chapter thirteen - mall

85 1 0
                                    

Hey guys! Sorry ngayon lang update! Sorry po talaga T.T

Don't hate me ^^., hehe...

Masyadong mahaba kung ieexplain ko pa kung bakit ang tagal kong nawala, baka sakupin tong buong page. Hehe. Sorry talaga. Bawi na lang ako sa susunod.

Happy reading!

ONE WEEK LATER

Kay:

Friday na naman! Wala na naming pasok bukas! Late na naman ako matutulog mamaya! Hahaha.

Nasa canteen kami nina Alexa, Joshua, Dianna, Joanna, at si George. Lagi naman na naming kasama yan si George kasi nakakasundo niya si Joshua ng maayos. Best friend na nga ata sila eh.

Close na rin si George kay kuya since madalas pumunta si George sa bahay namin para sabay kami gumawa ng assignment. Ewan ko nga kung paano nangyari yun eh. Bihira kasing kausapin ng kuya ko yung mga kaibigan ko. Kapag may pumupunta sa bahay, hindi man lang niya pinapansin.

“Kaya” sabi sakin ni Alexa nung lunch na namin. “Gala tayo mamaya. Treat ko.”

Napatingin sa kanya ng masama si Joshua. “Hindi ako pwede mamaya. May practice yung banda namin.”

“Ay oo nga pala. Kaasar naman oh.” Nawala yung ngiti sa mukha ni Alexa.

Ngumiti si Joanna. “Bukas na lang kayo mag-pratice.”

“Meron din bukas eh. Namomroblema nga ako eh. Aalis kasi parents bukas tapos yung kapatid ko maiiwan sa bahay. Walang magbabantay sa kanya. Hindi ko naman pwede icancell yung practice kasi malapit na yung Battle of the Bands. Anu nang gagawin ko?” sabi ni Joshua, his hands in his eyes.

George spoke up, “Then isama mo siya.”

Joshua looked at him like he lost his marbles. “Do you have any idea how hyperactice she is? Hindi kami makakapractice ng maayos niyan!”

“Ilang taon na ba kasi siya?”

“She’s three.”

Knowing Joshua, alam kong mahalagang-mahalaga sa kanya na manalo sa Battle of the Bands. Madalas kasi siyang asarin na bakla (kasama na ako XD) dito sa school at kapag nanalo sila dun, hindi na siya pagdududahan ng mga tao dito. Lalo na yung crush niya.

“Ah.. ganun ba? Sige na nga, wag na lang tayong gumala ngayon. Tatapusin ko na lang yung project na binigay sa atin last week ni Sir Martin.” Alexa said.

Natawa si Joanna. “You mean yung weirdong project na yun? Kaasar kaya!”

Malamang. Sino ba naman kasing matinong teacher ang magpapagawa ng essay composed of 5,000 words. Bilang yun ah. Walang labis, walang kulang. Tungkol sa bagay na kinahihiligan mo.

Tapos ko ng gawin yung akin since Astronomy yung subject ko. Pinuno ko na lang ng madaming facts yung essay para sumakto sa 5,000. Hehehe. Diskarte lang yan, men.

“Kaya, since tapos mo naman na yung project mo sa English, pwede mo bang bantayan na lang si Joselyn bukas? Hindi ko talaga pwedeng ma-miss yung practice.”

“Okay.”

Tumingin na lang si George sakin, nakataas yung mga kilay.

Ay oo nga pala. “Josh, meron pala akong lakad bukas. Sasamahan ko si George na bumili ng cellphone niya. Do you mind na isama naming si Joselyn?”

Joshua gave us a sly smile. “Ah wag na. Baka maka-abala pa si Joselyn sa date niyo.”

“Baliw.” I told him, rolling my eyes. “Sasama ko na lang si Joselyn. Okay lang bay un, George?” Tumingin ako ke George.

From My World to YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon