SAB'S POV
Muli ay naalimpungatan na naman ako dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Lamig na animoy may mensaheng nais ipabatid sa mga kaluluwang tulog at sa mga taong nagbubulagbulagan sa katotohanan.
"Posible kaya?" Napailing na lamang ako sa aking iniisip at napabuntong hininga.
"Ang lamig naman pala dito" bulong ko. Anong oras na kaya? Lumingon ako sa aking orasan ng papikit pikit pa. 12:00 am na pala hindi ko man lang namalayan ang oras, siguro dahil sa pagod at dami ng iniisip.
Makalabas nga muna.
Lumabas na sana ako pero napansin kong nakabukas ang bintana sa may ulunan ko. Nilapitan ko ito upang tignan at may isang bagay ang naagaw ng atensyon ko.
Isang papel na pula at nakatupi ito.Kinuha ko ang papel at sinarado ang bintana. Binasa ko ang nakasulat sa papel dahil pakiramdam ko ay may ibig itong ipahiwatig. Nang biglang tumambol ang dibdib ko, na wari'y may paparating na delubyong 'di pangkaraniwang.
WELCOME TO MURDEROUS ACADEMY.
Iyan ang nakasulat sa papel gamit ang dugo, isang sariwang dugo ng tao. Kaya nabitawan ko agad ito at nanlamig ang mga palad ko. Na para bang biglang natakot ang buong pagkatao ko. Sino ang may gawa nito? Or may be this is just a trap to scared us? But the hell, what are their intentions? Kung kanina ay medyo nanghina ako ngayon naman ay bigla na lamang kumulo ang aking dugo.
"Alam na kaya nila?" Tanong ko sa aking sarili. Dahil imposibleng malalaman nila na narito kami, dahil sa pagkakaalam ko ay hindi nila kami kilala. Hindi nga ba talaga? At maari ring isa itong subok, kung matatakot kami o ano?
Pero, ang tungkol sa mga napanaginipan ko, ang patayang nagaganap dito, dito?. Hindi kaya may ibig talaga itong ipahiwatig?
Nakakapanindig balahibo, sa dis oras ng gabi, may nagpadala ng sulat dito sa aking silid at hindi ko man lang naramdaman ang presensya nito.
Sulat gamit ang dugo? At nakasulat sa isang pirasong papel? Napatingala na lamang ako sa bigat ng presensyang bumalot sa loob ng aking silid at ang bigla kong pagalala sa dalawang taong naliligo sa sarili nilang dugo, ang malalalim nilang mga sugat, na tila iyon ang naging hudyat ko para maging alerto sa bawat hakbang na tatahakin ko.
Tumayo akong nakakuyom ang dalawa kong palad na puno ng galit. Kailangan kong magpakalma.
Iniwan ko ang papel sa kwarto ko at tuluyan na akong lumabas para uminom ng tubig at magpahangin.
Nang may napansin akong anino na naglalakad palayo, tinignan ko muli ito at wala naman akong nakita. Pero parang may naguudyok sa akin na sundan ko ito.
Lumabas ako ng dahan dahan dahil baka may makarinig o magising. Wala rin akong pake kung madaling araw na. Ang akin lang ay alamin ko kung sino ito, at kung sino ang naglagay ng sulat na iyon.
Medyo malayo layo na rin ako sa dorm namin, at may napansin akong gwardya na umiikot ikot sa paligid. At kung minalas ka nga naman ay may mini gate pala dito bago ka makalabas, yon nga lang ay nakalock din ito.
Kaya hindi ko naituloy ang binabalak ko. Wala na rin akong nagawa kundi ang bumalik na lamang sa loob.
Baka 'yung anino lang ng guard na iyon ang nakita ko.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko na nagmuni muni, habang iniisip ko ang mga bagay-bagay na nangyari sa amin kahapon. Ang patalim? Ang code? At ang sulat? Shit! May nangyari ba bago kami pumasok? Hindi kaya totoo..."NO!"
Hindi na rin ako inantok pang muli. Hanggang sa nag umaga na ng tuluyan.
..........
Kinabukasan
BINABASA MO ANG
MURDEROUS ACADEMY " Chain Of Death "
Mystery / ThrillerWhen you enter, there's no exit, no exceptions and no excuse. A school of curse,demons,a killers,a murderer, in short it was a school of HELL. What if you will trap inside,with those bitches,jerks and killers? What will you do to escape,if there is...