Chapter 21: Love Hurts.

2.3K 30 4
                                    

Carl’s POV

She’s too much.

Nakainom siya pero di niya dapat ginawa yun.

May feelings din si Cyron.

Tao din siya.

Ano nga bang alam nitong babaeng to sa feelings eh manhid nga pala niya.

Hila-hila ko siya ngayon.

Di ko din alam san kame pupunta.

“Ano bang problema mo?” sabe niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.

“San ba kasi tayo pupunta? Nasasaktan ako.” reklamo niya.

Di ko na rin alam asan na kami.

-________________________-

“Carl ano ba!”

Ang sakit sa tenga ng boses ng babaeng to.

“Nakita mo ba yung ginawa mo dun?”

Tapos biglang.

May tumawag.

"Hello? Dada wrong timing ka."

Kinuha ko yung phone.

"Wala siyang panahon makipagusap sa'yo. Ge bye."

Sabay end call ko.

Istorbo -___________________- 

“Ano namang pakialam mo? Pati yung kausap ko sa telepono pinapakialaman mo!” sagot niyang tanong din.

Anong pakialam ko? Isa akong concern citizen ng Pilipinas.

Sinasaktan niya si Pareng Cyron baliw na ba siya?

 “Tangina. Saka sino ka ba sa inaakala mo?” tanong niya.

Pakipigilan po ako please.

Baka ano magawa ko dito sa babaeng to.

“Friend ba kita? Close ba tayo?” - Ysh.

“Sige kahit wag mo kong ituring na kaibigan mo. Pero kaibigan ako ni Cyron. At sobrang mali na yung ginagawa mo.”

“I don’t effin care. Kahit kaibigan ka pa ng presidente ng Pilipinas. WALA AKONG PAKIALAM!” sigaw ni Ysh sakin.

Di ko na talaga siya matancha!

“Problema mo ba yun? Para makialam ka? Ni hindi mo binigyan ng pagkakataon humingi ng sorry o magexplain yung tao.” - Ako

Nakakainis na kase siya.

“Ano nga ba namang alam mo sa chances? Huh? Manhid ka din ng isa’t-kalahati.” dagdag ko.

At eto na naman siya sa drama niya.

Tsk.

Wag niya ko iyakan nagiguilty ako leche!

Patuloy tumutulo yung luha niya pero di siya nagsasalita.

“Bakit *sob* alam *sob* mo ba yung *sob* feeling ng masaktan?” tanong niya sakin.

Wooooooooo.

Wag ka umiyak baka imbis ikaw patayin ko.

Sarili ko mapatay ko sa ginagawa kong pagpapaiyak sa’yo.

“Narasanasan mo na ba maiwan? Ha?!” - Ysh.

“Wala kang alam sa LOVE!” bintang niya.

Ako walang alam sa Love?

Hindi ba’t nagtatanga-tangahan na rin ako ngayon sa love.

“Wala kang alam sa kung anong nararamdaman ko habang pinapanood si Saab umiyak ng dahil sa lecheng Cyron na yan.” - Ysh.

“Yan kasi hirap sa inyong mga babae. Feeling niyo kayo lang lage nasasaktan. Ano namang tingin niyo samin? Manhid. Ba’t pa kami nagmahal kung manhid pala kame?” - Ako.

“Hindi mo pa nararanasan magmahal. Magmahal ng tao kahit anong pagpapahalaga mo. Di niya Makita. Kasi iba yung mahal niya.” sabe niya habang nakatingin ng diretso sakin.

Ano ba kasing pinaghuhugutan niya.

Pwede naman niyang sabihin sakin.

Makikinig naman ako.

“Ang hirap kasi sa’yo kala mo ikaw lang yung nasasaktan. Hindi mo nga pinapakinggan yung mga tao magpaliwanag. Feel mo lage ikaw yung tama. Grow up Ysh. Hindi umiikot sa’yo yung mundo.” - Ako.

Ano na din bang sinasabe ko? @___________________@

Lalo siyang umiiyak.

Bad me.

Pinaiyak ko na naman siya.

For the second time.

Nilapitan ko siya.

Ang hirap. @____________________@

Kahit anong palaban ipakita niya sa mga tao.

Napaka fragile niya.

“Sorry sa mga nasabe ko. Tahan ka na.” - Ako.

“Stay away from me.” taboy niya sakin.

Nagsosorry na nga ako eh.

-________________________________-

“Hindi ko kailangan ng awa mo.” - Ysh.

“Pota kang bakla ka!” - Ysh.

@___________________________@

Bakla ako?

Hindi ah. Peste.

Sinusubukan niya pagiging lalaki ko!

Psh.

Nilapitan ko siya yung tulad ng ginawa ko sa nakaraang chapter.

Yung malapit na malapit kame sa isa’t-isa.

“The next time you will call me Gay. Pinapangako ko hahalikan kita. Pasalamat ka I respect you. Pero sa susunod. Hahalikan talaga kita. Wag ka ring magmura. Ang panget sa’yo eh.”

That was the last words na sinabe ko.

Tsk.

I left her stuck.

---------------------------------------------------------------------------------------

(A/N: Ano kayang naging reaction ni Ysh? Sa tingin niyo? Continue reading WMCMMTG! :))))))))  I wanna know your opinion feel free to comment. Vote and Become Fan mwa :*)

When Ms. Cuss meets Mr. Too Good @____@Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon