Wala talaga akong ganang kumain ngayon. Ba't ba sobrang impulsive ni Prince? Ba't hindi niya muna ako pakinggan? Ni hindi nga niya alam na muntik na akong ma-rape kahapon dahil sa kanya.
12:30 na ng tanghali, at hindi parin ako lumalabas sa kwarto. Si nanay kanina pa ako kinakatok dito, pero hindi ako sumasagot.
Gwen is calling...
"Hello landi?"
"Kahit kailan talaga ang sungit mo. Mag hi ka nga or hello!"
"Hi landi! Oh ano, bakit ka napatawag?"Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa ako kinukulit ni Prince. Kukumbinsihin daw kita na makipag-kita sa kanya."
Yung gago na yun!? Pagkatapos niya akong pinaghintay at pinaasa dun, makikipagkita aki sa kanya?
Sige na. Ang babaw ng galit ko sa kanya. Pero muntik na aking ma-rape dahil sa kakahintay niya, tapos sasahihin niya na nilalandi ko si Vince?
"Bahala siya. Ang kapal ng mukha nung gago na yun."Sabi ko.
"Besh, ang hard mo naman kasi. Well, dahil marami na akong naka-relasyon, ito ang payo--"
"Tseh! Di ko kailangan--"
"Makinig ka muna kasi. Mas mabuti oakinggan ang side niyong dalawa. Para mas magkaintindihan kayo."
Napaisip ako sa sinabi ni Gwen. Susubulan ko siyang kausapin, magbabakasakali na magkaintindihan kami.
"S-sige. Sabihin mo dun sa Jenna's magkita."Sagot ko.
"K. Bye."
Tinapon ko ang cellphone ko sa higaan ko. Ang sakit ng dibdib ko.
Mabuti. Ibig sabihun lalaki na yang suso mo.
Hindi!! Aish!! Ang inig kong sabihin yung puso ko. Ang sakit ng puso ko. Pakiramdam ko, sumisikip na ito. Hindi ako maka-hinga.
Nag-vibrate a cellphone ko.
From: Prince
Susunduin kita.Hindi na ako nag-abala na mag-reply pa.
Naligo na lang ako at nagbihis na. Hindi ako kumain ng breakfast at lunch, hindi naman ako nagugutom.
Cairel....
Magkasama ba sila ni Prince kahapon?
Ba't ba ako nag-iisip ng ganito!? Aish!
Yung post kasi na 'Reuniting' ang nagpapalito sa akin eh. May kung ano dun sa post na yun. Matignan nga ulit.
Sabog yung notifs ko sa fb. Sinearch ko agad ang pangalan ni Cairel.
Ang raming selfies niya, kaya nahirapan akong hanapin yun.
Reuniting😘💖
Ang tagal mag-loading ng photo.
Blurry pa siya pero--
"Nak! May naghahanap sa iyo. Prince daw ang pangalan."Sigaw ni Nanay.
Pinatay ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa.
"Pakisabi na pababa na ako."Sabi ko.
Lumabas na ako sa kwarto. May malakung bintana kasi na nakaharap sa gate namin kaya nakita ko kaagad ang...may bago na naman siyang sasakyan? Isuzu MUX na naman kasi ang nandun.
"Babalik ako mamaya, nay."Paalam ko.
Lumabas na ako at dumiretso agad sa front seat.
"Ba't ang tagal mo?"Tanong niya sa akin.
"Masama ang pakiramdam ko."Sagot ko.
"Tss. Napaka-singungaling mo talaga. Sabihin mo na lang na ayaw mo akong makita."
Nainsulto ako sa sinabi.
"Masama ang pakiramdam ko at ayaw rin kita makita? Okay na bayun?"Tanong ko sa kanya.
Ano akala niya? Ako lang ang masasaktan dito? Sasaktan ko rin siya. Patas ang lahat.
Hininto niya ang sasakyan.
"Ganun? Edi bumaba ka. Ba't ba kita nakilala?"
Tumulo na ang luha ko. Ang sakit. Pwede ba akong magmahal na hindi nasasaktan? Pwede bang mahalin rin ako ng taong mahal ko? Pwede ba?
Siguro hindi.
"Ba't ba tayo nagkaganito?"Tanong ko sa kanya.
"Dahil sa inyo ni Vince."
"Hah?"
"Bumaba ka na."Sabi niya.
Ayaw ko sanang bumaba, pero kailangan ko. Nasasaktan na ako. Hindi na ako maka-hinga.
Bumaba na ako at sinirado ang passenger door.
Akala ko okay na ang lahat. Akala ko lang pala yun.
---
Grabe. Nalilito talaga ako kung paghiwalayin sila o hindi. Hahahahah!.kh
BINABASA MO ANG
Dakilang Bitter (Ampalaya Series no.1) ( #Wattys2017 )
Teen FictionMay pag-asa pa ba kaya matutong magmahal ang isang BITTER? Parang wala na yata eh. Sa buhay ni Hope? Impossible na sigurong mangyari yun. Pero di natin alam ang mga plano ni Tadhana.