Chapter 1 Lhyn Lazaro

38.6K 628 33
                                    

Lhyn's POV

"LHYN!!!!!!!!!!! hintay!" aray ha! ano ba yan,kailangan bang isigaw niya pa ang pangalan ko?,ang sakit sa tenga.

Siya ang nag iisa kong bestfriend si Lyra Dimaguiba giba, haha joke lang, Dimaguiba lang yun,

Hindi ko nga pinansin,nakakahiya kasi nandito pa naman kami sa school,nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may kumapit sa kanang braso ko, tinignan ko ito.

"Grabe ka naman babe,hindi mo man lang ako hinintay,kainis ka!"sabi niya habang nakapout, sus kala mo naman bagay sakanya.

Nakasanayan niya na akong tawaging babe, ang clitche daw kasi pag best,besh,bebe o ano pang tawagan ng magkaibigan,ang daming alam.

"Pwede ba wag kang magpout, d bagay sa'yo para kang naluging pato, at pwede namang hindi isigaw ang pangalan ko di ba? hindi ako bingi babe" sagot ko naman, umirap lang siya sakin,

aba aba! may nalalaman pa siyang ganun ah, kahit kailan talaga to! tsk, " ano nga pala kailangan mo?" tanong ko, sabay kaming maglakad sa may tambayan dito sa school.

" ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan, itatanong ko lang sana kung ano'ng ginawa mo kay Jana kahapon? tinanong ko kasi siya kahapon nung nakita ko siyang umiiyak pauwi, ang sabi niya itanong ko daw sa'yo, so ano nga?" sabi niya sabay hila sakin paupo sa isang bench,

umiiyak?? bakit naman? wala naman akong matandaan na inaway ko siya ah,

"Ha? wala naman akong ginawa ah, hindi ko naman siya inaway, ang natatandaan ko lang tinanong niya ako kung totoo daw ba yung i love you too ko sakanya nung tumawag siya sakin bago kami mag usap," ako

"Oh tapos? anong sagot mo?"lyra

" oo,sinabi kong totoo yun na hindi ko naman siya magiging kaibigan kung hindi"simpleng sagot ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! kaya naman pala!" sabi niya habang tumatawa na dahilan ng pagkunot ng noo ko,

"Teka may nakakatawa ba dun?"

"Talagang.,,hahaha,, iiyak haha y-yun hahahahaha" halos hindi niya matapos dahil sa kakatawa, ang saya niya grabe,

"Tapos ka nang tumawa?"wala sa mood kong sabi,tumahimik naman siya agad, hahaha

"Ehem ehem,,, tsk tsk tsk, may nabiktima ka na naman" sabi niya ng umiiling,,

wait,nabiktima? ginawa naman ako netong kriminal eh,

"Anong nabiktimang sinasabi mo diyan ha lyra?" Seryosong tanong ko sakanya.

"Eh kasi naman babe ang dami mo nang napaiyak, si micheal,si rafael, si joana,si jaycee,si andrea pa,sino pa ba?,,,d ko na matandaan yung iba,tas ngayon naman si jana"

ok? nasa list of friends ko yung mga yun ah,

"Anong pinagsasabi mo diyan babae ka?" napaiyak ko sila? eh ang bait bait ko kaya, at tsaka di ako nananakit,ni langgam nga di ko mapatay eh,

"hayyy, babe naman eh" sabi niya na parang bata.

"ano ba kasing pinagsasabi mo? linawin mo kaya" naiiritang sabi ko, di na lang kasi sabihin ng diretso,tsk

"Eh kasi babe ang manhid manhid mo ang sarap mong iuntog" sabi niya ng natatawa.

ok? ako manhid? kailan pa?

"Alam mo? ang nonsense mo kausap, di ako manhid, let's cut this nonsense ok babe? tapos naman na klase mo di ba?" Nag nod siya" then tayo na,umuwi na tayo" sabi ko sabay tayo,tumayo na rin siya at kumapit ulit sa braso ko.
.
.
.
.
.
.
.

Pagkauwi ko sa bahay wala pa sila, 3:00 pm pa lang kasi, mamayang 5 pa sila uuwi.

Dumiretso ako sa room ko,nagbihis at tsaka natulog


Tok tok tok


"Lhyn anak gising na,maghahapunan na tayo" si mama na dahilan ng pagkagising ko

hmm gabi na pala,madilim na kasi sa labas pati dito sa loob dahil hindi nakabukas ang ilaw,

hay! ang sarap talaga matulog.

"Ok ma sunod na ako" sagot ko naman, narinig kong papalayo na ang mga yabag ni mama.

Humikab muna ako bago tumayo at pumunta sa banyo para makapaghilamos,pagkatapos ay bumaba na ako.

Pagdating ko sa hapag kainan ay kumpleto na sila,

"umupo ka na ng makapagsimula na tayo" si papa ng mapansin niya ako.

"Good evening" bati ko sakanila, binati din nila ako.

"Good evening ate" bati ni king habang nakangiti sakin, ang sweet at cute talaga ng bunso namin kahit kailan. ngumiti rin ako at pinisil ang pisngi niya

"Tulog mantika ka talaga kahit kailan haha" asar ni kuya jeffrey, ang sweet niya rin noh, ang sarap sipain, dejk lang. Siya ang pinakamatanda saming magkakapatid, nagtratrabaho na siya bilang isang pulis katulad ni papa.

"Haha tignan niyo may natuyong laway at muta pa siya oh" si kuya derick naman, wow ha, saksakan ng kasweetan, nagtawanan naman silang dalawa at kasama na rin si king, pagkaisahan daw ba ako,tsk. Siya naman ang ikalawa, graduating na siya ngayon at pagpupulis din ang kinuha niya.

"Ma Pa oh,nang aasar na naman sila" sumbong ko naman,

"Tigilan niyo nga yan, kayo talaga, halina't magsimula na tayo" si mama,

"haha sumbungera" bulong ni kuya jeff pero rinig ko pa rin, inirapan ko nalang kunwari siya,kahit na alam kong hindi naman totoo yung mga sinasabi nila, way lang nila yun para maipakita na mahal nila ako, how sweet! tsk

Pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami.

" nga pala may sasabihin ako sa inyo pagkatapos nating kumain" sabi ni papa,

Napatingin kami sakanya,bigla naman akong kinabahan dahil dun,

ano kaya yun? hindi naman siguro siya natanggal dahil ang sipag sipag niya,sobrang dedicated nga niya sa trabaho niya eh,isang mabuting pulis, di katulad ng iba ( no offence meant here :))

Nag ok kami then pinagpatuloy ang pagkain habang nagkwekwentuhan,

pero hindi ako mapakali dahil sa sasabihin mamaya ni papa, hay anu ba yan.

"Ano yung sasabihin mo pa?"tanong ni kuya jeff pagkatapos naming kumain,

ayan na,,

"May good news at bad news ako"pasimulang pahayag ni papa " yung good news....napromote ako" nakangiting sabi niya,

kinongratulate naman namin siya, wow lang, pero wait may bad news pa, "ang bad news naman ay nadestino ako sa maynila at kailangan kong lumipat muna doon, at magsasama ako ng isa sa inyo para may makasama ako sa bahay ng tito enrico ninyo...........at ikaw lhyn ang isasama ko" sabi ni papa sabay tingin sakin.

Wait,,,

Ako daw??

Ako?

Ako?

Ako?

(Oo ikaw nga kulit)

huwaaaaaattttt??!!!!

Ako ang isasama niya sa MANILA???

OH MY GOD!!!

ayoko dun eh, mas gusto ko dito sa probinsya.

Pero para namang may magagawa ako eh, takot ko na lang na humindi kay papa, nakakatakot kaya siya magalit,

Napatango nalang ako at napabuntong hininga.

Well manila??


Here I come!!!

I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon