"Walang katapusan kung walang simulan"
............................................................SAB'S POV
Well done, nagawa na namin ang lahat ng plinano ko. Even our parents, wala silang nagawa para pigilan kami, dahil buong-buo na ang aming desisyon.
At do'n na rin kami titira, dahil base sa ginawa naming research ay may libreng dormitory na ito.And now we are on our way to Murderous Academy. The school where we wish to enter, to study, and to be part of our life ever since.
"Hey! Sab, ang lalim ng iniisip natin ah." Sabi ng katabi kong si Hanna.
Crisha is on the other side and l think she is sleeping. Sa bagay medyo malayo layo na rin ang byinahe namin.
"Iniisip ko lang kung ano ang susunod na posibleng mangyayari, maaring ah... ewan basta." Sabi ko
"Na ahh, just think positive, no matter what, nandito lang ako, kami, para tulungan ka."Hanna
"Hayyysss, sana gano'n lang kadali, sana...."at bigla ko na lang naramdaman ang antok hanggang sa nakatulog na nga ako ng tuluyan.
Nasaan ako? bakit parang ang creepy, pero parang pamilyar ang lugar na ito.
"Hello...may tao ba diyan?" tanong ko, pero walang sumasagot.Ahhhhh, ta ahhhh ma na ahhhhh,
Rinig ko namang sigaw.
"Umalis na kayo, bumalik na kayo, huwag na kayong tumuloy " sabi ng isang tinig pero 'di ko nakikita ang mukha niya.
"Ahhhhh...."sigaw ko ng may naramdaman akong matulis na bagay sa tagiliran ko.
"Ahhhhh" sigaw ko muli kasabay nito ang biglang paggising ko. Kitang kita ko rin ang pag alala sa mukha nila. Pawis na pawis na rin ako.
Anong klaseng panaginip 'yon at bakit parang totoo?
"Here.."inabutan ako ng tubig ni Crisha.
"Kanina ka pa namin ginigising, pero 'di ka namin magising-gising." Sabi niya pa.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" Tanong naman ni Hanna.
"Ahh, wala...wala..."pagsisinungaling ko naman.
"Saan na tayo?" pagiiba ko ng topic.
"Nandito na tayo, pero kailangan pa raw nating maglakad ng kalahating kilometro sabi ni mamang driver."
May nadaanan kaming madilim at nakakatakot na gubat at isang batis na maganda. Na masarap pagtambayan. At marami pang creepy na lugar.
Makalipas ng halos isang oras ay nakarating na rin kami.
This is it...
Malapit na kami sa may gate ng may nakita akong lalakeng maraming tattoo, malaki ang katawan nito at maskulado, may hikaw sa kaliwang tainga at ilong nito. Dinaig niya pa nga ang mga adik sa kanto, partida nagtatrabaho pa ito sa paaralan.
"Bakit may ganitong klase ng tao dito?" pabulong na tanong ko sa katabi ko pero parang wala itong narinig. Ay tanga, naka headset nga pala ang mga 'to.
Hay siguro gwardya siya dito. Pero parang isang malaking katanungan, dahil hindi kapani-paniwala. Na ang gwardya ay dinaig pa ang isang adik sa kanto? Gosh...
"Magandang umaga mga binibini, ano't napadpad kayo rito?" tanong ni mamang matatoo.
Sa tono ng pananalita niya ay parang may nagpapahiwatig ito. It was sarcastic and ironic.
"Bulag ka ba? malamang nandito kami para magaral" Crisha
Umiiral na naman ang katarayan at kamalditahan nito tsss...
"Matabil ang dila mo binibini, pagbigyan muna kita sa ngayon, dahil 'di mo pa kilala ang binabangga mo." may halong inis sa tono ng pagsasalita niya.
Hindi maganda ang kutob ko, kaya kailangan naming magingat.
"Maari na kayong pumasok."sabi nito at ramdam ko ang sabik sa boses at presensya niya.
Anong meron? Bakit parang may kulang at parang may mali? May hindi ba kami dapat malaman o gawin? Grrrr, napaparanoid na yata ako. Hayst
Pagkapasok namin ay napanganga na lamang ako sa mga nakikita ko. At isa lamang ang masasabi ko SOBRANG MAGULO.
Paaralan ba talaga itong pinasukan namin? O squatter? Anong klaseng estudyante ang mayro'n dito? bakit ang gulo?
Iyan ang mga tanong na unang pumasok sa isip ko. Dahil hindi ganitong klase ng paaralan ang inaasahan ko. Sobrang layo ang inaasahan ko kumpara dito.
Posible kaya na lahat ng nalalaman namin ay mali? Mali at 'di totoo.
This is not good. Habang palinga-linga kami at tinitignan ang mga facilities sa loob ng paaralan na ito ay may parang tumatakbo na estudyante patungo sa direksyon namin.
"TABI!!!" sigaw nito
Pero parang napako ako sa aking kinatatayuan nang may nahagilap ang aking mata. Isang kumikislap na patalim ang binato ng isang babae. Mahaba ang buhok nito at nakayuko. Patungo sa direksyon ng lalakeng tumatakbo.
"SAB!!!" sigaw ng dalawa kong kaibigan na parang alalang alala.
Samantalang ako naman ay sinalubong ko ang patalim gamit ang aking kamay at tinulak ko ng buong pwersa ang lalake, kaya natumba ito.
Sinalo ko naman ng walang pagalinlangan ang patalim at halos isang maling pagsalo ay matutusok na ito sa aking dibdib, na sa tingin ko'y one-half inch na lang ang layo.
At sa pagsalo ko ay tumayo ako ng tuwid at tinignan ko ang babaeng nakayuko, pero huli na ako dahil nakatalikod na ito at naglalakad palayo.
"What a great welcome." Bulong ko sabay lingon sa lalakeng tinulak ko.
"Ayos ka lang?" Tarantang tanong sa akin ni Hanna at si Crisha naman ay nilapitan ang lalake.
Pero sa pagtayo niya ay hindi namin inasahan ang mga katagang bibitawan niya.
"Sino kayo? At bakit kayo pumasok sa impyernong paaralan na ito? And by the way welcome to Murderous Academy." Sabi niya at ngumiti na may halong lungkot.
"Anyway, be careful guise. Especially, you" dugtong niya pa, at ang pagsabi niya ng 'you' ay parang ako ang tinutukoy niya at bigla na lamang ako kinabahan. Why? Bakit ako kinakabahan?
"Sino ka? At ano ang ibig mong sabihin?" This time si Crisha naman ang nagtanong. Huminto sa paglalakad ang lalake at lumingon muli sa direksyon namin.
"Just find it out." Ang tanging sambit niya at tuluyan na nga itong naglakad palayo.
"What does it mean?" Tanong ni Hanna
"Hindi ko rin alam" tugon ko at tinignan ang patalim na hawak ko.
"Here, take this" inabot ko kay hanna ang kakaibang patalim at pinatago.
"How come na may mga patalim sa loob ng paaralan na ito? To think of it it is prohibited." Tama siya, pero may magawa ba kami? At isa pa we're newbie here.
"Tara na't isantabi na muna natin 'yan, just think that nothing have happened." Paalala ko sa kanila na kahit na ay nacucurious na rin ako sa paaralan na ito. Ang MURDEROUS ACADEMY
YES, from the word itself MURDER.
.........Ano sa tingin niyo ang nadatnan nila?
At anong klaseng paaralan ang murderous academy?
.
.
.
.............COMMENT
And
VOTE
Be a fan
#Murderians
BINABASA MO ANG
MURDEROUS ACADEMY " Chain Of Death "
Mystery / ThrillerWhen you enter, there's no exit, no exceptions and no excuse. A school of curse,demons,a killers,a murderer, in short it was a school of HELL. What if you will trap inside,with those bitches,jerks and killers? What will you do to escape,if there is...