|His Unknown Feelings|

187 5 0
                                    



| Zoe |

Tinadyakan ko sya, Paano ba naman! Sinilipan nya ako!

"Bakit nyo po ako tinadyakan? Sabi nyo po kunin yung mga papeles sa baba"Sabi nya.

Ignorante ba itong lalakeng ito? Galing ba ito sa malayong probinsya?! Kahit nga Taga probinsya alam yun sya hindi! ano sya aileen?! Taga encantadia?! De joke! Ang bobo nya naman.

"Papeles, Sa baba sa Baba ng floor ng ito hindi sa sahig! gosh! akala ko sinisilipan mo ako!"Sabi ko.tapos tumawa sya.

"Ikaw?! Sisilipan ko? Wag ka masyadong mahanagin Ma'am Hindi ka kagandahan Upang ako'y maakit sayo"Sabi nya.

Wow ha! Purket gwapo sya! No, Hindi sya gwapo! Joke lang yung sinabi ko kanina.

"Sa tingin mo, magpapaakit ako sayo?! ano ka prinsipe? At tsaka Maganda akong babae maraming nanliligaw sakin! hindi mo ba alam?"tanong ko.

"Kung talagang maraming nanliligaw sainyo bakit kailangan nyo pang sabihin?"Iniinis nya talaga ako.

"Isusumbong kita kay Sir Gab"Sabi ko.

"Isumbong nyo! Anong sasabihin nyo? Na Kaya nyo ako isusumbong dahil lang sinabihan ko kayong hindi Kagandahan! Tch! ang babaw nyo po Ma'am"Oo nga no! May point sya pero...

"Hindi nalang pala isusumbong, Itong mga Libro na ito Ibigay mo Sa Game Department"utos ko sakanya.at binigay ang isang box ng libro, ewan ko lang kung makaua mo yan.

Binuhat nya ito."Nasan yung Game Department Ma'am?"tanong nya.

"Yung room na Green Yung Pintuan"sabi ko.

| Prinsipe Sky |

Binuhat ko ito.Uggghhh! Grabe ka bigat. Habang kinakatuk ko yung pintuan wala pang sumasagot.Ugggh ang bigat! Parang hindi ko na kaya ha, kaya naman sinandal ko yung mga libro tapos biglang bumukas at nadapa ako.

"Nandyan na yung mga libro"sabi ng babae.

akala ko tutulungan nila ako pero hindi, Tch! ang bigat.

"Kulang pa ng tatlong kahon"Sabi ng babae.Tatlong kahon?! Isang kahon palang hirap na hirap na ako?!

Pumunta ako sa Design Department.

"Kunin mo na yung isang kahon, at para malapit ka nang matapos dalawang kahon nalang"Sabi ni Ma'am Zoe.

Tapos Dumating yung isang lalake. ''Tulungan na kita"Sabi ng lalake.Ngumite ako! ang bait nya.

"Rome, May meeting pa tayo hayaan mo ang baguhan na mag deliver nyan sa Game Department"Sabi ni zoe kaya naman lumayo si rome.

"Sorry, Napag utusan lang"Sabi nya.

"Bilisan mo na, baka hindi ka maka lunch mamayang tanghali dahil ang bagal mong magtrabaho"sabi nya tumingin lang ako ng masama sakanya.

"Ano nagrereklamo ka na ba?! Mister Sky?"tanong nya.

"Hindi, ang dali lang kase ng trabaho ko nagbubuhat lang Malaki pa naman ang aking katawan kaya Madali lamang ito para sakin"Sabi ko.at ngumite pero parang nagulat sya.

Alam kong pinapahirapan ako ng babaeng ito. kaya ipapakita ko sakanya na hindi ako nahihirapan para naman hindi sakanya ang huling halakhak.

12:00

hay salamat, natapos narin.habang nasa maliit na box na tinatawag na Escalator. Saktong nakasama ko pa si Ma'am Zoe.

Tinarayan nya lang ako, tch! tapos paangat na kami at may pumasok na mga tao.sobrang dami.kaya naman naipit kami at paano kami napunta sa ganitong posisyon.Halos magkadikit ang aming mga muckha at katawan.At hindi kami makatingin ng diretso sa isa't isa. hanga't sa nagkasalubong ang aming mga mata.

Nang mabawasan na ang tao ganun parin ang aming mga posisyon.

''Pwede bang lumayo ka na kaunti nakang ang mga tao"sabi nya at tinulak ako.

"P-pasensya na"sabi ko. bakit naiilang ako ng ganito? parang nahiya na ako ng lubusan?

Habang nasa silid kung saan tinatawag nilang cafeteria. ay mangha na mangha ako. hindi ganito ang aming mga pagkain! lalo na yung tinatawag nilang ice cream napaka sarap! at napaka lamig! naka 3 ice cream na nga ako eh.

habang kumakain..

"Ano ka bata? napakasaya mo na kumakain ka pa ng ice cream?"sabi ni ma'am zoe.

"Ang sarap po eh"sabi ko.

"May dumi ka"sabi nya at tinuro.

at dinilapan ko.

"Hindi mo parin natatangal dito oh"turo nya,at dinilapan ko pero wala parin! hangang sa lumapit sya sakin, at pinunasan iyon.

Napatingin lang ako sakanya.Bakit ganito? Parang Bumagal ang kanyang mga Galaw?

"Oh bakit ganyan ka makatingin?"tanong nya.

Amang Hari, Inang Reyna Muckang Innirug ko na ang Taga-Lupang it

Flying Sorceres # 1 : White-Wings ✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon