•• Xyline ••"Ma'm Xyline may besita po kayo nasa labas po ng gate, hindi ko po muna pinapasok." Sabi ng katulong sa gitna ng pagluluto ko dito sa kusina.
"Sino daw ho siya manang?"
"Vince daw po sabi niya.."
Bigla ko naman nabitawan ang kutsilyong hawak ko. Alam ko na kahit iwasan ko siya ay patuloy pa din siya sa pagsuyo sa'kin.
"Sige ho manang ako na po magbubukas ng gate, pwede ho bang kayo na magtuloy nitong niluluto ko."
Napabuntong hininga ako saka ako lumabas. Saka binuksan ang gate.
"What are you doing here?" Agad kong taking
"Can we talk?" Malungkot niyang tanong
"What for?"
"Kahit hindi mo na ako mapatawad pakinggan mo lang ako. Next week babalik na ako sa Korea. Isang buwan lang kasi ako dito. Ayoko naman masayang ang pagpasa ko sa Exam para makauwi dito. Dahil sa'yo iyon Zin."
"Yeah hindi ko itatanggi about sa amin ni Samantha pero ni minsan hindi ka nawala sa isip ko. Nagkamali ako aaminin ko. Nasaktan kita oo dahil ang gago ko. Iniwan mo ako dahil ang tanga ko. Pero sana naman hayaan mo akong makabawi pero alam ko naman na hindi na pwede diba? Gusto ko lang na sabihin na sobrang mahal kita. nagkasala lang ako pero kailanman hindi kita pinalitan sa puso ko. Dahil kahit ang laki kong gago ikaw pa rin ang mahal ko. Sobra pa sa higit mong inaakala."
Sa mga sinabi niya nakaramdam ako ng pagkaguilty sa sarili ko. Feeling ko naging matigas ako lalo sa kaniya para hindi pakinggan ang paliwanag niya at hayaan nalang matapos ang lahat sa amin. Pero mali ba ako? Mali ba akong bigyan ko muna ng time ang sarili ko na sarili ko naman muna mahalin ko. Binigay ko na kasi lahat sa kaniya noon pero ano? Nasaktan lang ako. Pakiramdam ko tuloy wala talaga akong halaga sa kaniya. Ang dali lang sa kaniyang saktan ako ng ganun. Sa buong relasyon namin wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin lang siya. Intindihin kahit minsan nawawalan na siya ng oras sa'kin dahil alam ko naman may kanya-kanya kaming pangarap at responsibilidad sa pamilya namin.
"Nasaktan ako Vince, ano sa ba sa tingin mo gagawin ko? Hayaan nalang ang nangyari? Hindi naman sa hindi kita kayang patawarin. Hindi lang din ngayon ang time na iyon. Hindi ko kayang alisin agad sa puso ko iyong sakit na dinulot mo. At sana maintindihan mo din ako."
Saka ko siya tinalikuran at bumalik sa loob. Selfish na ako, pero mas gugustuhin ko ang ganito hindi ko pa kaya eh hindi pa ulit kayang magtiwala ang puso kong magmahal at mahalin ulit siya gaya ng dati.
•• Samantha ••
Ilang weeks ko ng hindi nakikita si Vince dito sa bar. After ng nangyari baka naman nagbigti na iyon kasalanan ko pa. Aish! Bakit ba kasi nagpunta yung girl dun.
Ilang weeks na akong matamlay din I don't know pero lagi ko ng iniisip about sa amin ni Vince hindi naman ako ganito dati pero bakit? Kada punta ko dito sa bar wala akong ibang gustong makita kundi siya lang.
"Samantha bitch ba't ngayon ka lang nandun na ang iba ikaw nalang hinihintay." Salubong sa akin ni Brethany isa sa mga kasama ko dito. Hayst hindi lang kasi puro paglalandi ginagawa ko dito.
Nagwowork ako bilang waitress. Buti nalang walang dress code dito kaya hindi nila malalaman kung waitress ka o ano. About sa pagseserve naman kunwari nilalandi ko ng costumer na ako nalang kukuha ng order nila. Bwesit kasi tatay kong nakalimutan na ata na may anak siya. Hindi na ako pinapadalhan porket hindi na ako umuuwi sa bahay.
Mabuti nalang andyan ang bestfriend ko kahit ganito ako naiintindihan niya ako. Siya nalang yata ang pamilya ko eh kasi yung totoo kong pamilya walang pakialam sakin. May tatay ka nga pero hindi ka na sinusupportaan, yung nanay ko naman sa pinas wala din silbi lasingera na nga wala pang magawa isang kahig isang tuka lang kami dun. Kahit ayoko dito napilitan akong sumama sa tatay ko. Akala ko kasi magiging maayos ang buhay ko 'pag sumama ako sa tatay ko. Mas malala pa pala ang nangyari, ito ako ngayon isang babaeng pariwara at walang direksyon ang buhay. Nagtatrabaho para mabuhay. Letseng buhay diba?
Nagsimula na akong magtrabaho. Wala na akong pera wala pa naman si Khelly sa condo niya nasa pinas pa din siya. Kailangan ko ngpera naubos ko na ang supplies ng pagkain dun. Hayst uuwi nalang muna ako sa bahay bukas manghihingi ako kay papa ng pera.
•• Zach ••
Paakyat na ako sa building ng pinagtatrabuan ko. Kahit may sarili kaming company mas pinili kong magtrabaho sa ibang company. Kakilala lang din ng family namin ang may ari ng company.
"Girls have you heard alam niyo si Ma'am Xyline pala at ang boyfriend niya hiwalay na." Narinig kong sabisabi sa tabi.
"Hala seryoso? Iyon yata yung lalaking nagpunta sa party noong nakaraan."
"Kawawa naman si Miss Xyline kaya pala ilang weeks na siyang wala."
"Nagleave daw kasi si Ma'm."
Napahinto ako sa may elevator. Si Xyline pinag uusapan nila, Oo nga ilang araw ko na siyang hindi nakikita after nung naging usapan namin tungkol sa kapatid niya at kapatid ko.
Naramdam tuloy ako ng pag-aalala, naging mabait naman siya kahit papano kahit may pagkamasungit ang isang iyon. May tinatago din kabaitan. Hanggang sa makapasok ako sa elevator siya pa din ang pinag-uusapan.
"Nasa protocol ba ng company ang pag-usapan niyo ang boss niyo?" Bigla kong tanong kaya natahimik sila bigla.
Hindi sa nagmamagaling ako dahil sa position ko sa company nila Xyline. Pero hindi ko din naman hahayaan na pag-usapan siya ng ganun. Its her private life. Walang sino man ang pwedeng manghimasok sa buhay ng ibang tao.
"I'm sorry Sir." Maumanhin ng isa at nagsalita din ang iba.
Hanggang sa makarating ako sa office hindi ko maiwasan isipin yung tungkol kay Xyline. Napapraning na ako. Bakit ko ba siya iniisip hindi ko naman problema ang problema niya.
Maya Maya pa ay tumunog ang phone ko. Tumatawag si Denisse
"Denisse I told you huwag kang tumawag 'pag nasa work ako."
/estorbo ba talaga ako sayo babe? Namiss ko lang kasi boses mo eh/
"Tatawagan nalang kita mamaya pag-off duty na ako okay. Take care bye."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Minsan nakakainis na din kasi sobrang kulit niya gusto niya sa kaniya ko ibigay lahat ng oras ko. Hindi naman kasi pwede iyon. May trabaho at napakarami kong gagawin dito sa office lalo na ngayon ilang linggong wala si Xyline. Sa akin nakatambak ang trabaho niya. Hindi naman sa nagrereklamo ako naiintindihan ko naman na may pinagdadaanan siya ngayon.
Tch! Sakit sa ulo. Sa dami ko ng iniisip dumadagdag pa si Denisse. At iyong tungkol kay Xyline na hindi ko mapigilang isipin.
Sinunsob ko nalang sa trabaho ang buong araw ko. Minsan sumasagi din sa'kin ang pag-aalala ko kay Xyline. Tch! Kainis ba't ayaw niya mawala sa isip ko. Kanina niya pa ako ginugulo, halos hindi ko na magawa ng maayos ang trabaho ko kahit pilit akong nagpapakabusy.
Ano ba ang meron ka Xyline? Bakit mo ako pinag-iisip ng ganito?
A/N: SHORT UD muna sorry piga na utak ko eh. Nabaliw ako kakabackread para may maUD sa story na'to. Banggang kasi ang pusa tatamad-tamad kaya ayan Sabog utak. d^_^b
![](https://img.wattpad.com/cover/103732075-288-k288551.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, I REALLY DO
Romance"Tapos kana bang mahalin siya? Pwede bang ako naman."