Hanggang ngayon, malungkot ako dahil hindi ko padin mahanap ang taong magmamahal sa akin o ang taong mamahalin ko. Nag speed dating na din ako kaso parang lahat ng tao doon, nagmamadali. Naniniwala kasi ako na “True love waits.” kaya hindi ko na itinuloy. Sinubukan ko ding maglakad sa harap ng tao na pwede kong lakaran. Hindi din pala totoo ang “Love at first sight” dahil naisip ko na hindi din pala applicable sa lahat ‘yun, lalo na sa mga bulag na nagmamahal lang dahil sa nararamdaman nila.
Sinubukan kong maging malandi. Kahit ‘yung mga crush ko lang, ina-I love you-han ko na. Natutuwa naman sila sa akin. Kapag sinasabihan ko sila ng I love you, “Haha.” lang reply nila. Siguro nakakatuwang tao lang talaga ako. Pero tsaka ko lang na-realize na magkaiba pala meaning ng crush at love. Spelling nga, magkaiba, kahulugan pa kaya? Siguro ang crush, naging crush mo dahil lang sa maganda siya o magaling kumanta, maputi at kung ano pa man. Tapos ‘yung love mo, kaya mo naging love, kasi naramdaman mo lang. Ewan ko. Sino ba ako para magsalita ng ganyan e hindi ko pa nga nasusubukan?
Parang konti nalang, kahit sino nalang papatulan ko. Pero hindi, pinilit ko padin maging matinong tao. Sa panahon ngayon, coconut oil nalang ang virgin, tanghali nalang ang tapat, bilihin nalang ang nagmamahal, ihi nalang ang nagpapakilig, pari nalang ang seryoso, motolite nalang ang tumatagal, M. Lhuillier nalang ang mapagkakatiwalaan at boobs nalang ni Norma Stitz ang tunay.
Isang araw, may nakausap akong matandang ermitanyo. Nag tanong ako kung paano ko malalaman kung espesyal sa akin ang isang tao. Sabi niya, “When it’s the only thing that counts.”Nagulat ako kasi in-english niya ako. Pa-deep. Noong una, hindi ko naintindihan pero akalain mong paglingon ko, nakita kita…
Nagbibilang.