SAB'S POV'Let thy mercy show itself, with the resemblance of evil until eternity and thy love will spread out agonizingly.'
Ang unang makakakita ay siyang swerte at ang kapalit nito ay buhay na mapawalang hanggan. Habang, ang huling makakakita ay siyang makakaranas ng matinding paghihirap hanggang sa huling hantungan.
...............
At last break time na. Nagsilabasan na rin ang aming mga kaklase at iilan na lamang ang naiwan sa loob.
"Bes, alam naming may gusto kang sabihin." Kalmadong wika ni Crisha na ikinalingon ko.
Tama siya, kailangan naming magusap.
"Excuse me, ikaw si Sabrina hindi ba?" Tanong sa akin ng lalakeng nakaupo sa harapan ni Hanna. I think it was Jin.
"Hmmp" tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya.
"You need to be careful." Sambit niya, pagkatapos ay tumayo na rin silang tatlo kasama si Mr. Intruder. Pero bago silang lumabas ay tinignan muna ako ni Mr. Intruder as if he knew something. Tsk. Nang dahil sa kanya ay hindi ko nasagot ang tanong ko. Badtrip.
Pagkalabas nilang tatlo ay nagkatinginan namang kaming tatlo na siyang hudyat para tumayo na rin kami at lumabas. Pero parang may humahatak sa akin sa loob at pinipigilan ang bawat hakbang ko at sa paglingon ko ay may naaninag nanaman akong anino.
"Bes, okay ka lang? Parang wala ka sa sarili mo mula kanina." Wika ni Hanna
"Mas maganda kung bumili muna tayo ng makakain at pagusapan kung ano man 'yan" suggest ni Crisha at naglakad na ng mauna.
Everything seems strange, since the day we step in this school. It is like something is waiting for us. That dream, it's like shit. At nilagay ko ang kanang kamay ko sa loob ng bulsa nitong skirt ko nang may nahawakan akong isang pirasong papel. Nilabas ko na sana ito upang tignan dahil ito 'yung papel na nahulog mula sa guro namin kanina ng biglang magsalita si Hanna.
"Nandito na tayo.'' Wika niya at dumeretso na siya agad sa counter. Samantalang ako ay naiwan sa gitna habang hinahanap ng mata ko si Crisha.
"Nasaan na kaya 'yung babaitang 'yon. Iniwan man lang ako dito sa gitna." Bulong ko sa hangin.
"Beshy, dito tayo." Rinig kong sigaw ni Crisha sa may bandang dulo ng Cafeteria. And yes, nasa cafeteria kami ngayon.
Nasa may dulong bahagi siya, nakatayo ito habang kumakaway. Kaya naman ay nginitian ko siya at naglakad na papalapit. Ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa ng makita ko sina Jacob malapit sa table namin, tsk. That annoying brat. Kasama niya ang dalawa at may isang babae na sa tingin ko ay siya 'yung nakaupo sa tabi ni Hanna. At buti na lang ay hindi ko nakita ang Clown na 'yon at 'yung spoiler na may kasama na ala Dora.
Pagkaupo ko ay siya namang dating ni Hanna dala-dala ang isang tray na puno na pagkain naming tatlo.
"Salamat sa tulong ah, ang gaan pa naman nito." Sarcastic na wika ni Hanna sa aming dalawa ni Crisha at nilapag niya na nga ito sa table namin.
"Welcome bes, kaya the best ka talaga e'" birong tugon naman ni Crisha at sinubo niya agad ang isang hiwa ng Pizza. Kaya ay napatawa na lamang ako sa inaakto nila. Childish as ever.
" Back to our business, alam naming may tinatago ka." Seryosong wika ni Hanna
Sa pagkakataong ito ay sumeryoso na muli ang presensya nilang dalawa maging ako ay ganoon din. Kailangan rin naming magusap ng masinsinan since isang oras naman ang break time namin.
BINABASA MO ANG
MURDEROUS ACADEMY " Chain Of Death "
Misterio / SuspensoWhen you enter, there's no exit, no exceptions and no excuse. A school of curse,demons,a killers,a murderer, in short it was a school of HELL. What if you will trap inside,with those bitches,jerks and killers? What will you do to escape,if there is...