Chapter 25 The Date

13.6K 419 18
                                    

Wala akong alam sa mga date date na yan kaya ito lang ang nakayanan ng powers ko haha WIZ!!!!!

-L.A.-

Lhyn's POV

"ate ano isusuot kooooo" problemado kong sabi kay ate maiden, nakaupo siya sa kama ko at pinapanood lang ako,



sinabi ko na kasi kahapon na magdedate kami ngayon ni mich.



"Maggown ka" nababagot niyang saad



"Ate naman eh, tumulong ka kaya"



"Wow naman, ang dami ko nang inirekomenda pero ang sabi mo pangit tapos ngayon naman hihingi ka? Kahit ano nalang mahal ka naman nun eh, hindi ka ikakahiya nun kahit pa butas butas ang damit mo hahaha"



"wag na nga lang pala, hindi ka matinong kausap" sabi ko sakanya at naghanap na ulit,



Hmmm gusto ko kasi yung casual pero hindi yung masyadong casual, wala naman kasi akong alam sa fashion na yan eh.




Napansin ko naman yung tshirt na binili niya sakin noong unang punta namin sa mall yung may print na ' I'M YOURS' haha ito nalang para pag nakita niya to mapangiti siya.

.
.
.
.
.

To Mich ko<3

Nandito na ako sa labas mich ko :*



Text ko sakanya, wala pa kasi siya dito sa labas nang makarating ako.



Ilang sandali lang may kumalabit na sa balikat ko, lumingon naman ako sa likuran ko.



Napangiti ako nang makita ko ang suot niya.



haha grabe lang,



nakacouple shirt kami,yung print ng sakanya ay 'I'M YOURS TOO'.



"you like it?" nakangiting tanong niya, tumango tango ako, "buti nalang pala ito ang isinuot ko"



"Ikaw ha matagal ka na palang nangangarap na maging couple tayo" tukso ko, ngumiti lang siya na napakalapad.



"Oo matagal na,kaya hindi mo pa ba ako tatanungin kong pwede mo na akong maging girlfriend?"



"Hindi pa,haha tayo na, ano nga pala gagamitin natin? Alangan naman yung bike ko,baka hindi pa tayo makadating sa pupuntahan natin hehe" nahihiyang saad ko habang nakayuko at kinakamot ang batok ko.



"Cute, don't worry about that, let's just use my car"  hinila niya ako papuntang garage.



"Pasok na"



"Sorry kung ikaw pa magdradrive ha hehe nextime ako na, aaralin ko magdrive para sayo" hinalikan niya ako sa pisngi ko.



"Asahan ko yan ha" tumango ako at pumasok na ako pati siya pumasok na rin at naupo sa driver's seat.



"So saan tayo pupunta? Hmm?" tumingin siya sakin habang rinerevive ang sasakyan.



"uhm saan mo ba gusto?"



"Di ba ikaw nagyaya magdate"



"Hindi ko pa kasi alam ang ibang pasyalan dito sa manila maliban sa mall at manila bay eh, hehe"



"Okay then, I'm on it" tapos ay umarangkada na ang sasakyan.







"Amusement park?" tanong ko sakanya,



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon