•• Xyline ••
It's been 1 week, simula ng bumalik ako dito sa Korea. Pero hindi ko pa nakakausap ni nakikita si Vince. Hindi rin niya ako sinundo sa airport gaya ng pangako niya bago ako bumalik dito. Nakapagtataka,dahil hindi naman ganun si Vince. Nasa rule ng relationship namin iyon. Ngayon niya lang ginawa 'to. Hindi siya nagpaalam sa'kin.
Maya maya pa ay nakita ko si Kobe na pababa ng hagdan.
"At saan ka naman pupunta?" Taas kilay kong tanong.
"Sa barkada lang."
"You stay here, may dinner mamaya. Tigilan at iwasan mo iyang mga barkada mo Kobe. Wala naman iyang magandang naidudulot sa'yo."
"I'll be back before dinner Noona."
"No, you stay here, or else I will tell to Chairman to cut your credit cards."
Takot si Kobe sa'kin dahil saming magkakapatid ako lang ang kayang sumuway sa mga utos ng pamilya pero hindi naman lahat ng utos, iyong iilan lang din ang sinusuway ko.
Pero sa aming tatlo si kobe ang paborito ng lahat. Sa sobrang pasaway niya siya lang ang hinahayaan na gawin lahat ng gusto niya. Pero mukhang magtatapos na ang pag-eenjoy niya. Napag-alaman ko kasi na etatrain na siya ni Chairman sa company habang nag-aaral siya dito sa Korea ay etatrain siya ni Chairman at sa ayaw niya o gusto kailangan niya iyon. Hindi lang naman siya ang magtatrain kami din ni Klient.
Naisipan kong puntahan si Vince sa condo niya tutal naman ay wala akong gagawin masyado pa naman maaga. Mamaya pa ang dinner.
Hindi naman ganoon kalayo ang condo niya kalahating oras na byahe lang ay nandun na ako. Habang nasa byahe ako papunta sa kanila, bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba na hindi ko maintindihan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa manobela. Nang makarating ako sa condo.
Pagpasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Kilala ako sa lugar na'to isa ang pamilya ko sa mga nag-invest dito. Hindi ko nalang sila pinansin pa at dumiretso nalang ako sa room ni Vince.
Dinig ko mula sa labas ang ingay na nanggagaling sa kwarto ni Vince. Hindi kasi soundproof ang kwarto niya. Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng pinto. Maya maya pa ay may narinig akong mga gamit na nababasag agad akong napahawak sa
doorknob bubuksan ko na sana pero bigla itong bumukas.Tumambad sa'kin ang isang babae na sexy ang damit niya, parang galing sa bar. Kulang nalang maghubad siya sa damit niya sa sobrang ikli daig pa ang kinulang sa tela. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinusuri niya ako.
Malayo sa itsura ko ang maging simply ngayon araw.Hindi naman sa pinaghandaan ko pero dahil si Vince naman ang pupuntahan ko kaya dapat presentable ako. Ayoko kasi magmukhang pangit sa paningin niya.
"At sino ka naman? Isa ka rin ba sa mga babae ni Vince?" Tagalog ang salita niya, ibig sabihin hindi siya taga rito sa Korea.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ano raw? Ako isa sa mga babae ni Vince? eh ako lang naman ang babae niya ah? well maliban sa mama niya at kapatid niya.
"I should be the one to asked you that. Who are you?" Taas kilay kong tanong saka ko siya hinead to foot.
"Nakakatawa. Ako? sino ako? Girlfriend ni Vince bakit may angal ka?"
Magsasalita pa sana ako ng biglang...
"Samantha sino iyan?" Biglang sumulpot si Vince.
"Xyline.." Gulat niyang sabi.
Nakatopless lang siya.. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Akma na akong tatalikod ng bigla akong hiwakan ni Vince para pigilan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, I REALLY DO
Romance"Tapos kana bang mahalin siya? Pwede bang ako naman."