Hi, ako ulit 'to, si Boy. May nabangga akong babae dahil ‘di ako tumitingin sa dinadaanan ko kanina. Pag tingin ko sa kanya, agad agad ako humingi ng patawad… at biglang nag-slowmo ang lahat dahil sa kagandahan niya…
Ako: Sorry, miss.
Siya: Ano ba ‘yan! Bulag ka ba?
Ako: Sorry nga, po. At paano ako magiging bulag kung kita mo ngang may pagtingin ako sa’yo?
Siya: Ganun? *tumingin sa iba dahil na-awkward-an*
Ako: Tumingin ka naman sa akin kapag tinitignan kita.
Siya: Bakit naman?
Ako: Para may pagtingin tayo sa isa’t isa.
Siya: Sus.
Ako: Marami ka bang nakikita sa paligid?
Siya: Oo. Bakit?
Ako: Pahingi naman, kahit konting pagtingin lang.
Siya: Ano ba ‘yan, ‘di ka na ba matatapos?
Ako: Para kang sasakyan. Simula kasi nung mabangga mo puso ko, number mo agad hinahanap ko.
Siya: O sige, ganito… Alam mo ba kung ano pinakamalapit sa puso ko?
Ako: Hindi. Ano? *kilig*
Siya: Lungs.
First time kong makaramdam ng rejection na akala ko, nagugustuhan niya ang mga pinaggagagawa ko ng biglang—
Siya: Ikaw Lungs. *sabay ngiti*