Chapter 4

158 10 1
                                    

•• Vince ••

Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa kagaguhang ginawa ko.

"Ano bang sinabi mo kay Xyline hah? Samantha?" Inis kong tanong.

"Sinabi ko lang na girlfriend mo ako, bakit hindi ba?" Nakangisi niyang sabi.

Napamura ako sa isip ko habang inaalala ang mga nangyari. Hindi ko ginustong lokohin si Xyline. Dahil masyado siyang mabait para masaktan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Isang araw nagising nalang ako na hindi ko na maramdaman ang pagmamahal sa kaniya. Hindi dahil pareho kaming busy, kahit gaano naman kami kabusy may time naman kami sa isa't-isa.

Alam ko sobra ko siyang nasaktan kaya gusto kong linawin sa kaniya ang lahat ayoko naman na basta nalang niya akong hiwalayan.

Kinabukasan nagpasya akong puntahan siya sa kanila. Pero bigo akong makita siya sabi ng katulong nila ay bumalik na ito sa pilipinas.

Nanlulumo akong bumalik sa condo alam kung hindi na ako mapapatawad ni Xyline. Ang gago ko naman kasi para saktan siya, Hindi pa ako pwedeng pumunta ng pilipinas hangga't hindi ako nakakagraduate. Tatanggalan ako ng scholarship kapag ginawa ko iyon.

Hindi naman kami mayaman tulad nila Xyline. Nagtatrabaho lang din ang parents ko dito sa Korea. Kaya nag-apply ako ng scholarship, hindi dahil hindi ako kayang pag-aralin ng parents ko sa mamahaling university dito. Ayoko lang na umaasa lagi sa pera nila.

Sinubukan kong tawagan  si Xyline pero hindi niya sinasagot kahit mga text ko ay hindi rin niya nireplyan.


Two months later..

"Congrats Vince, masyado mo yatang ginalingan kaya ikaw lang ang inapproved ng school nabigyan ng chance makauwi ng pinas." Sabi ni Warren isa sa mga kaklase ko na gusto din umuwi sa pinas.

Inaapproved ng school ang request na makauwi ako sa pinas. Lahat kami na gustong umuwi ay dumaan sa isang exam kung saan lahat ng tanong ay related sa napag-aralan namin mula nung pumasok kami dito.

Hindi naging madali ang lahat para sa'kin at sa mga kasama ko. Bukod sa todo ang pag-aaral namin bago ang Exam puyat at gutom naman tinamo ng iba sa amin. Ginawa ko lahat para ako ang mapili, sa kagustuhan kong makita at makausap si Xyline.

Mula nang umalis siya at iwan ako wala na akong naging balita pa sa kaniya, Aaminin kong namimiss ko na siya. Chance ko na'to para maka-usap siya.

--

"Vince? Ikaw ba 'to Hijo?" Tanong ni lolo nang makarating ako sa amin.

"Opo lo." Sagot ko saka nagmano sa kaniya.

"Aba'y bakit hindi ka man lang nagpasabi na ika'y uuwi. Para sana nakapag-handa ako."

"Huwag na kayong mag-abala lo. Ito nga po pala mga pasalubong ko sa inyo." Sabay abot ko kaniya ng mga dala ko.

Sa  lolo at lola ko ako lumaki, mula ng maghigh school ay dinala na ako ng tatay ko sa Korea para doon mag-aral. Namimiss ko na din si lola pero hindi ko na siya naabutan 2 years ng patay si lola. Nung panahon na iyon nasa unang taon pa lang ako sa koleheyo. Kaya hindi ako naka-uwi.

I LOVE YOU, I REALLY DO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon