|Ang Nakalimutang Pamilya|

120 2 0
                                    




| Haring Sky |

Ilang araw na mula nang masaksak ako ng rebelde. At may iniisip ako. Parang may kulang sa aking pagkatao nung magising ako. Parang may hinahanap hanap ako. at parang may gusto akong puntahan!

"Mahal na hari? Anong ang iyong iniisip?"tanong ni fedrick.

"Wala"sagot ko, Parang all of a sudden ay parang nag iba ang aking pakiramdam kay fredrick. Sapagkat. May masama akong pakiramdam! Pero alam kong mali itong nararamdaman ko. sapagkat Asawa sya ng aking kapatid. Dapat ay kapatid narin ang turing ko sakanya.

"Mahal na hari. Gagawin nyo ho bang Prinsipe ang aming magiging anak ni Zeirina?"tanong nya.

Ngumite ako. "Bakit hindi?! Pamangkin ko naman iyan. kadugo! At tsaka wala pa akong tagapagmana! o asawa kaya nararapat lamang na ang anak nyo ang maging tagapagmana ng trono"sabi ko.

"Ako'y nagagalak sapagkat naisip mo iyan? Wag na ho kayong magbalak na mag asawa o magkaroon ng anak!"napatingin ako sa sinabi nya.Magsasalita pa sanq qko ng.

"Anong pinag uusapan nyo?"dumating si zeirina.

| Zoe |

FOU4 MONTHS LATER

Nasan ka na sky? Bakit hindi ka nagpaparamdam? Pwede na akong Manganganak anumang oras ngayon. pangako mo sasamahan mo akong manganak.

dumating si mama. "Nasan na ba kase yang asawa mo? at ikaw ay mag isa lang dito"tanong ni mama.

"Nagtratrabaho kase sya ma sa ibang bansa!"sabi ko.

"Kung nag tratrabaho sya eh! bakit ako ang bumubili sa gagamitin ng baby nyo?"tanong ni mama.

"Ma! Wag nyo nang pagdudahan si sky! Babalikan ako nun! Kase mahal ako nun"sabi ko.

"Tch"sabi ni mama. may naramdaman akong masakit.

"Ahhh, Ahhh!! Ma! Manganganak na ako"sigaw ko,inanalayan ako ni mama.

"Jusko maryosep"sabi ni mama. at pumunta kaming hospital.

| Third Person |

~Valhalla

Kasabay na nanganak si zoe, ay Lumipad ang mga Paru-paru sa kalangitan. isa itong signos! na meyroon nang tagapagmana ang hari ng valhalla.

Nagtaka ang hari. "Paanong magkakaroon ako ng tagapagmana? Eh wala akong asawa?"naguguluhan na tanong ng hari kay fedrick.

Kaya naman habang natutulog ang kanyang asawa ay May Itinapon syang salamangka sa kanyang anak.

"Lumabas ka na aking anak! Lumabas ka.ito na nag tamang oras upang kilalanin mo ang mundo! Ito na ang tamang oras"sabi ni fedrick.kaya naman nagising ang kanyang asawa sa sakit.

"Ahhhh"sigaw ni zeirina.

Inalalayan ito ni fedrick.ngunit hindi parin mapigil ang kanyang ngiti! Wala nang makakapag pigil na ang kanyang anak ay ang magiging Hari\reyna ng valhalla.

"Mahal na hari! manganganak na si zeirina muckhang ang anak ko ang tinutukoy na tagapagmana ng valhalla mahal na hari"sabi ni fedrick. sa hari habang nanganganak ang asawa sa isang silid.

"Muckhang tama ka fedrick, ang inyong magiging anak ang syang tinutukoy ng mga paru-paru! Muckhang magiging matalino't responsable ang inyong magiging anak ni zeirina"nakangiti na sabi ni sky.

Ngunit! Parang meyroon paring parte sa kanyang isipan na hindi ang magiging anak ni fedrick at zeirina ang hahalili sakanya.

Natapos nang manganak si zoe.

"Anong ipapangalan mo sakanya?"tanong ng mama ni zoe.

"Gusto kong ipangalan sakanya ang Lugar na pinagmulan ng kanyang ama... HEAVEN"sabi ni zoe. at ngumite.ngunit nagtataka ang kanyang ina sa kanyang sinabi.

-Valhalla

Hindi tunay na mahal ni fedrick si Zeirina kaya naman,  Hindi nya ito kailangan nabigyan na sya ng tagapagmana.

naipanganak narin ang kanilang sangol at ipinangalanan nya itong EREBUS upang tanda na ito'y matapang at Wais sa kanyang magiging desisyon.

Hinanda nya ang kanyang kutsilyo. at habang natutulog si zeirina, sinaksak nya ito. nagising si zeirina.

"Hindi na kita. kailangan kaya pwede ka nang Mag paalam sa mundong ito" sabi nito at diniin ang kutsilyo.ngunit imbes na galit ang makita nya kay zeirina ay ngumite ito sakanya na tila ba masaya.at hinawakan ang kanyang pisnge.

"Mahal Kita, Fedrick"sabi nito. bago pa ito mawalan ng hininga.hindi alam ni fedrick sapagkat.

Napaluha sya, At tila Parang masakit sa kanyang kalooban. Kahit kaunting panahon pala ay nalaman nya na minahal nya si zeirina.pero mas nauuna ang kanyang ambition keysa sa pag ibig, mas nauuna ang throno, Ang utak at hindi ang puso nya.

Flying Sorceres # 1 : White-Wings ✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon