CHAPTER 1
WALA naman talaga sa plano ni Xyline ang sumama sa pamilya niya pauwi ng pinas mas gusto niya manatili nalang sa Korea. Bukod sa doon siya nag-aaral ayaw din niyang iwan ang boyfriend niyang si Vince. Halos tatlong taon na rin silang magsasama kahit ayaw ng pamilya niya rito ay hindi pa rin niya iniwan si Vince. Palihim lang silang nagkikita takot siyang may gawin ang lolo niya kay Vince. Mahigpit ang pamilya nila lalo na ang lolo niyang ginagalang nila.
"Mom? wala pa ba si Klient?" naiinip niyang tanong.
"Tawagan mo nga ang kapatid mo baka na-traffic lang iyon."
Inis naman niyang kinuha ang phone sa bag niyq at dinial ang number ng kapatid.
"Where the hell are you? akala ko ba ay maaga mo kaming susunduin Klient Xiel!" bulyaw niya sa kapatid sa kabilang linya.
"Noona nasa entrance galit ka na naman natatanaw ko na kayo iyong ilong mo umuusok na naman." natatawang aniya ng kapatid.
Hindi na niya sinagot pa at binaba na ang phone.
Nang makalapit na si Klient ay saka niya ito binatukan.
"Noona naman kadarating ko lang batok agad! ang sakit non ah! I miss you Noona" Parang batang yumakap sa kaniya.
"Ano ba!"
"Sus parang namiss lang kita e."
"Klient, nandiyan kana pala. Ihatid mo muna ang ate mo sa mansiyon may pupuntahan lang kami na meeting kasama namin si Chairman." inabot naman sa kaniya ang maleta ng ate niya.
"Good Morning Chairman, Sa mansiyon po ba kayo magdi-dinner?" yumuko naman siya at bumati sa lolo niya. Chairman ang tawag nila.
"Hindi na Klient baka gabihin kami sasamahan pa namin si Chairman. Bukas ay pupunta kami sa School niyo may meeting rin kami ng board. Sige na lumakad na kayo baka ma-traffic kayo sa pauwi." aniya ng daddy nila.
Inaasahan na niya iyon tuwing uuwi ang mga magulang niya ay busy ang mga ito at negosyo lang ang inaatupag.
"Magtatagal ba kayo rito Noona?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Hindi ko alam kay Chairman ayoko nga sana umuwi pero wala naman akong magagawa utos ni Chairman na sumama ako."
"Bakit hindi sinama si Kobe?"
"Nagta-traning si Kobe, ipapahawak ni Chairman sa kaniya ang Vice president position ng company natin sa Korea." para kay Xyline masyado pang bata si Kobe para sa gan'ong responsibilidad pero gaya ng sa kaniya ay wala siya magawa kapag ang lolo na niya ang nagsabi.
"Paano ang pag-aaral niya? ang bata pa yata ni Kobe para hawakan ang kompanya."
"Wala tayong magagawa alam natin pareho na paborito siya ni Chairman. Kaya pinagkatiwala agad sa kaniya ang kompanya."
-
Alam ni Xyline na magtatanong ang kapatid niya sa mga bagay-bagay lalo na't biglaan ang pag-uwi nila. Ayaw niyang sa kaniya manggaling ang balitang dala ng pamilya nila. Ayaw niya rin masaktan ang kapatid.
Gusto niyang pigilan ang mangyayari pero hindi rin niya alam paano. Wala siyang laban kay Chairman, ayaw niyang suwayin ang utos nito takot siyang mawalan ng tiwala sa kaniya ang lolo niya. Gaya ng nangyari sa pinsan niya na tinanggalan ng karapatan maging isang Yoon dahil sa sinuway nito ang gusto ng lolo niya.
Lahat ng salita na manggagaling sa Chairman ay walang pwedeng sumuway. Maski ang mga magulang niya ay walang magawa.
"Kumusta naman ang pag-aaral mo? baka naman puro pagbabanta nalang inaatupag mo. Narito ang Chairman Klient hangga't maaari ay huwag mo ipakita sa kaniya na inuuna mo ang pagbabanta kaysa pag-aaral. Alam mo kung gaano kahalaga sa kaniya ang edukasyon. Tayo ang susunod sa yapak nila at magpapatakbo ng kompaniya pagdating ng araw. Hindi natin pwedeng madissappoint si Chairman dahil alam mo rin ang kapalit." paalala niya sa kapatid, Papaalahanan niya ito hangga't alam niyang kasama nila ang lolo nila.
Pagdating nila sa mansiyon ay nagpaalam na si Klient may klase pa raw ito kaya hinayaan na niya.
Dalawang taon din bago siya nakauwi sa pinas gan'on pa rin ang mansiyon tahimik at walang buhay ayaw rin ni Klient na tumira sa mansiyon nila bukod sa tahimik ay siya lang rin mag-isa kaya mas gusto nito na sa condo manirahan kaysa sa mansiyon. Kahit yata pasko at bagong taon ay hindi sila kompletong nagdiriwang. Umuuwi lang talaga ang Mommy at Daddy nila tuwing may business meeting na dadaluhan o kaya naman mga special gathering pero puro business pa rin ang dahilan. Hindi umuuwi ang magulang nila para sa kanila.
Hihiga na sana siya nang marinig na tumunog ang phone niya. Nang tingnan niya ito ay isang mensahe galing sa boyfriend niyang si Vince.
"Honey, Nasa inyo kana ba? Message mo ako once you recieved my message. Iloveyou, take care."
Iyon ang nakalagay. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti. Kahit na malayo sila hindi talaga nito nakakalimutan padalhan siya ng mensahe o kaya naman ay tumawag. Ganito rin ito kahit magkasama sila. Walang oras na hindi pinaparamdam ni Vince sa kaniya na mahal siya nito.
Pero sa kabilang banda hindi rin niya maiwasang hindi malungkot. Sa katotohanang darating ang araw na mamimili siya. Sa pagitan ng pamilya niya at ng taong mahal niya. Alam niyang mahirap pumili pero iyon ang kailangan niya.
Ayaw man niyang isipin pero nasasaktan siya na hindi sila pareho ng estado ng buhay ni Vince isa iyon sa dahilan kung bakit hindi boto ang pamilya niya sa relasyon nila. Nakapag-aral lang si Vince dahil sa schoolarship nito sa tulong na rin niya kaya nakapunta at nakapag-aral sa Korea.
Sobrang sipag ni Vince dahil hindi ito umaasa sa supporta ng pamilya niya kahit pinapadalhan siya ng lolo niya ng pera ay hindi niya tinatanggap nagwo-working student ito sa gabi sa isang bar at sa umaga naman ay nag-aaral. Iyon lang ang paraan niya para mapatunayan sa pamilya ni Xyline na kahit mahirap nagsusumikap siyang makatapos ng pag-aaral para may marating. Ayaw nitong mahusgahan ng walang napapatunayan kahit pa alam nitong ayaw sa kaniya ng pamilya ni Xyline.
"Kadarating ko lang Hon, I miss you." iyon lang ang isinagot niya saka binalik sa bag ang phone at nagtungo sa banyo para maligo.
Gabi na ng makauwi si Klient sa mansiyon muna siya umuwi dahil kailangan. Kapag alam niyang uuwi ang Chairman ay kailangan nasa mansiyon siya. Kung wala ang kapatid niya ay wala talaga siyang balak mag-stay sa mansiyon maliban lang kung pipilitin talaga siya. Ayaw niya manirahan sa isang bahay na walang kabuhay-buhay.
Hindi na niya ginising ang ate niya dahil nakatulog na ito pagdating niya.
Maaga naman siyang nagising kinabukasan. Naabutan niyang kumakain na ang Mommy, Daddy at ang Chairman nila.
"Good Morning.." Saka yumuko bilang paggalang.
"Ang ate mo?" Tanong ng Chairman
"Hindi ko po napansing lumabas siguro po ay natutulog pa." Kinakailangan niyang maging magalang kapag ang Chairman ang kaharap niya.
Tumango lang Chairman at nagpatuloy sa pagkain. Isang katahimikan na naman ang bumalot. Ganito sila sa hapag kapag kasama nila ang nakakatanda. Isang tanong, Isang sagot. Hindi ka maaaring magsalita kung hindi mahalaga ang iyong sasabihin. Isa sa mga patakaran ng lolo niya lalo na kapag kumakain kailan ay tahimik.
"Good Morning Chairman.." Pagbati ni Xyline na ngayon ay kakagising lang.
"Umupo kana at kumain Xyline." Ani ng Ina.
"Hija, may gusto akong ipakilala sa'yo matutulungan ka niya sa negosyo lalo na't pareho kayo ng kurso. Nang sa gayon ay maaga pa matutunan mo na paano patakbuhin ang kompanya." Seryosong aniya ng Chairman.
"Sige po Chairman."
Sanay na siya na kung sino-sinu nalang pinapakilala ng lolo niya sa kaniya kunwaring tuturuan siya para sa negosyo. Pagkatapos malalaman niyang ipapakasal pala iyon sa kaniya. Nakailang ulit na siyang nagmakaawa sa mga lalaking nirereto sa kaniya ng Chairman para huwag lang matulog ang kasal. Isang parusang paulit-ulit niyang tinatakas pero paulit-ulit rin siyang binabalikan.
Hindi pa niya kayang umalis sa puder ng mga magulang niya lalo na sa Chairman, wala pa siyang napapatunayan. Wala pa siyang kayang ipagmalaki sa pamilya niya. Tinitiis niya lahat ng iyon. Gusto niya ng makalaya sa anino ng Chairman na nagkokontrol sa mga buhay nila. Gusto niyang lumaya at gawin ang mga gusto niya na walang nagdidikta sa kaniya.
"Klient Xiel, Kumusta ang pag-aaral mo?" nag-angat ng kaniyang ulo si Klient at dahan-dahang humarap sa Chairman.
"Okay naman po. Hindi ko naman po pinapabayaan nasa top naman po ako." sagot niya.
Ayaw ng Chairman na bumagsak sila sa kahit ano. Bukod sa nakakahiya iyon sa pangalan ng pamilya nila nakakahiya rin bilang isa sa apo ng may-ari ng oxfield ang hindi pumasa sa sarili nitong eskwelahan.
"Good. Pero hindi sapat ang nasa top ka lang next time dapat nasa rank list kana dapat."
"Yes po Chairman."
Ito ang pinaka-ayaw nila sa lahat. Mga expectation ng Chairman sa kanila sa sobrang taas ng expectation sa kanila nahihirapan sila paano iyon makuha.
Matapos mag-agahan ay umalis na ang mga magulang niya kasama ang Chairman. Business is Business wala silang magagawa dahil puro business lang ang mahalaga para sa magulang nila.
"Bakit ka malungkot hon?" tanong ni Vince, harap niya ito sa monitor ng computer.
"Wala hon, namimiss lang kita."
"Xyline Zin may hindi ka sinasabi sa'kin." wala talaga siyang takas. kilalang-kilala siya ni Vince pati ang expression ng mukha niya ay kabisado na nito.
"Gusto na naman ni Chairman na magpaturo ako about business at alam kong hindi naman talaga iyon para sa business." wala siyang tinatago kay Vince kaya sinasabi niya lahat ng nangyayari. Alam nito na pina-arrange marriage siya ng Chairman noon.
"Gusto mo ba gawan ko ng paraan?"
"No, Hindi ba sinabi ko na sa'yo 'wag kang makialam hindi mo alam ang pwedeng gawin ni Chairman sayo. "
"Nahihirapan kana Hon, hindi ko kayang tingnan ka ng ganiyan."
"Ako na ang bahala, nagawa ko dati magagawa ko rin iyon ngayon. Huwag ka ng mag-alala pa okay. Iloveyou."
"I love you too."
Saka siya nagpaalam at pinatay na ang computer. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.
I'm sorry Vince..
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, I REALLY DO
Romance"Tapos kana bang mahalin siya? Pwede bang ako naman."