CHAPTER 4

89 34 27
                                    

SAB'S POV

Nandito na kami ngayon sa principal's office at kaharap namin ang isang mala anghel na babae. Katulad ng secretary nitong school ay mga nasa mid 40's na rin ito. May bilog na mukha, katamtaman lamang ang tangos ng kanyang ilong, violet lipstick na parang bitch ang dating, medyo kulot ang kanyang buhok at may baby blue na mata.

Pero ang tanong mala angel nga ba talaga? O' baka naman ay madadaig pa nito si satanas. Sabi nga nila, "don't judge the book by its cover 'di ba?"

"Anyway, I'm Miss Veronica De paz. The principal of this school. And welcome." Sabi niya pa at ngimiti. Ngiting kakaiba, plastic kung baga.

"Since, bago lang kayo dito, bukas na kayo papasok. Don't worry you are excuse since this is your first day here and also you're free to roam around the campus today." Principal.

"And, for you to know we have our rules here. "When you enter there's no exit, no exception, and no excuse. Unless you pass the finale." dugtong niya pa. Kakaiba. Anong klaseng rule kaya iyon?

"And lastly, enjoy your day here, here take these keys. By the way, girls dormitory is located beside the third year building" At ngumiti na naman siya.

Binigay  niya na sa amin ang mga susi para sa room namin, one is to one kasi, pero malapit lang kami sa isa't isa. Paano namin nalaman? Dahil may room number ang bawat susi. Si Hanna 3F112R, meaning third floor room number 112, si Crisha 3F114R at ako naman 3F113R. Ako ang nasa gitna, sa may left side ko si Crisha at sa right side ko naman si Hanna.

"Bes, pansin niyo ba 'yung ngiti ng principal?" tanong ko sa kanila. Kaya naman ay huminto kami ng sandali at nagisip.

"Ngiting may binabalak/ Ngiting may pinaplano." Crisha/Hanna

Sabay nilang sabi at nagkatinginan. Hindi kaya ito na 'yung pinupunto ng mga lalake kanina.

"At kahawig niya ang dati nating adviser na namatay na." Sabi ko naman, kaya napaubo si Hanna.

Siguro naalala niya nanaman, pero isa lamang siyang biktima noon.

"Okay ka lang, heto oh, tubig" inabutan ko kaagad siya ng tubig.

"Oo, okay lang ako." Tugon niya

"At kakaibang rule rin ang sinabi niya kanina. Parang 'yung nabasa ko lang dati sa wattpad. 'Yung sa Hell University." Ako

"Haysst, tama na nga sa kakaisip ng kung ano-ano. Overload na 'tong isip ko, kailangan na rin nating magpahinga, pero 'di parin natin nahanap ang dorm natin." Crisha

Samantalang si Hanna naman ay tahimik lamang itong naglalakad.

"Teka lang ah, 'di ba siya 'yung lalakeng sumigaw kanina." Crisha sabay turo sa lalakebg naglalakad sa may hallway. Hindi pa rin kasi namin nahanap ang dormitory ng girls, sa laki ba naman nitong school at dahil na rin sa katangahan namin ay naiwan ko ang sketch na binigay ng principal.

"Excuse me po, pwede magtanong?" Crisha. Himala bigla yatang bumait hmmp. Kaya naman ay huminto si kuya sa paglalakad.

" Sure, ano 'yon?" Kuya

"Saan po ba dito 'yung girls dormitory?" Ani Crisha.

Sa tanong na iyon ay napalingon si kuya at nanlaki ang kanyang mata na parang gulat na gulat.

"Kuya okay ka lang? Parang may nakita kang multo ah." biro ko na natatawa.

Yes, natatawa. Hindi naman ako ganoong kasama para 'di ngumiti o tumawa. Pwera na lang kung nasa seryosong sitwasyon.

"'Di ba, kayo y-yung mga babae kanina?" Siya

"Kami nga, anyway pwede mo ba kaming ihatid sa girls dormitory, and sorry nga pala sa nangyari kanina." Sabi ni Crisha sa lalake.

MURDEROUS ACADEMY " Chain Of Death "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon