chapter seventeen- palasyo

68 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN: Palasyo

Hi po! New chapter ko po! Naganahan po akong mag-update kaya naman nagsulat na rin ako.

This chapter is dedicated kay *ehem* Alexci. Oh, tol. Basahin mo to ah. XD

Happy reading po!

=================================================================

ZACH:

Kahit ayoko, pinag-impake ako ni mama.

“Anak, makinig ka sakin. Kailangan mong sumama sa hari. Pakiusap sundin mo ang hiling niya.”

Padabog kong nilabas yung maleta ko. Tapos pinindot ko yung sa closet ko para lumabas na kung anong damit yung kailangan kong dalhin. Okay, medyo nawala siguro kayo dun pero di ko na ipapaliwanag kong pano nangyari yun. Advance nga masyado tong planeta namin, di ba?

Hinarap ko si mama, resentment pulsing in my veins. “Bakit po ba kailangan ko siyang sundin? Bakit kailangan ko siyang gawan ng favor?”

“Dahil siya ang hari, anak.”

“Siya rin yung ama ko na nag-abandona sakin nung bata pako. Yung taong bigla na lang nawala. Tapos pupunta siya dito para kunin ako.”

“May maganda naman sanang dahilan kung bakit ka niya kukunin.”

“Kahit na ba.” Gigil na gigil kong sinabi.

“Anak…”

“Ayokong tumira sa palasyo, ma. Ayokong maging prinsipe.”

“Alam ko yun, pero may responsibilidad ka na sa planeta natin, Zaroxlomn. May dapat kang gampanan.”

Napatawa na lang ako sa nasabi niya, naasar. “Ah… so ganun na pala yun? Siya wala siyang dapat gampanan? Tatay ko siya pero ano? Ni wala siyang inakay na responsibilidad sa akin! Tapos ako ngayon kailangan may gampanan agad. Ang galing naman na logic nun.”

“Ginampanan pa rin naman niya ang responsibilidad niya bilang ama, ah. Alam mo bang siya ang nagbigay ng trabaho ko sakin. Siya rin ang nagpapa-aral sayo dun sa eskwelahan na yun.”

Tapos may naalala ako. “Teka lang, ma. Ano pala sasabihin ko sa mga kaibigan ko? Sa mga kaklase ko?”

From My World to YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon