Kotse ni Boy.

1.4K 20 3
                                    

Ang kotse [taong mahal mo] ay hindi aandar nang walang gas [motibo/rason para mahalin] at walang mararating kapag walang gas. Hindi mo pwedeng patakbuhin ang kotse na walang gas. Actually, pwede... pero tulak tulak lang. Mahirap at mabilis kang mapapagod.

Una, tulad ng ibang driver [ikaw], hindi mo ka pwedeng mag-drive na walang lisensya [permiso ng magulang]. Pwede, pero patago lang. Pero kapag ikaw, nahuli... patay kang bata ka. Kailangan mong panagutan 'yan. Kaya ang payo ko sa inyo, 'wag magda-drive ng walang lisensya. Magmaneho ng tama.

Kapag ikaw, legal na mag-drive, ingatan mo naman ang kotse mo para 'di mabangga sa iba. Hindi porket dalawa ang kamay mo, pwede ka nang magmaneho ng sabay. Kung pwede man, mahirap. Kaya kung magda-drive ka man, gamitin mo ang dalawang kamay mo para kumapit sa maniela ng mahigpit para 'di mo mabitawan 'yan kaysa dalawa ngang kotse mo, saan ka pe-pwesto?

Hihinto lang naman ang kotse kapag nawalan ka na ng gas o nag-brake [break]. Sinasabi ko sa inyo, hindi masamang magpahinga kapag pagod ka na. Kaysa pilitin mong mag-drive at kung ano pang masamang mangyari. At kung may iba ka nang kotse, masmabuting itigil mo muna 'yung nauna dahil sayang namang ang gas. I-benta mo na 'yan or something dahil iisa ka lang naman, at hindi mo kailangan ng maraming kotse dahil kapag madami kang kotse, ang buhay ay magkakandaleche-leche. 

Kapag may pupuntahan ka gamit ang isa mong kotse, mas mabuting iwan mo na ang isa pa kaysa ipagsabay mo sila. Hindi ka naman magkakaroon ng isa pang kotse kung kuntento ka na sa nauna e kaya iwan mo na ang nauna kung ganun lang din.

Kaya kayo, kapag nagkaroon kayo ng kotse, 'wag kayong magsasayang ng gas at isang kotse lang... dahil mahal ang gas.

The adventures of Boy. (T.a.o.B.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon