Napa-upo ako sa sahig dahil sa lakas ng humablot sa akin.
"Anong plano mo sa kaibigan ko hah!?"Sigaw ni
Vince.
"Ba't ka nakiki-alam!? Sino ka ba!?"Sigaw rin nung rapist.
Hindi sumagot si Vince pero sinuntok niya yung rapist. Hindi naman nagpatinag ang rapist at sinuntok niya rin pabalik si Vince.
Kinuha ko ang cellphone ko na basag na. Tatawagan ko na sana yung police station, pero hindi na siya umaandar. Shit! Paano na 'to?
Nasuntok si Vince kaya napasigaw ako. Pero dagil kasali sa track team si Vince, hindi parin siya natalo. Sinuntoo niya ng agaran ang rapit kaya ito natumba. Susuntok pa sana si Vince, pero tumakas na yung rapist.
Hingal na hingal si Vince na lumapit sa akin.
"Ayos ka lang ba?"Tanong niya sa akin.
Tumango ako.
"Ayos lang ako. Pero ikaw hindi. May sugat ka sa pisngi at sa labi."Sabi ko hinila siya papunta loob ng paaralan. Open naman yung clinic kaya walang problema.
Pumasok ako at kinuha agad yung Neosporin at mga bandage.
"Upo ka diyan."Turo ko sa higaan.
"Ayos lang ako, Coreen. Huwag ka nang mag-alala."Sabi niya.
"Please, Vince. Hayaan mo akong gamutin yung mga sugat mo."
"Tatanggapin ko ang alok mo na gagamutin ang mga sugat ko sa labas, pero magagamot mo ba ang mga sugat ko na nasa loob?"Tanong niya kaya muntik ko nang mabitawan ang tray.
Hindi na ako sumagot sa tanong niya. Alam ko na may pinapahiwatig siya sa akin, pero pinilit ko na maging matigas.
"Akala ko may lakad ka?"Tanong niya sa akin.
Ayoko na 'tong pag-usapan. Pinaasa na naman ako ng isang lalaki na gusto ko.
"Hmmm. Change of plans eh."Sagot ko.
"Ahh. Congrats pala."
"Para san?"Tanong ko.
"Dean's Lister."Sagot niya.
"Sayo rin."
Naabutan kami ng 9 minutes bago natapos ang pag-gagamot ko sa kanya.
"Tapos na."Sabi oo at timapon sa basurahan yung mga nagamit na cottons.
"Salamat, Coreen."
"Salamat rin dahil sinapba mo ako. Siguro kung wala ka dun, baka na-rape na ako."Sabi ko habang nanginginig ang binti dahil sa takot.
"Asan ba si Prince? Di ko siya nakita buong araw."
"Hindi ko nga alam eh. May pinuntahan siguro yun."Sagot ko.
Niloloko lang ba niya ako? Akala ba niya na wala lang sa akin to? Alam ba niya na nasasaktan na ako?
Siguro hindi.
Napag-isipan namin na umuwi na kami.
"Salamat sa paghatid, Vince. Salamat talaga sa lahat."Sabi ko ng nakalabas na ako sa sasakyan niya.
"Hmm..salamat rin."
Sinara ko na ang pinto. Hinintay ko muna na maka-alis siya bago ako pumasok pero nabigla ako ng may naka-park na sasakyan.
"Asan ka galing? Alam mo bang kanina pa akong naghihintay dun sa paaralan?"Tanong niya sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo. Kaya mo pala ipamukha sa akin na ako tong hindi naghintay?"
"Hindi ka naman talaga naghintay. Nilalandi mo yung Sebastian na yun!"Sigaw niya.
Nabigla ako sa pagsigaw niya. Hindi ko pa to nakikita sa kanya.
Hindi ko pa nga siya kilala.
Hindi na ako sumagot sa kanya at umalis na aki sa haralan niya.
Wala man lang siyang ginawa para pigilan ako. Tseh! Bahala siya.
---
Gago dito si Prince! Hahah!! Ang sarap batukan sa ulo! Jusko!!.kh
BINABASA MO ANG
Dakilang Bitter (Ampalaya Series no.1) ( #Wattys2017 )
Teen FictionMay pag-asa pa ba kaya matutong magmahal ang isang BITTER? Parang wala na yata eh. Sa buhay ni Hope? Impossible na sigurong mangyari yun. Pero di natin alam ang mga plano ni Tadhana.