chapter ten- si Levinx

204 4 1
                                    

First of all, Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng bumasa, bumoto, at sumuporta sa mga nakaraang chapters ko. And pati na rin po sa mga readers na wagas kung mag-comment =DD Kaya naman naisipan ko na mag-upload ngayon. Para sa inyo. Hehe.

Sorry po kung ngayon lang ako nakapag-update. Marami lang talagang ginagawa :exams, reports, play, tapos sisingit pa yung walang katapusang projects and activities. Since medyo may break naman ako ngayon, naisipan ko na mag-upload since baka hindi na ulit ako magkaroon ng chance sa mga susunod na araw na gawin yun.

Anyway, may idea ba kayo kung sino yung "Earthling" na inoobserbahan ni Zach? Hulaan niyo muna bago niyo basahin para may thrill. XD

Happy reading! =DD

==================================================================

KAY:

Huh? Ano? Niloloko ba talaga ako nito? Welcome saan? Bakit? Wala ba ako sa universe?

Tinitigan ko muna yung device ng mabuti para mas magkaroon ng idea kung para saan iyon. Astig yung itsura niya. Makintab, kulay black, malaki yung screen and mukhang futuristic ang dating.

Para saan ba talaga tong lokong bagay na to na galing sa ama ko? Hindi kaya nagkamali siya ng bigay sakin?

Knock, knock

Dali-dali kong binalik yung device sa loob ng paperbag at kumaripas ng takbo sa pinto. Inayos pala muna yung expression ng mukha ko - medyo confused kase- and sabay bukas ng pinto.

Muntik na akong himatayin sa gulat.

"Hey, Kylie Anne Yvonne." bati niya sabay ngiti.

Paano naman kaya naka-akyat tong mokong na to bukod sa pag-gamit ng hagdan?

O.O -->> ako. "Ano ginagawa mo dito, George?" tanong ko sa kanya sabay tingin mula ulo hanggang paa.

"Well, tatanong ko lang kung gusto mo bang pumunta sa library since maaga pa naman and hindi ko pa tapos yung assignment sa science. And dahil sa bago rin ako dito at hindi ko alam ang dapat kong puntahan." explain niya with matching gesture ng hands.

"Ang haba naman ng sinabi mo. Eh di sana tinanong mo na lang kung pwede ba kitang samahan."

"Yun naman ginawa ko, pinahaba ko lang. So, pwede ba?"

Tiningnan ko muna yung paperbag. Dalhin ko kaya? Ay wag na. Isa ako sa pinakadakilang burara kaya malamang sa malamang maiiwan ko yun kung saan.

Tingin ulit ako kay George. "Sige ba. Wala naman ako masyadong ginagawa eh."

---

Naglakad lang kami papunta sa library. Malapit lang naman kasi and mas healthy maglakad kase kelangan din ng katawan mo na mag-exercise.

"Teka nga lang, George. Bakit ba sa library tayo mag-reresearch? Pwede ka naman mag-internet na lang? Hello, Earth to George?" I asked him, ang weirdo ng tingin ko sa kanya.

Merong konting spark dun sa mata niya for half a second tapos ngumiti na lang. "I don't trust the internet."

"Bakit naman? Tama rin naman info na binibigay nun ah."

"Di rin. Mas maganda nang umasa sa book kase yung book, bago i-publish may ginagawang checking or whatever. Yung sa internet, wala."

"Okay. May konting point ka diyan..."

"Konti?" napatawa ang loko. "Eto na ba yun?"

Nakita ko na yung napakalaking building, yung kulay white sa labas na mukhang galing sa Greece dahil sa itsura ng estraktura nito. Grabeng library to.

From My World to YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon