Chapter 3

196 12 2
                                        

•• Khelly ••

I was about to call Kier nang biglang pumasok si Samantha.

Saan naman kaya galing ang isang 'to!

"Ghad best you wouldn't believed what happend to me last night." Maarte niyang sabi.

"May ginawa ka na namang kalokohan?"

"Cut that word kalokohan best. Like duh? Sadyang pinanganak akong maganda yeah know?" Minsan nakakairita talaga ang kaartihan niya.

"Do you remember the guy named Vince?" Kumunot ang noo kong nakatitig sa kaniya inaalala ko kung sino iyong Vince na sinasabi niya.

"Best si Vince iyong gwapong lalaking nakilala natin sa Kpop Bar." Ayun naalala ko na.

"And what about him? Bakit ba para ka na namang nababaliw diyan!" Nakangiwi kong sabi.

"I can't believed na may fiancè na pala siya and kagabi magkasama kami ni Vince and suddenly this girl named Xyline which is his wife to be came to surprise Vince. Grabe natatawa ako sa eksena nila. Live drama best iyong nalaman ni girl na may ibang kasamang  babae maganda pa sa kaniya ang boyfriend niya ayun mangiyak-ngiyak si ate girl sabay walkout."

Sa iksi ng kwento niya isa lang ang naintindihan ko naghiwalay ang dalawa dahil sa kaniya. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to hindi na nagbago. Manira ba naman ng relasyon ng iba. She's a certified bitch in town. Lahat nalang yata ng mga nakilala niya sa bar ay may mga jowa na. And mababalitaan ko nalang naghiwalay ang mga iyon dahil sa kaniya. Ewan ko ba sa babaeng 'to kakaiba ang trip sa buhay niya. Kung hindi ko lang 'to bestfriend matagal ko ng sinabunutan 'to. Hindi naman sa kinukunsinti ko ang mga ginagawa niya. Ayoko lang talaga makialam sa buhay niya mahirap na madamay pa ako. Sayang lang ang ganda ko best.

"Bahala ka sa buhay mo. Bruha ka kahit kailan ang bitch mo." Sabi ko saka dinial ulit ang number ni Kier

"Makabruha ka naman! Pasalamat ka hindi ko inagaw sa'yo si papa Zach. Ang hotty pa naman niya." Sinamaan ko siya ng tingin nang sabihin niya iyon sa harap ko.

"Pero syempre joke lang best mahal kaya kita kaya exempted si papa Zach."

"Ewan ko sa'yo umuwi ka na nga!"

Kainis ba't ang tagal sagutin ni Kier ang tawag ko.

"Best naman dito muna ako ayoko umuwi nakakapagod bumyahe." Katamaran talaga ng babaeng 'to. 

Malayo kasi ang bahay nila. Dahil napaka-party goer ng bestfriend kaya dito siya sa'kin nakikitira.

Ayaw niyang umuwi sa pinas dahil nandun nga daw ang nanay niyang walang kwenta. Sumama siya sa ama niyang Koreano. Hiwalay na ang magulang niya. Kahit ayaw niya naman talaga pumunta dito sa Korea wala siyang ibang choice kaysa naman daw manatili sa pinas na kahig isang tuka lang sila dun. Hindi ko talaga alam ang buong kwento. Iyon lang din ang alam ko dahil iyon lang ang kinwento niya sa'kin.

Halos dito na siya tumitira sa condo ko. Ayos lang naman sa'kin kaso minsan talaga ayoko na nandito siya. Bukod sa ang ingay niya lasing na kung umuwi dito.


"Aysh! bakit ayaw sagutin ni Kier ang tawag ko."

"Baka may iba na rin iyon best, bigti kana tara samahan kita." Binato ko siya ng unan."Abnormal ka kahit kailan."

I LOVE YOU, I REALLY DO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon