This chapter is dedicated to @mikchui05 for always voting. Thanks po nang marami :)
×××××××××××××××××××××××××××
Lhyn's POV
It's saturday and my rest day.
Sa wakas walang mga nagtatalo na mga dyosa sa paligid ko at walang kulugong kabute na susulpot sa harapan ko. At ang pinalamahalaga ay hindi sasakit ang ulo ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko 9 palang ng umaga kaya nakahilata pa rin ako,tinatamad akong bumangon eh at tsaka di pa rin naman ako nagugutom.
Pipikit na sana ulit ako nang tumunog ang phone ko,may nagtext. Sino naman kaya to? pag customer service lang to baka maihagis ko na lang to bigla.
Binuksan ko at si mich ang nagtext, istorbo to.
Mich ko<3 yan ang pangalan niya, siya naglagay niyan ha hindi ako, may heart heart pang nalalaman, tsk paasa.
Mich ko<3
Pupunta ako diyan muwahhhh <3 <3
P.S. wether you like it or not!!!
Basa ko sa message niya, napabangon naman ako bigla.
Nubayan!
akala ko naman makakapagpahinga na ako, di man lang muna nagtanong kung busy ako o hindi, tsk kahit kailan talaga tong babaeng to!
Wala na akong nagawa kundi bumangon at gawin ang morning rituals ko,kaysa naman madatnan niya akong puro muta at may natuyong laway pa sa pisngi ko, eww lang mga be!
Tok tok tok
Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni ate maiden, syempre ipagpapaalam ko muna na may bwisita ako, kahiya naman bahay nila to.
"Oh lhyn goodmorning" bati niya, kakaligo lang niya,basa pa buhok eh.
"Goodmorning din maganda kong pinsan" sabay ngiti nang malapad.tumaas naman ang kilay niya,
"Okay anong kailangan mo?" nagdududa niyang tanong hehe magpinsan talaga kami,
"Ano kasi pupunta si Mich dito kaya ipagpapaalam ko sana"
"Pupunta siya? Ngayon na?" gulat na tanong niya, ano naman nakakagulat dun para namang hindi pa siya pumunta dito,
tumango lang ako." Shit wrong timing naman" bulong niya pero narinig ko pa rin .
"Anong wrong timing te? may lakad ba tayo?" takang tanong ko.
"Ah wala don't mind it hehe"
Ding dong
Ding dong
"Ako na magbubukas te baka si Mich na yun" sabi ko tapos naglakad na ako.
Pagbukas ko ng gate nakangiting mukha ni ate Naya ang nabungaran ko.
Akala ko si Mich na.
"Hi lhyn Goodmorning" masayang bati niya, ang ganda nang ngiti niya ngayon ah,
"Hi ate, pasok ka" sabay senyas ko sakanya para pumasok na. "May lakad kayo ni ate maiden ngayon ate?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang living room.
BINABASA MO ANG
I'm Yours (GirlsLove) (Revision Soon)
Teen FictionMasyado siyang mataas para maabot, masyadong straight para mabaluktot, at masyadong maganda para mapunta sa isang katulad ko.- Lhyn Masyado siyang tanga para makahalata, masyadong slow para malaman ang totoo, at masyadong manhid para maramdaman niya...