa aking asawa na si zeirina, Kaya ko lamang sya pinakasalan ay dahil gusto kong maging hari pamunuan ang mundong valhalla.

"Hindi ako magiging reyna"nagulat ako.

"Sino ang kokoronahan, ang pag-ka-kaalam ay ikaw lamang ang nag-iisang anak ng Reyna't Hari?"tanong ko.

"Wag mong ipagsabi sa iba ngunit meyron pa akong nakkaatandang kapatid na lalake!'Hindi sya ipinakilala sa valhalla upang pangalagaan sya! ngayon ginagawa nya ang kanyang misyon upang maging hari sa mundo ng mga tao ngunit may napakalaking problema"Sabi nya.

"Anong problema iyon?"tanong ko.

"Dahil asawa kita sasabihin ko, Umiibig sya sa isang taga-lupang babae! At muckhang magiging suliranin pa ito upang hindi na makabalik ng valhalla ang aking kapatid"Sabi nya.

Ibig sabihin, may tyansa akong maging hari. at tsaka walang kwenta naman palaang prinsipe sky na yan dahil ipagpapalit nya lang sa isang babae ang kanyang korona at pamumunuan.

Ako ang nararapat dahil handa akong paglingkuran ang mga tao. at halata namang mas matalino ako sa prinsipeng iyan! dahil kung ako ang nasa posisyon nya. ay hindi ako magmamahal ng tao. nakapa bobo.

"Kailan ba sya babalik ng valhalla?"tanong ko.

"Hindi ko alam''Sabi nya.kung bumalik pa ang walang kwentang prinsipe papaslangin ko sya upang ako na ang maging hari.

Sana nga lang ay maging duwag sya at hindi na bumalik pa dito.

2 Buwan namang nakakalipas.

"Ano iyang sinusulat mo? Aking asawa?"tanong ko ngumite sya.

"Isang liham para sa aking kapatid sapagkat pinapabalik na sya ng aking ama sa palasyo!"Sabi ko.

Babalik pa ba yun?

"Nagagalak akong makita sya"sabi ko.

Nagagalak akong makita ang kanyang makapal na muckha pag bumalik na sya dito.

Pumunta na kami sa Kaharian upang makita ang pagbabalik ng prinsipe.

May bilog na portal.

''Bakit parang walang lumalabas sa portal? kanina pa tayo naghihintay sa pagbabalik ni prinsipe Sky"tanong ng amang hari kay zeirina.

"Baka na trafic lang ama''Sabi ni zeirina.

Ngumite ako, Muckhang hindi na babalik ang prinsipe. Muckhang ako na ang makokoronahan.

Hangang sa may paa nang lumabas.at lumabas na nang tuluyan ang isang lalake, Sya siguro ang prinsipe.

"Sky"Sabi ng reyna at niyakap nya ito.Ngumite si prinsipe sky ngunit hindi halatang hindi sya masaya.

Niyakap rin sya ng hari.pati ni Zeirina.

♣️♣️♣️

Habang binibihisan ang prinsipe upang makoronahan na sya bilang hari.

''Maligayang Pagbabalik Prinsipe Sky ako si Fedrick ang asawa ng iyong kapatid"sabi ko.ngumite sya sakin.

"Ikaw pala si fedrick lagi kang kinu kwento ng aking kapatid"Sabi nya.

"Alam ko na may Babae kang minamahal na taga-lupa, iiwanan mo nalang ba sya?"tanong ko.

"Hindi ko alam, Basta ang alam ko! Hindi ko pwedeng talikuran ang mundong ito at yung responsibilidad ko dito pero hindi ko rin naman kayang talikuran sya! dahil mahalaga din sya sakin!"Sabi nya.

"Piliin mo kung ano ang makakapag pasaya sayo!'Hindi ka masyadong kailangan dito! Maayos na ang mundong ito kahit wala ka"sabi ko.

"Alam ko naman kahit wala ako dito maayos parin ito! pero matagal kong pinangarap ito! Pamunuaan ang mga tao sa mundong ito! At maging Mabuting hari na pinapangarap ko! Ayokong masira iyon dahil lang kay zoe pinapahalagaan ko rin naman sya! Ang mundong ito at si zoe ay parehas na mahalaga sakin! Hindi ko kaya pag nawala ang isa sakanila!"Sabi nya.

Hindi ko talaga sya makukbinsidong iwanan ang valhalla para sa kanyang minamahal kung ganun!'Papaslangin ko na lamang sya.

♣️♣️♣️

| Zeirina |

Masaya ako na matatangap na ni Sky ang trono.

"Prinsipe Sky, Tinatangap mo ba ang Tungkulin, Responsibilidad, At Alituntunin Sa Palaysyo?"nagulat ang mga tao.

"Prinsipe? May prinsipe?"tanong ng iba.

"Muckhang sya na ang magiging bagong hari"Sabi ng iba.

"Tinatangap ko"Sigaw na sagot ni sky.

At Kinuha na ang korona ng Hari at Nilagay ni ina ang korona sa ulo ni sky.

"Ang Bagong Hari Ng Valhalla"Sigaw ni ama.

At pinalakpakan sya ng mga tao.

"Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay"sigaw ng mga tao.

Flying Sorceres # 1 : White-Wings ✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon