"Boy, crush nga lang ba?"

2.7K 56 7
                                    

Isang araw, naglalakad ako sa eskwelahan papuntang classroom. Hindi naman tayo magkapangalan pero noong naririnig ko ang pangalan mo, napapalingon ako? First subject na, Filipino. Nakita na naman kita, pero nakasimangot. Ikaw ‘yung pangalawa sa pinakamagandang babae na kilala ko. Ikaw din ‘yung una kapag nakangiti ka. Habang nakikinig kay teacher, nabanggit niya na, “Ang taong ‘di marunong magmahal ng sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.”. Masasabi mo bang mas masahol pa ako sa malansang isda dahil mas mahal pa kita sa ating wika?

Tulala na naman ako kakaisip sa atin. Kung ano ano nalang ang naiisip ko. Minsan, iniisip ko na baka ako si E.T., ang E.T.-nakda para sa’yo. “Huy, nakatulala ka na naman! Ano iniisip mo?” ang tanong niya habang paalis na kami papunta sa kabilang classroom… “Ikaw” ang sabi ko, sa utak ko. ‘Di ko sinasabi ang nararamdaman ko sa kanya kasi mukhang ‘di naman niya gustong malaman. Nginitian ko nalang siya at sabay na kaming naglakad sa hallway… 

Kung magiging girlfriend ko man siya, baka ‘di ko siya magiging permanenteng girlfriend… Dahil baka isang araw, pakasalan ko na din siya. Pero ayaw ko namang isipin na magiging kami din, diba? Kung magiging kami, edi magiging kami. Kung hindi, edi pipilitin ko. Pangako, ‘di ako parang tetris… ‘yung tipong patong ng patong lang hanggang makakabuo tapos ano, biglang mawawala? ‘Di ako ganun.

Tinuro niya ang couple kanina sa hallway na nadaanan namin, nakakakilig daw… “‘Wag kang makuntentong kiligin sa lovelife ng iba dahil mangyayari din sa’yo ‘yan kapag naging akin ka.” ang gusto kong sabihin sa kanya kaso, wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ‘yun.

Nakadating na kami sa classroom at Trigonometry na, may exam kami at may kailangang ipasang assignment. Naisip ko bigla na ang pagmamahal ay parang kinopyang assignment, kapag tinanong ka kung paano, ‘di mo ma-explain. ’Di ako nakapag-aral kaya naisipan kong mangopya sa exam. Mas-ok namang mag cheat sa paper, kaysa sa partner dahil ‘pag ikaw, nag cheat sa partner, tandaan mo na ang pag-ibig din ay parang video games… Mabilis matapos pag may cheat. Exam na… Ang dami kong nakikita sa blackboard na ‘di ko maintindihan. Sine, Cosine, Tangent… ano ‘to?

“Inverse sine ka ba? Cosecant live without you e.”

Nauna na kaming [kasi nangopya ako] matapos sa exam. Pasulyap sulyap nalang ako sa’yo habang hinihintay ang iba matapos ang exam… ‘Di ka man lang tumitingin sa akin. Tumingin ka naman habang tinitignan kita, para masabing may pagtingin tayo sa isa’t isa. Since mukhang madami ka namang nakikita sa paligid, pahingi naman ako kahit konting pagtingin lang.

The adventures of Boy. (T.a.o.B.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon