Bitterness lvl no. 24

56 2 0
                                    

Sabado ngayon, pero wala ako sa mood gumala. Ewan ko kung bakit. Tapos, masakit yung puson ko dahil may regla ako ngayon.

"Nak, may naghahanap sa iyo! Kaibigan mo raw!"Sigaw ni Nanay galing sa baba.

Sino naman yun? Wala namang nabanggit si Gwen na pupunta siya dito ngayon.

Tapos si Vince naman, kaka-kilala palang namin. Impossible namang matunton niya ang bahay ko, hindi rin naman siya nagtanong kay Gwen kasi magkasama kami ni Gwen buong araw.

"Pababa na ho!"Sigaw ko pabalik.

May pagka-pagong ako ngayong araw kasi masakit ang puson ko.

Nag-bra muna ako at naghilamos. Naka-shorts ako kulay black na racer back na damit.

Desente naman ako tignan eh.

Pagkababa ko, nabigla ako na si Vince talaga ang naroon.

Paano niya nalaman ang bahay ko?

"Uyy! Vince, ikaw pala!"Sabi ko.

"Bakit? May iba ka bang hinihintay?"Tanong niya.

Well....

"Wala. Nabigla lang ako kasi akala ko na hindi mo alam kung asan ako nakatira. Tsaka, hindi ka naman nagtanong eh."

"Tito ko ang acting manager sa subdivision na ito. Kaya natunton kita."Sabi niya sabay ngiti.

"Wow! Hindi talaga yun sumagip sa isip ko."

Ganun pala sila kayaman? It explains kung bakit may Ford Ecosport sa labas ng bahay.

"Ano pala ang sadya mo?"Tanong ko habang umupo sa harapan niya.

"Gusto sana kitang yayain pumunta sa Star City. Pwede ba?"Tanong niya.

Hah!? Eh may REGLA ako! R E G L A!!

Pero, nakaka-awa naman yung tao pag tinanggihan ko. Tapos pumunta siya dito sa bahay para lang yayain ako.

"Ok. Pero, maliligo muna ako. Okeh? Ito oh. Remote control, para hindi ka ma-bored."Sabi ko sabay bigay sa kanya ang remote control.

Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa kwarto at naligo.

Nagbihis ako ng off-shoulder na kulay maroon na damit at kulay itim na pantalon. Para hindi obvious na may whisper sa ilalim. Haha.

Nagsuklay at kinuha ko ang dapat dalhin.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina.

"Nay, punta muna kami sa Star City. Pag may kailangan ka, may 1000 dun sa divider."

"Sige nak. Mag-ingat kayo ng boyfriend mo na akala ko kaibigan mo!"Sigaw niya.

"Hindi ko po siya boyfriend."Sabi ko.

Nakaka-hiya kasi sinigaw pa talaga ni Nanay yun.

"Woah! Tara na?"Tanong niya sabay tayo.

"Sige. Tara na."

---
Ano? Team Vince or Team Princeleo? Haha! Wait fir next chappie and tell me kung siya prin ba. ;) hahahah!!

.kh

Dakilang Bitter (Ampalaya Series no.1) ( #Wattys2017 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon