Ynna's POV
Nakauwe na kami ng Kuya ko.. Andito kami ngayon sa living room.
"So? Baka gusto mong magkwento ha?" tanong nya sa akin
"K-kuya.." sabi ko... Naiyak na ako. Parang naipon yung luha ko. Tuloy lang ako sa pag-iyak tapos niyakap ako ni kuya.
"Shh Kuya's here. What happened?" he asked
"Kuya nakita ko ulit sya. Nakita ko sya. Magkasama sila ni Sabrina. Kuya ang sakit.. Ang sakit sakit. Parang bumalik nanaman yung sakit na naramdaman ko nung iniwan niya ako at ipinagpalit dun.. -ugh- dun sa empaktang yun."
"Shh, umiiyak ka na nga lang tas nakaya mo pang magsabi ng ganyan!" sabi niya, alam kong pinapatawa ako ni kuya
"Kuya naman eh!" ako
"Shh tahan na princess, diba sinabi ko naman sayong ayaw na kitang makitang umiyak ng sila ang dahilan?? Hay pasaway ka talaga ano?" Sabi nya
"kuya ang sakit pa rin,." mas hinigpitan nya yung yakap nya
"Move on Ynna. yan na lang ang kailangan mong gawin. Hindi naman ganun kahirap eh.Naka isang taon na oh,madali na lang yan. Make yourself busy. Maglaro ka." Sabi niya. then he kissed my forehead at umalis na. Umakyat na rin ako sa kwarto ko.
...
Si Sabrina.. miss ko na yung dating sabrina na bestfriend ko. She was my childhood friend. Kami nila Kevin. Kapatid ang turingan namin. Until nung nag high school na kami... Kevin courted me, nagulat ako pero mas nagulat si Sabrina. Hindi niya ako kinausap ng ilang linggo. I thought her reason was dahil masisira ang friendship naming tatlo at baka iniisip nya na iiwan namin sya. Inexplain ko sa kanya na hinding-hindi mangyayari yun. Then nagbati na kami, after ilang months sinagot ko na rin si Kevin. 2nd year high school na kami nung naging official na kami. Payag naman ang parents namin dahil kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. Since then umiiwas na saamin si sabrina.. We tried to talk to her but she keep pushing us away. So napagod na rin kami, pero it doesn't mean na hindi na namin sya kaibigan. After nun, mas naging close pa kami ni Kevin sa isa't-isa, yung as in palagi kaming magkasama.
We were so madly inlove with each other until one day, bigla na lang syang naging cold sa akin. Hindi na sya nagrereply sa mga text ko tas hindi nya sinasagot mga calls ko. I even pretended to be sick para lang makuha ang attention pero wala pa rin. Nasasaktan ako dahil hindi man lang nya ako binisita sa bahay or kahit "take care" na text man lang wala pa rin. So I decided to go to his house. Pumunta ako pero sabi ng mga maids wala daw sya dun. Nasa condo daw. So I went there. it was locked. So I decided to go home.
Nung nasa school na kami hindi na nya ako sinasamahan. hinanap ko sya . I saw him, he was with Sabrina. Parang natuwa ako dahil nagkaayos na sila. so I gave them time. days passed sila pa rin ang magkasama, I was being left out. So I talked to them. Sabrina changed a lot. Nagmature na sya, si Kevin, he wasn't looking at me.
Flashback
" Hi guys!" I greeted them. nakatingin lang si Sabrina sa akin. "So? ayos na pala kayo." I said. pero deep inside I know there's something wrong ayoko lang isipin na tama ang hinala ko
"We're more than okay. In fact... He's breaking up with you." she casually said .. wait what?!
"palabiro ka talaga kahit kailan eh noh? Haha" I cracked a joke pero sa loob loob ko parang bumagsak puso ko sa sakit na nararamdaman ko
"Nope. Tell her Kevin. Tell her the truth." sabi niya. Truth? What truth??
"Uh.. I-Irene.. Ano kasi... I d-don't love you anymore. Y-You're too boring for me. I'm glad that S-sab here can make me happy." sinabi niya
BINABASA MO ANG
Fall for Each Other (ON-GOING)
RandomLahat dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay.
