Hindi ako marunong magdrama kaya pagpasensyahan niyo na sana ako dahil sa mababasa niyo ngayon hahaha.
-L.A.-
Lhyn's POV
March 14 ngayon, mag iisang buwan na pala kami ngayong araw noh? ang bilis lang, kasing bilis nang pagababago nang pakikitungo niya sakin, siguro mas mabilis pa.
Siguro pupunta nalang ako sa mall mamaya para tumingin tingin nang magandang regalo total may naipon na naman ako eh.
Higit isang linggo lang kami naging masaya sa relasyong ito na kung matatawag pa nga bang relasyon dahil ni isang text galing sakanya wala na akong natatanggap, tinetxt ko siya kaso dedma, tinatawagan ko pinapatay niya, hindi na rin ako makapasok sa Velmont Realm siguro kasi pinaban na niya ako dun.
Kung may nagawa naman akong mali hindi siya magagalit nang ganun ganun at dededmahin nang ganun ganun lang.
At napapaisip pa rin ako sa sinabi ni cindy na nakita raw niya siya na may kasamang iba, may isang part sa kin na naniniwala mayron namang hindi,
Aii! Ewan! Nakakainis na! Ayukong nang mag isip nakakabobo! Ginagawa nila akong tanga!
Bumangon nalang ako para mag ayos may pasok pa eh, kahit nakakatamad papasok pa rin ako para makita siya at umasang kausapin na niya ako nang matino.
So nandito na ako ngayon sa school, kasabay ko si trix na as usual dada na naman nang dada "oh ano na pala nangyari sa inyo? dedma pa rin?"
"Yes"
"Ang tagal na niyan ah, hindi pa rin ba niya sinasabi kung ano ang problema?"
Umiling ako, "siguro too personal para ishare niya kahit na girlfriend ko siya" malungkot na saad ko.
"Tsk tsk, mahirap yan, patunay lang na hindi siya nagtitiwala sayo nang lubusan"
"Hayaan na nga lang natin, nga pala samahan mo ako mamaya sa mall ha, bibili lang ng regalo para sakanya"
"Di mo dala bike mo?"
"Hindi nakisabay lang ako kay ate maiden"
"Okay, pero sure ka bang tatanggapin niya yan?"
"Ewan, pera lang naman ang mawawala kapag sinubukan ko eh haha"
"Perang inipon mo sa loob nang isang buwan na hindi mo alam kung tatanggapin niya o hindi"
"Kaibigan ba talaga kita?"
"Oo kaya sinasabi ko lang ang mga pwedeng mangyari para mabawasan naman nang konti ang sakit kapag yung negative ang mangyari" ngumiti siya.
"Oo na haha"
Pumasok na kami sa room, wala pa siya, I'm sure tsaka lang ulit papasok yun kapag malapit nang magsimula ang klase, umiiwas eh.
Ayun nga 2 minutes before class nang pumasok siya, binati ko siya as usual at wala na namang reply, napabuntong hininga nalang ako.
Nakalimutan niya atang monthsary namin ngayon, walang pakealamanan kung gusto kong magcelebrate neto, kahit ito lang naman pagbigyan niyo na ako, haha. Pero ouch lang talaga nakalimutan niya. Tsk!
.
.
.
.
."Ano may naisip ka ng regalo?" tanong ni trix habang nagdradrive malapit na kami sa mall.
BINABASA MO ANG
I'm Yours (GirlsLove) (Revision Soon)
Novela JuvenilMasyado siyang mataas para maabot, masyadong straight para mabaluktot, at masyadong maganda para mapunta sa isang katulad ko.- Lhyn Masyado siyang tanga para makahalata, masyadong slow para malaman ang totoo, at masyadong manhid para maramdaman niya...