Nandito na kami sa entrance ng Star City. Weekend kaya sobrang rami ang pumipila. Pero, kami naman ang susunod kaya hindi na dapat ako magre-react.
"Ride all you can tayo? Okay lang sayo?"Tanong niya sa akin.
Well, mahal ang ticket, pero hindi naman ako ang pababayarin siguro neto.
"Okay sa akin basta ikaw ang magbabayad."Sabi ko habang tinitignan ang mga promo.
"Hindi na ako gentleman kung ganoon. Haha!"Sabi niya.
"Ride all you can please. Two persons."Sabi niya sabay abot sa kanyang bill.
"Okay sir. Please wait."Sagot nung cashier.
I'm surprised na hindi nagpapa-cute ang cashier at teller. Siguro dahil marami pa silang ie-entertain na mga tao.
"Tara na! I'm so excited!"Sabi ko habang sinusuot ko ang wrist ticket.
Nahihirapan ako leche. Yung sticker kasi paliging nai-stuck sa daliri ko.
"Here. Let me help you."Sabi niya habang inaayos niya ang wrist ticket ko.
Dugdug.dugdug.dugdug.
No. Not again.
Sana hindi pa-fall si Vince.
"S-salamat."
"Small thing."Sabi niya sabay kindat.
Una kaming sumakay sa rollercoaster.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"Sigaw ko.
Siya naman, tumatawa lang.
"HINDI KA BA NATATAKOT!?"Sigaw ko.
Alangan naman bumulong ako.
Umiling na lang siya.
Niligpit ko ang buhok bago ako sumakay dito. Siya naman, hinahayaan lang ang buhok na guluhin ng hangin.
Gwapo.
Hah? Hindi ko yun sinabi.
Mga 5 or 8 minutes yung ride. At hindi ko maitatanggi na nahihilo talaga ako.
"Okay ka lang?"Tanong niya sa akin habang hinihilot yung gitna ng thumb at index finger ko.
Syet! Ang sakit na puson ko!
"Okay lang. Medyo nahihilo lang ako, pero okay lang ako."Palusot ko.
"Tss. Stop lying. Alam ko na nahihilo ka, kaya huwag ka nang magsingungaling."
"Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa nagtanong?"
"Kahit kelan talaga, ang sungit mo."Sabi niya.
Inirapan ko na lang siya at dumiretso ba sa food court. Hindi naman mainit kaya okay lang, tapos may mga couples na naman akong nasisilayan.
Pero bakit hindi ako nagre-react?
"Anong gusto mong kainin? Mago-order ako."Tanong niya.
"Kahit ano basta malamig at masarap."
"May ano ka ba?"Tanong niya.
"Ano?"
"Yung ano...r-re-re-..."
"Regla?"
"Ahhh..Oo."Sabi niya sabay kamot sa likod na ulo niya.
"Meron. Bakit?"Sagot ko.
"Wala lang."Sabi niya at tumayo na.
Tinignan ko na lang ang mga bata na nagiilaw ang mga mata kasama ang mga magulang nila.
"Kuya Leo?"
Napalingon ako sa isang bata na parang naliligaw. May puso parin naman ako no!
"Hi! Naliligaw ka ba?"Tanong ko sa bata.
"Yup. I can't find kuya Leo."
"What's your name?"
"Dule."
"Ahh. I'm ate Cor. Dito ka muna--"
"Dule? Nandito ka lang pala? I went all over the places here to find you!"
Familiar ang boses.
Don't tell me....
"Hope? Why are you here?"Tanong ni Prince sa akin.
Leo? Leo ang pangalan niya?
"Prince....."
BINABASA MO ANG
Dakilang Bitter (Ampalaya Series no.1) ( #Wattys2017 )
Teen FictionMay pag-asa pa ba kaya matutong magmahal ang isang BITTER? Parang wala na yata eh. Sa buhay ni Hope? Impossible na sigurong mangyari yun. Pero di natin alam ang mga plano ni Tadhana.