Kevin's POV
Hindi ko na kaya... Ayoko na syang nakikitang masaya at nakapagmove-on na. I didn't want this to happen.
"Are you going to stare at them for the rest of your life?!" saad sakin ni Sabrina
"Shut up. Leave me alone freak." I said. Kasi naman, masyado ng obsessed sa akin oh.
"No, tara na. And please, tigilan mo na si Irene. She doesn't love you anymore. Ako na lang Kevin. . Ako na lang please" she begged.
"How many times do I have to tell you that my heart only belongs to her?! You may have fooled everyone about our -ugh- stupid relationship pero hindi mo pa rin matatanggap ang pagmamahal na hinihingi mo sa akin. I only did that to protect her!" sigaw ko. At ito nanaman sya, umiiyak. Walang magagawa ang luha mo Sab, dahil kinasusuklaman kita.
Yes, hindi totoo na kami at mahal namin ang isa't-isa, well, sya lang, I don't love her. Makapangyarihan ang pamilya ni Sabrina, oo mayaman sila, pero iligal naman ang ginagawa ng tatay nya. Kaya nyang saktan si Ynna. Kaya nya itong ipapatay kung gusto nya, ganun sya kabaliw.
Sinabi nya sa akin ito, bilang threat. Pumayag akong gawin ang gusto nya. Ang saktan ko si Ynna at maging boyfriend nya. Kalaban ng kumpanya nila Ynna ang kumpanya nina Sab, kaya pati ang tatay nya eh payag sa kagustuhan nya. Yung nanay na lang ata ni Sab ang matino sa pag-isip sa kanila eh..
Naiinis ako. Ako na itong nagsakripisyo pero ako pa rin itong nasasaktan.
Drew's POV
I'm on my way to Ynna's. Syempre, as her boyfriend, I will pick her up at sabay na kaming papasok. I want to be with her everyday.
"Goodmorning Kuya!" I greeted kuya Eric as I walked inside their house.
"Oh tol! Aga mo ah, kakagising lang ni Ynna. Mauna ka na, matagal syang mag-ayos." sabi ni kuya habang tumatawa
"Haha it's okay, I'll wait for her." I said then smiled. Then he went to their kitchen.
Andito ako ngayon sa living room nila, I looked at my phone and checked the time, it's 6:30am. Nag-ikot muna ako. Ang daming picture frames. Meron dito yung picture ni Ynna nung bata pa sya.. She looks so beautiful with her innocent smile back then. Tas may family picture pa sila. Her parents look familiar...
"Kuyaaa!" I heard a scream upstairs. Haha, No ba naman yan, umagang-umaga ang ingay nya
"Oh?!" sigaw ni kuya Eric. Astig pala dito, sigawan agad sa umaga xD
"Yung pagkain ko ha? Baba na ako!" then I heard footsteps coming down
"Ku-- Drew.." she was shock to see me.
"Goodmorning girlfriend of mine!" I said to her while smiling
"Goodmorning din boyfriend of mine! Haha. Bat ang aga mo?" she asked.
"I want to see my beautiful girlfriend first thing in the morning and also, I came here to pick you up." I said and kisses her on the cheek. She blushed
"A-ahh. S-sige. Tara kain tayo?" she said then pumunta sya sa kitchen
"I already ate, I'll just wait for you here babe" I said then I winked at her, and again, namula nanaman ang kanyang mga pisngi.
Naiwan nanaman akong mag-isa. Inikot ko ang tingin sa paligid ko para di ako maboring. May nahagilap ang mata ko, biglang bumigat yung pakiramdam ko nung nakita ko ito. Parang pinagsusuntok ang puso ko sa nakita ko..
It was a picture of Kevin and Ynna.. Parang galing sa photobooth. Apat na pose.. Yung una, naka-akbay si Kevin kay Ynna, yung sumunod naman magkayakap sila, tas yung pangatlo kunwaring sinasakal ni Ynna si Kevin, tas yung huli, formal, nakangiti sila at kitang-kita sa mga mata nila ang pagmamahalan nila..
BINABASA MO ANG
Fall for Each Other (ON-GOING)
De TodoLahat dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay.