chapter three- the truth about our planet (orion)

305 7 2
                                    

Hello guys!

Dahil sa kagagawan ng last chapter ko, kailangan kong itanong tong mga bagay na to.

>> Ayos pa ba ilong niyo? Di pa ba dumudugo?

>> Eh yang ulo niyo? Di pa ba umiikot?

Kung hindi pa naman, ready na ready na kayo sa next chapter na ito!

Enjoy!

=====================================================

ZACH:

Wew. Di nga, ma’am? Baka naman niloloko niyo lang kami niyan.

Ayun yung mga salita na gustung-gusto kong sabihin sa teacher ko na si Mrs. D nung sinabi niya yung mga facts about our planet.

Malapit ng matapos at mawala ang aming kinikilalang planeta.

Eto kase yung buong pangyayari:

Maingay yung classroom.

Sobra.

Tapos may pumasok sa room namin ang isang nakatulalang babae.

Maingay pa rin.

Nakatulala lang siya na parang may narinig siyang balita na ayaw na ayaw niyang marinig.

Nakabuka pa yung bibig na parang ilang sandali na lang mababaliw na siya.

At kung gusto niyong malaman kung sino yun, okay lang naman.

Si Mrs. D lang naman kase yun eh.

Hindi niya kami pinagalitan. Parang hindi niya naririning yung ingay namin. Parang wala kami sa harapan niya.

 “Ms. D!” I called. “Are you okay?”

Nagising siya. Nag-blink. Tumingin sakin.

Then she just stared at my face for a minute.

Isang buong minuto…

Matagal din yun ah.

Anu kaya problema nito ni maam?

Lovelife kaya?

Sa bagay, medyo may edad na rin tong si maam baka kelangan ko ng-

“Class.”

Nainterrrupt niya yung walang kwentang thought ko.

Pagkatingin ko sa mukha niya, may bakas na ng konting sanity.

Kahit hindi siya galit, lahat sila tumahimik.

May tono yung boses niya na parang nakaka-catch ng attention.

Yung boses na para bang hindi mo kayang iresist.

Silence.

“Class.” sabi niya ulit. Then she looked at our faces longer than necessary. Bawat isa kami tiningnan niya. Yung tipong tao na malapit ng mawala. Yung parang eto na yung last time na magkikita sila.

Nakatingin kami lahat sa mukha ni Mrs. D.

Yung mukha niyang walang bakas ng saya, lungkot, o tuwa. Blanko.

Tapos she sighed. “Sinong nakakaalam sa inyo ng lokasyon ng ating planeta?”

Isang kamay lang ang nasa ere.

Sino pa nga ba yun?

Di na pinag-iisipan yan.

“Yes, Ms. Seariah?” tinawag siya ng aming problemadong astronomy teacher.

From My World to YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon