“Sir, gising na ho. Kunin niyo na po itong sleeping pills.” ang sabi sa kanya ng Nars. Talagang binulabog ang pagtulog niya at sinampal sampal para magising. Kalahating gising si Boy. Hirap siyang gumalaw dahil sa nasagasaan siya ng naka-park na kotse. Pagkakuha niya ng sleeping pills, sinubukan niyang labanan ito. Ginawa niya lahat ng pwede niyang gawin para magpuyat. Uminom ng kape, binuksan ang T.V., binuksan ang radyo, naghanap ng ka-text at nagTumblr pa nga dahil madaming nagpupuyat sa Tumblr.
“Hoy! Text text tayo!” text ni Boy sa isang matalik na kaibigan.“Hoy ka din! Maaga pa ako gigisng bukas ah. Buti nga ikaw, hindi na.” ang reply ng matalik niyang kaibigan. Napaisip si Boy kung mamamatay na ba siya. Natatakot siya. Ayaw pa niyang mamatay. Pero masnatakot siya noong may lumitaw na multo sa tabi ng hospital bed niya.
Multo: Awooooo! Awoooo! Tatakutin kita!
Boy: Halaaa! Wag pooo! WAG PO, PLEASE!
Multo: Okay, sige. Sorry.
Biglang hinga ng malalim si Boy. “*pant pant* Panaginip lang pala *pant* yun…at, bakit ba ako nagsasabi ng Pant?” ang biglang sinabi ni Boy. Pumunta siyang lababo at nagmumog na siya at naghilamos ng biglang nagring ang telepono.
Nanay: Anak! Pakisagot!
Boy: ‘Yung telepono?
Nanay: Hindi. Ako. Sagutin mo ako. Bastusin mo magulang mo. Malamang, ‘yung telepono.
Boy: …
Nanay: Joke lang anak. Haha. Nakuha ko lang ‘yan kay Vice Ganda. Dali na.
Boy: …
Nanay: Sumagot ka kapag kinakausap kita, ha?!
Boy: E ‘nay…
Nanay: Aba! Sumasagot ‘tong batang ‘to?! Bastos!
Tatay: Hoy anak! Wag mong sagut-sagutin nanay mo, ha?!
Boy: Sorry. Sasagutin ko na ‘yung telepono. *sabay dampot ng telepono*
Caller: Hello, good morning po! Si Gardo po ito ng kompanya, maari ko bang kausapin ang nanay mo?
Boy: (Wow, alam niyang anak ako dito) Oo naman.
Caller: Sige, salamat.
Boy: Walang anuman. *sabay baba ng phone*
Nanay: Sino ‘yun, anak?
Boy: Si Gardo daw ng kompanya. Nagtanong lang ata.
*may tumatawag ulit*
Boy: Hello?
Gardo: Uhh, si Gardo ulit ‘to. Pwede ko bang kausapin nanay niyo?
Boy: Pwede nga po!
Gardo: Teka! Wag mo baba ‘yung phone! Kakausapin ko siya, ngayon na. As in, dito sa telepono.
Boy: Ahhhhh! Sana sinabi mo agad kanina. Sige, teka lang ho. *sabay sigaw* Naaaay! Nanaaaaay! NANAY!
Nanay: Ako ba?
Boy: Hindi. Ako. Ako na nanay ngayon, e. Malamang, ikaw lang naman nag-iisang nanay dito, e. JOKE! Nakuha ko lang din kay Vice Ganda ‘yan e.
Pagdating ng nanay niya sa telepono, magaalmusal na si Boy at nandoon naman ang tatay niya, nagbabasa habang umiinom ng kape. “Anak, may Pizza diyan sa ref. Paki-init.” ang utos ng tatay niya. Sumunod agad si Boy. Pagtapos painitin ang Pizza…
Tatay: Hoooo! Grabe. Ang init.
Boy: Oh, ano bang ineexpect mo? Kakalabas ko lang ng microwave niyan, diba? Kitang umuusok e.
Tatay: Hindi ko ineexpect ganun ka-init.
Boy: Ng umuusok? Tay, wag mo nang painitin kung hihipan mo din naman. Malamig na siya nung una tapos papainitin mo. Ngayong mainit na, magrereklamo ka. Tay, ang buhay, puno ng ganyang bagay. Nandiyan na, dami pang pinaggagagawa. Ang dami mong ritual, sana nag-tribo ka nalang.
Tatay: Ang drama mo, sana nag-artista ka nalang.
Boy: Wow ha. Ang dami mong sinasabi, sana nagpari ka nalang.
Tatay: Sagot ka ng sagot. Sana nag-exam ka nalang.
Boy: Ok, masyado ka nang mapapel, ha? Bakit hindi ka nalang naging ream?
Tatay: Hoy Boy, maligo ka na nga! Bakit hindi ka pa mag-apply ng Sinigang na Baboy tutal maasim ka naman, at mataba pa.
Boy: Sana diniretso mo nalang na maligo ako, dami pang pasikot sikot, sana naging kalsada ka nalang.
Naligo na si Boy at paalis na ng bahay. “Anak, mag-iingat ka. May aso diyan sa labas, nangangagat.” sabi ng nanay niya na halatang nag-aalala. “Oh, alangan namang nanununtok mga aso diyan sa labas?”