| Prinsipe Xavier |Pumunta na ako sa bayan, kung saan ako dating pumepwesto.
"Hoy, dukhang pintador! Umalis ka dyan! dahil naghihintay ang aking prinsipe"napalingon ako. yung babae nakaraan! yung babaeng sumira ng aking pinaghirapan! pero. tama ba ang aking narinig?! aking prinsipe?
"ikaw ba ang babaeng hinihintay si Prinsipe Xavier?"tanong ko.
"Paano mo nalaman?"nagtatakang tanong nya.paglalaruan ko muna ang babaeng ito.
"Pinadala ako ni prinsipe xavier—"bago ko pa matuloy.
"Awww ang prinsipe Xavier! ang gwapo nya"nagulat ako.
napatingin sya sakin. "Nasan si Prinsipe xavier?"tanong nya sa sarili at sakin, nakita ko si david.
"sya! sya! si Prinsipe xavier magbigay galang ka"sabi ko at hinila si david.
"Anong ginagawa mo?"naguguluhang tanong nya sakin pero mahina lang.
"Sumakay ka na lamang"sabi ko.pinaupo ko sya labis labis ang ngiti ng babae. tch! di ko alam pero naiinis ako sa kanyang ngiti! na dapat ako ang nakakatangap pero. kailangan ko syang lokohin at paglaruan.
"Mahal na prinsipe, nakita ko ang iyong mga obra! at pinta! napakaganda. Ako'y isang tagahanga ayyy, nakalimutan kong magpakilala ako nga pala si Elizabeth anak ng isa sa mga ministro ng palasyo!"masayang pakilala nya.ngumite si david.
"ahh, Mabuti naman at nagustuhan mo ang obra ni xavie—este ako! nagagalak ako"sabi naman ni david ako nakaupo lang sa gilid pinagmamasdan silang mag usap.
tumingin sakin si elizabeth. "Hoy lalake, Maari bang umalis ka na! hindi mo ba nakikita na nag uusap kami ni prinsipe xavier"sabi nya.tumayo ako.
kung ako kaya ang kanyang nakilala na prinsipe, ay ganyan ang kanyang ngiti?! Di ko alam ngunit bakit ako naiinis? hindi ko dapat ito maramdaman.Umalis na lamang ako sa inis.
| Prinsipe Erebus |
Simula ng makilala ko si alexa, ay iba na ang pananaw ko sa paligid. di ko alam pero napakagaan ng aking loob sakanya! parang sya na ang laging hinahanap hanap ko.sya rin ang nagsabi sakin na wag akong magtanim ng sama ng loob sa aking mga kapatid.
Pumunta na ako sa Hardin kung saan lagi syang nandoon. doon ang kanyang libangan sapagkat mahilig sya sa bulaklak. "Alexa"tawag ko sakanya.lumingon sya at ngumite.
"Mahal kong prinsipe! Nabalitaan ko na Ikaw pa mismo na nagsabing Handa si Prinsipe agustin para pamunuan ang isang hukbo. ang ibig sabihin ba nito ay unti unti mo na syang natangap?"tanong nya.
"Oo alexa, Hindi naman masama kung tangapin ko ang aking mga kapatid kahit na sila pa'y walang dugong bughaw! hindi nila ito kasalanan"sabi ko.
"Oo hindi kasalanan ng iyong mga kapatid, o kahit ang kanilang mga ina dahil kasalanan ito ng iyong ama! dahil kung mahal nya ang iyong ina mag aanak ba sya sa ibang babae?"Nabigla ako sa sinabi nya.
"Ngunit namatay na ang aking ina, kaya naghanap ng iba ang aking ama"sabi ko.
"Wag mo na ipagtangol ang iyong ama erebus! ako'y naninibugho na sa'yo! kaya kung iyong mararapatin. Aalis na ako dahil ako'y may pupuntahan"sabi nya at umalis.
bakit ganito?nung sinabi nya na wag ko nang ipagtangol si ama ay parang may autoridad sya bigla akong natahimik.
| Fedrick |
Nakita ko si alexa na sumasayaw.
"Alexa, napagaling mong sumayaw! Muckhang nalampasan mo na ang aking asawa na si zeirina. Muckhang hindit totoo na si zeirina ang pinaka magaling na mananayaw!"pagkasabi ko nun huminto sya.
"Pwede bang umalis ka muna ginoong fedrick! dahil hindi ako maka concentrate sa pagsasayaw!"sabi nya.
"Pwede bang ipagpaliban mo muna ang iyong pagsasayaw at lumabas tayo! Bibilhan kita ng bagay na gusto mo! Sumama ka lamang sakin!"sabi ko. Tumingin sya sa ibang direksyon.
"Hindi ko iyon kailangan Ginoong fedrick! Malapit na ang kaarawan ng hari! kailangan maghanda kami ng sayaw! Kung iyong mararapatin pwede bang umalis ka na lamang"sabi nya.kaya naman umalis ako. bakit pakiramdam ko ay ayaw sakin ni alexa? bago pa man ako tuluyan maka-alis. biglang dumating ang aking anak na si erebus.
"Alexa? tapos ka na ba sa pag eensayo ng pagsasayaw?"tanong ni erebus kay alexa. ngumite si alexa.
''Malapit na hintayin mo na lamang ako"sabi ni alexa.
"Sige"sabi ni erebus.
Sinundan ko sila Pumunta silang bayan. pumunta sila sa isang kainan at kumain. nagtatawanan.Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni alexa.
"Pwede ba akong sumama? wala kase akong gingagawa! at gutom ako! Muckhang nagkakasayahan kayo ng punong mananaaw anak"sabi ko tumingin ako kay alexa hindi sya makatingin sakin ng diretso.
"Oo naman pwede kang sumama samin ama! hindi naman kami masyadong nagkakasayahan ama! nag kwe kwentuhan lamang kami!"sabi naman ni erebus.
--
Naglalaro kami sa circus.
"Sayang erebus! Bakit hindi ka magaling sa baril! tch! gusto ko pa naman ang Hair pin na iyon!"sabi ni alexa at tinuro ang hair pin na kulay Silver.pumunt muna si erebus para maglaro sa ibang palaruan.
Kinuha ko ang baril. "Kukuhanin ko yan para sayo alexa"sabi ko.
At tinamaan ko. Binigay sakin ng lalake ang hair pin Sinuot ko ito kay alexa, ngumite sya. "Salamat Fedrick Maganda ba?!"tanong nito.
"Oo Maganda"sabi ko at nagka titigan kami.
"Bibigyan kita ng ibang hairpin kung iyon nanaisin pa alexa teka paano mo nakuha itong hairpin na to?!"bigla namang salita ni erebus.kaya naman napatingin kami sa ibang direksyon.tumingin sya sakin.
"Binigay ito ni Fedrick"sabi nya at ngumite napangiti na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Flying Sorceres # 1 : White-Wings ✔️Completed
FantasyThe Fallen Angel Who had Sin Againts Heaven who was thrown away in the earth and create her new own wonderful World Called Valhalla With Her new Creature with wings Called FLYING SORCERES.