•• Samantha ••
Sana pala hindi na ako umuwi wala talagang kwenta ang magkaroon ng tatay. Hindi niya ako bibigyan ng pera hangga't hindi ako uuwi at titira sa bahay niya. Duh? wala akong balak magtrabaho sa probinsya. Hindi naman mahirap ang tatay ko sa katunayan may-ari siya ng isang farm may ibang properties din siya. Iyon lang gusto niya akong tumira sa sa liblib na lugar. Paano ako mabubuhay sa lugar na puro puno at mga alagang kabayo at iba pang hayop.
"Hello best, nasaan ka? nakauwi na ako."
"Nandito ako sa tatay ko, pauwi na rin ako diyan antayin mo nalang ako." Sabay end-call.
Ito na ang huling beses na aapak ako sa letseng lugar na'to hinding-hindi na ako babalik pa dito. Tutal hindi rin naman ako magawang supportaan ng tatay ko e 'di bahala siya sa buhay niya.
-
"Best! nandito na ako." Sabi ko pagkapasok ko sa condo niya.
Pero walang sumasagot, Akala ko ba ay nakabalik na siya pero bakit wala namang tao.
"Best!" Muli kong pagtawag sa kaniya saka ako umakyat sa taas.
Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay rinig ko na ang mahinang paghikbi niya. Kaya agad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya.
Hindi ko alam ano ang problema niya, iyak lang siya ng iyak. Nagkalat pa ang mga bote ng alak sa sahig. Ang gulo ng itsura niya nagkalat na ang make up sa mukha niya dahil sa kakaiyak niya.
"Hoy! Bruha anong drama mo at naglalasing ka. Baka may balak kang e-share sa maganda mong bestfriend." Sinubukan kong magbiro pero mas lalo lang siyang humagulhol sa pag-iyak.
"I hate him, I don't deserved this." Paulit-ulit niyang sinasabi iyon habang umiiyak.
"Paano kita dadamayan hindi ko alam ano ang dahilan."
"I hate him for breaking my heart. Bweset siya sweet-sweet pa niya nung umuwi ako tapos ngayon nabalitan ko na lagi silang lumalabas ng babae niya."
Sus Ginoo, parang lalaki lang iiyakan niya. E ang daming lalaki sa mundo akala naman nito naubusan ng lalaki. Pero hindi ko siya pwedeng biruin 'pag ganitong brokenhearted ang gaga. Baka makickout ako sa condo niya, at baka ako naman ang kawawa.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Tahan na best, kung sinasaktan na niya. Iwan mo nalang huwag mo na ipilit ang sarili mo sa taong may iba ng gusto para lalo ka lang masaktan. Hindi bagay sa'ting mga magaganda ang masaktan best."
Taray ko diba? kahit ganito ako mabuti naman akong kaibigan. Si Khelly nalang kasi ang tinuturing kong pamilya.
Nang matapos na ang madrama naming moment saka kami nagpahinga. Sinabi ko sa kaniya na ipapasyal ko siya bukas. Sasamahan ko siyang mag-shopping. Pero balak pa din niya bumalik sa pinas para sa lalaking nanakit sa kaniya. Hayy iba talaga nagagawa ng pag-ibig buti nalang hindi pa ako tinamaan ng pana ni kupido baka ilibing ko siyang buhay. Hindi ko pa bet mahurt gaya ni Bestfriend. Hindi ko pa din maimagine ang mukha ni Khelly kagabi broken na broken as in wasak ang puso niya ganern.
•• Zach ••
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ah, ganiyan ba ang tinuro namin sa'yo." Rinig na rinig ko ang galit na boses ni Jassie. Pagpasok ko pa lang sa bahay.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, I REALLY DO
Romance"Tapos kana bang mahalin siya? Pwede bang ako naman."
