[03:05am] Habang tina-type ko 'to, nakapatay ang ilaw. Natatakot ako at baka kung ano ang lumitaw sa harap ng mga mata ko. Nakabukas din ang pintuan ng kwarto ko, pero nakapatay din ang ilaw sa labas. Tunog ng electric fan lang ang naririnig ko. Tapos... tapos-- teka, ano 'yun?
Kung naniniwala ka sa Diyos, bakit ka maniniwala o matatakot sa kanila kung may Diyos ka? Bakit, sino ba sila at sino ba ang Diyos mo? Binibigyan mo lang ng dahilan ang sarili mo para matakot. Maniniwala ka sa diyos diyos tapos wala ka masyadong tiwala o wala ka talagang tiwala sa kanya? O kung may tiwala ka sa kanya at medyo natatakot ka lang sa gabi, magdasal ka nalang at magiging ok na ang lahat.
Takot ka padin ba? Problema mo na 'yan. Nagdasal ka tapos hindi ka magtitiwala?
Kung hindi ka talaga naniniwala sa mga diyos o kung kanino pa, bakit sa multo pa? Una, kung hindi ka naniniwala sa diyos o sa Diyos, dapat hindi ka na din talaga naniniwala sa mga multo na 'yan... kung hindi ka talaga naniniwala sa mga "spiritual" ek ek na hindi mo talaga pinapaniwalaan. Wala kang oras sa mga ganito din dapat.
Nung bata ako, naniniwala or...sabihin nalang nating natatakot ako sa multo. May mga nakikita mga kaklase ko sa dati kong school nung grade school pa ako tapos parang halos lahat sila, sinisilip 'yung isang classroom daw na may multong nagsusulat sa blackboard or chalk ata na nagsusulat magisa sa blackboard. Eto naman ako, kunyaring matapang na nagpapasikat sa crush ko,"Psh. Wala lang yan." tapos dumadaan daan ako sa room na 'yun na kunyari parang wala lang talaga. Hangga't sa natapos na ang show tapos wala nang tao, dumaan ako dun mag-isa at sinubukang silipin at para mabuksan na 'yung tinatawag nilang third-eye ko or kung ano man.
Wala ako nakita talaga. "Wala eh." na may halong kaba nung sinabi ko sa kanya. Pa-cool eh. Meron pa nung last sem lang. Nagretreat kami sa farm at may mga pangyayaring hindi dapat nangyayari. May third-eye 'yung dalawang kaklase ko. Totoo daw. Tuwing dumadalaw sila sa bahay ng kaklase namin, nakikita nila lolo nung kaklase namin at namumukhaan pa daw nila ito. "Singkit ba lolo mo?" kahit hindi naman singkit kaklase ko. Pero ibang kwento na 'yung nangyari doon. Siguro, dapat iwan ko nalang 'yun at baka DAW sundan pa ako. Oo nalang. Sige na nga.
[03:16am] ...Ay, wala pala. Madami lang talaga akong iniisip kaya akala ko meron talaga.