Para sa future girlfriend ni Boy

1.2K 33 4
                                    

Pasensya na kung hindi ko maibibigay ang lahat, ha? Hindi naman ako supermarket… At sa pagkakaalam ko, hindi din sa supermarket matatagpuan ang lahat ng bagay. Mamahalin kita hangga’t makakaya ko. Wag mo lang sana hingin lahat ng bagay sa akin, ang mga bagay na hindi ko kayang gawin at ang mga bagay alam mong hindi ko magagawa. Kaya kong ibigay sa’yo ang lahat… ng makakaya ko. Oras, at kung ano pa man. Wag mo lang hanapin ang wala, dahil kung lagi mo nalang hahanapin ang wala, paano ka makukuntento?

Ayaw kong masyadong gawin kang prinsesa dahil ayaw kong masanay ka din sa mga bagay na hindi naman talaga dapat. Hindi man kita kayang tratuhin bilang prinsesa o kung ano man, reyna o miss president… Kaya naman kitang tratuhin bilang girlfriend at isa sa mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Oo, isa ka lang sa mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Mahal ko ang nanay ko, ang lola ko, at ang katulong namin na tumutulong sa amin, mga kapatid ko at ang magiging anak natin kung sakali. Kung sino ka man, sana ikaw na mapangasawa ko. Hindi ko man mapapangako na mamahalin kita ng habambuhay, mamahalin naman kita “habang buhay”. Habang buhay. Habang buhay pa ako. Hindi ako naniniwala sa forever forever na ‘yan kaya wag ka ding maniwala sa mga sinasabi nilang forever forever na ‘yan. Aba, hindi ko alam, hindi pa ako namamatay. Paano ko malalaman kung may forever talaga?

Mangangako ako dito dahil lahat ng mga sinabi kong ito, posible at alam kong kayang kong gawin. Pero, nakokornihan talaga ako sa sarili ko pagdating sa pag-ibig. Nakokornihan ako sa sarili ko… Pero hindi naman ‘to tungkol sa akin. Magiging korni na ako, para sa atin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The adventures of Boy. (T.a.o.B.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon