|Ang Galit ni Isadora|

87 2 0
                                    



| Reyna Heaven |

"Kilala mo sya? Isadora?"tanong ko.Ngunit Nag aalab ang kanyang mata sa galit.

at nagulat ako ng biglaan nya akong sinakal."Sya lang naman ang aking kabiyak! Hayop ka! Pinatay mo si tio"sabi nya.Kaya naman nagtulong tulong ang mga kawal na hawakan sya.

"Isinusumpa kita! Hindi ka magiging masaya! Ipagpaghihigante ko ang aking kabiyak"sabi ni isadora at Umalis.

| Isadora |

Nag wala ako sa aking silid. Walang hiya sya! Wala syang karapatan patayin ang aking kabiyak. pagbabayaran nya ito! Hindi ko hahayaan na maging masaya sya!

"Kawawa ka naman aking anak"napalingon ako sa nagsalita si ama.

"Ama!"niyakap ko sya.

"Ang sama ng babaeng iyon! Pinatay nya ang iyong kabiyak"sabi nya.

"Kaya ama! Kung gusto mo. sasama ako sayo! Sasama ako na pabagsakin ang hayop na si heaven"sabi ko.

"Salamat anak''sabi ni ama.

| Third Person |

kaya naman, nang gabi na ay sabay na tumakas si Isadora at ang kanyang ama.Ngunit may naisip si fedrick kaya naman pumunta sya sa silid ng kanyang asawa.

"Anong ginagawa mo sa aking silid ?"tanong nito, sakanya.

kaya naman Pinatulog nya lang ito gamit ang Tapal sa leeg, Hindi nyanitoing magawang saktan lalo't buntis ito na sya ang ama at mahal nya ito.

kinuha nya ang bilog-portal sa Lamesa nito. napangiti sya.

"Ano yan ama?"tanong ni isadora.

"Ito ang susi upang makuha natin ang ating bibihagin"sabi ni fedrick at tuluyan na silang umalis ng kanyang anak sa palasyo.

| Zeirina |

Napamulat ako, Pagkagising ko ay wala na ang magaling kong asawa.ngunti napatingin ako sa aking lamesa. Nawawala ang bilog-portal, Kailangan ko itong ipaalam sa aking kapatid at pamangkin na reyna.

"Ano't ang aga ay Binulabog mo kami ng aking anak at ang boung ministro ?"tanong ng aking kapatid.

"Nakuha ng taksil na si fedrick ang bilog-portal na sa aking pangangalaga"sabi ko.

"Yun siguro ang kanyang ginamit upang pumunta sa mundo ng mga tao! Kahit papaano ay mawawala na ang isa sa mga suliranin sa palasyo! Kaya pabayaan nyo na sya mahal na Reyna"sabi naman ni ministro theo.

"Ngunit sa aking palaga'y ay hindi pagtakas ang pakay nya sa mundo ng mga tao"sabi ko.

nagulat si heavne at parang biglang nanginig."Ang aking ina! Nakatira sya sa mundo ng mga tao! Dadakpin nya ito upang ito'y maging kanyang bihag"sabi ni heaven na may halong pag-aalala. Gayun din ang muckha ng aking kapatid.

"Kung gayun mahal na hari! Magpadala tayo ng kawal! Sa mundo ng mga tao at Ipahanap si fedrick"sabi nan ni ministro Arnold.

"Hindi, Kami na ng aking anak na reyna ang pupunta doon!"sabi naman ng aking kapatid.

"Ngunit mahal na hari! walang Mamahala sa palasyo kung kayo ng iyong anak ay mawawala"sabi naman ni ministro Cheng.

"Wag kayong mag-aalala, Nandito ang aking kapatid na si zeirina! upang mamahala! Sya muna ang magiging reyna pansamantala ng palasyo!"sabi naman ng aking kapatid.nagulat ako.

"Pumapayag ka ba aking kapatid?"tanong ng aking kapatid.

"May pagpipilian ba ako mahal na hari?"tanong ko.

Flying Sorceres # 1 : White-Wings ✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon