chapter fifteen - truth

84 1 1
                                    

Haist. Anu ba naman yan. Masyado akong na-eexcite sa pagpunta namin bukas sa Batangas at hindi agad ako makapagsulat ng maayos. Hehehe. Pero susubukan ko pa rin magsulat para sa inyo. Love ko kayo eh XD

Happy reading^^

KAY:

I looked at him weirdly. “Trolling lang, dre?”

He groaned. “Sabi ko na nga bang sasabihin mo yan. Pero seryoso ako, Kay. Sobra.”

I laughed at him. “Right… You’re an alien. That means I’m Cinderella. Naka-drugs ka ba o sadyang nasa mood ka lang na manloko ngayon?”

“Hay, ewan ko sayo.” Sabi niya sabay tayo. Mukhang galit. “Kausapin mo na lang ako kapag may tiwala ka na lang ulit sakin, ah.”

He grabbed his books and marched straight to the door.

Ano bang ginawa ko? Siya na nga yung nanloloko, ako pa mali? Alien daw siya. Anu ba ang itsura ng isang alien? Di ba slimy and greeny and gooey? Mukha naman siyang tao and infairness naman na gwapo siya. Ops. Hold up. Di naman ibig sabihin gwapo, may gusto nako sa kanya.

Epal kaya siya. Naalala ko pa tuloy yung tatay ko nito eh. Speaking of…

Dali-dali akong pumunta sa may cabinet ko. Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita yun ah. Ano na kaya nangyari dun? Baka naman lumipad na papunta dun sa kalawakan.

Nilabas ko na siya sa paperbag at buong disappointed ako na ganun pa rin yung itsura niya. Akala ko pa naman may magbabago dito.

Binuksan ko and may nakalagay sa gitna na NAMZUGED. Ano kaya ibig sabihin nun?

Tinap ko yung word na yun ng dalawang beses.

Nag-black bigla yung screen and unti-unting nagkaroon ng mga white dots hanggang sa may isang bilog sa gitna na nakita. Hanggang sa may lumabas na isang planeta sa gitna, mukhang Earth kaso di Earth kase masyadong madaming artificial satellite – Take note, ARTIFICIAL -  na nakapaligid dito. Punong-puno. Sa Earth medyo madaming space pa sa labas kaso dito sakop na yung buong labas. Parang rings ng planeta na yung mga artificial satellite na yun. At sa bawat artificial satellite ay may nakatatak na isang malaking checkmark.

“Welcome to Planet Namzuged. Home of Princess Georgina, the heir to the throne. Please take a visit. Ride the nearest space shuttle and get here. But if you can’t since you are too far away, take a shortcut through the nearest wormhole available.”

 

ZACH:

Ano daw? Anak? Ama? Sinong anak? Sinong ama?

“Zaroxlomn, umupo ka at ikukwento ko sayo ang buong pangyayari.” Sabi sakin ng hari, umupo na agad. Tiningnan niya ulit ako, nakangiti. Parang siya na ang pinakamasayang tao sa buong kalawakan ngayon dahil nakita na niya ako.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko sinunod yung inutos niya sa akin. Alam kung siya ang hari, ang dapat na masusunod. Ang ginagalang. Pero teka lang naman. Di pa ko makagalaw eh. Di pa maproseso ng utak ko kung paano naging AKO ang anak NIYA. Ibig sabihin… prinsipe na ako? TEKA. Prinsipe na ako?

OMAYGAD. Anak ng… ANO…. Ako?

Wooh! Sasabog na ata utak ko ngayon ah!!!

( E X P L O S I O N !!! )

Naalala ko yung parade niya. Yung nasa harap ako. Yung nanlaki yung mata niya na tiningnan ako. Kaya pala. Kaya pala ganun lang ang reaction niya. Ako pala… ako ang dahilan. Pero teka, di ba hinatak agad ako nung mama ko nun? Parang may iniiwasan.

Tiningnan ko ang hari. “Ikaw ang tatay ko?”

Ngumiti siya at pinat niya yung ulo niya. “Nakikita mo naman ang resemblance, hindi ba? Green and buhok ko and green din yang sa iyo. Alam naman nating lahat na ang kulay ng buhok ng isang Orian ay galing sa magulang na mas mataas ang sakop na genes. Ibig sabihin, mas mataas and percentage ng pagka-maharlika mo kesa sa pagiging isang ordinardyong Orian katulad ng iyong ina.”

“Pero paano po kayo nakasisiguro na ako nga iyong hinahanap niyo?”

Tumawa siya at tumingin sa mama ko na medyo namumula na. Siguro nahihiya lang siya o kaya naman ay sobrang saya niya. Hindi ko masabi. “Pinalaki mo siya ng maayos, Zara. Marunong siyang maging curious sa lahat ng bagay at iyon ang dapat na katangian ng isang prinsipe. Ang problema nga lang ay obvious naman na ata masyado ang magiging sagot sa tanong niya.” Then tumingin siya sa akin. “Anak… simple lamang. Kilala ko ang nanay mo.”

“Pero kung kilala mo siya, bakit ngayon ka lang bumisita? Ngayon mo lang ako dinalaw? Ngayon ka lang nagpakita?” hindi ko sinasadyang nasabi. Alam kong siya ang hari pero siya rin ang amang nag-abandona sa akin. Mixed emotions nararamdaman ko. May saya at may galit. Masaya dahil ang hari ang ama ko pero galit kase ngayon lang siya nagpakita.

Alam niyo ba yung feeling na yun? Yung iniwan ka na lang bigla nung bata ka pa tapos bigla na lang magpapakita ngayon? Di ba medyo magagalit ka? Di ba magtatampo ka?

“Sixteen years…” sabi ko sa kanya. “Sixteen years akong walang kinilalang ama. Tapos ngayon, nandito ka. Para ano? Sabihing ako ang prinsipe? Aanhin ko yun?”

“Sixteen years old ka na pala…”

“Hindi ka man dumalaw nung birthday ko. Ni wala man lang isang tawag galing sayo bilang pagbati sakin. Di ba’t hari ka? Kaya mong gawin lahat ng gusto mo! May kapangyarihan ka! Pero di mo kayang bisitahin yang sarili mong anak! Di mo man lang siya pinahalagahan!” sabi ko na. Hindi ko alam kung saan galing yun, nag-burst lang lahat mula sakin.

“Kaya nga ako nandito para magpaliwanag, anak-.”

“Wag kang magkakamaling tawagin akong anak!!!”

Tumayo si mama at lumapit sakin. “Zaroxlomn. Magbigay ka naman ng konting galang. Pakinggan mo siya. Ama mo pa rin siya kahit papano”

“Pero, ma-“

“Walang pero pero, Zaroxlomn.  Makinig ka ng mabuti.”

Hindi na kumontra. Siguro dapat na rin akong makinig para maliwanagan din.

The king patted the space next to him. “Dito ka umupo, anak. Matagal-tagal ko ng hinangad tong pagkakataon na to.”

 THANKS for reading^^

From My World to YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon