Chapter 8 *Textmate*

205 11 0
                                    

Drew's POV

Agghh! Stupid! Drew why did you do that?? Alangan namang hayaan ko lang na bastusin nila si Ynna. Lalaki ako, I know kung anong ini-imagine nung mga yun habang tinititigan si Ynna. Bwisit!

Naiinis ako kasi masyado akong affected. Pakialam ko ba kung binabastos sya?? Ugh I'm her friend kaya ganito ang nararamdaman ko.. oo friend lang.

"Wahahahaha! Legs daw!!" asar ni Bryan. Isa pa to eh

"Tumahimik ka nga Bryan" sabi ko. Asarinba naman kasi ako

"Ang bobo mo tol. Magagalit ka na nga lang hindi mo pa tinapos. Yan tuloy haha!" sabi niya,. Eh alangan naman banggitinko pa yung word na legs, nakakahiya kaya.

"Tumahimik ka. Eh binabastos na sya nung mga lalaki dun tas di nya pa napapansin. Kaya inunahan ko na sya." sabi ko

"Uuy, concerned sya kay Ynna haha. Aminin mo na kasi tol. " sabi niya

"Oo naman, syempre kaibigan nya ako. Kayo kasi kung ano-ano ginagawa nyo kanina kaya hindi nyo napansin. At ano namang aaminin ko ha?" tanong ko sa kanya

"Na may gusto ka kay Ynna. Haha." sabi ny-- Ako may gusto kay Ynna??! Eh ang arte-arte nun eh, ayoko sa ga maa--

"Huy! Natulala ka jan?? Iniisip mo si Ynna noh??" asar pa nya.

"Hindi ko alam tol. Hindi ko alam" sabi ko. Ewan ko naman talaga. Ang alam ko lang, ayaw kong may umaaligid sa kanyang ibang lalaki, ayokong binabastos sya, ayokong nasasaktan sya..

"Hay tol. Nalilito ka noh?" *tumango ako* "Nalilito ka kasi deny ka ng deny kahit nararamdaman mo na jan *turo nya sa puso ko* gawin mo lang kung anong sinisigaw ng puso mo, kung masaya ka sa ginagawa mo, edi okay. Wala namang masama eh" sabi nya.

Oo nga, walang masama kung gagawin ko yung sinisigaw ng puso ko, pero hindi ko pa nga sure kung meron akong nararamdaman sa kanya eh. Nalilito? Haay naguguluhanako. Makauwe na nga

"Sa totoo lang tol, nakakagulat tong mga inaasal mo ha? Aminin mo nga,.. Are you gay??" sabi ko haha, yung kaninang confident na ngiti nya napalitan ng kunot noo haha

"The fuck tol?! Hindi ah! sadyang marami lang akong nalalaman tungkol sa love." sabi niya

"Uy tol, lalaki ka na haha. Ge una na ako pagod na rinako eh. Ay bago ko makalimutan akin na number ni Ynna" nginitian nya alang ako tas binigay rin

...

(Sa Bahay)

To: Ms. Clumsy*I like it that way*

Hi. This is Mr. Coffee boy. Are you free tomorrow? :)

Then I waited for her reply,..

10 minutes

15 minutes

Why didn't she reply?, nagpakilala naman ako ah. Psh badtrip. I left my phone on my bed then went downstairs to eat.

...

*After an hour*

I went back to my room, ready to sleep. I checked my phone.

Dugdugdug

I wasn't expecting for her reply but she did. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I read her text message

Fr: Ms. Clumsy

Oh, Hi Drew. I have a practice eh, pero I'll text you pag maaga ako matapos.Why? :)

Ugh, practice, ehang galing gaaling na nya eh. She doesn't need that anymore, she needs training but not now.

To: Ms. Clumsy

Oh, Okay. I'll wait for your text. Wala lang haha, let's watch movies. Anong ginagawa mo?

Fr:Ms. Clumsy

Ah, sure. I'm writing an article about love. Whatta bout you?

Article? About love? Kasali siguro sya sa campus journalists.

To: Ms. Clumsy

Oh, can I read it pag tapos mo na? Haha. Ready to sleep na ako, I thought you weren't going to reply kaya hindi ko na chineck yung phone ko

kanina.

Fr: Ms. Clumsy

Ah, haha, late ko na kasi nabasa sorry. Sige pag natapos ko na, you can read it.

Yes! Haha

To.Ms. Clumsy

Ahaha,. Sige hey Ynna it's getting kate already. Sleep na haha. Goodnight na :D

I still wanted to talk to her but I'm really sleepy. She replied goodnight too. Then after that I drifted to sleep already.

Ynna's POV

Drew asked me out! ! He asked me out. Kaya natagalan ako magreply kasi naghanap na ako ng susuotin ko. Hahasaglit lang naman practice namin eh, syempre pakipot muna xD pero, he asked me out!

Haha, pagkabasa na pagkabasa ko ng Mr. Coffee boy eh ang bilis na agad ng tibok ng puso ko, tas nung tinatanong nya kung free ako KYAAAAAH!!

We're going to watch movies daw. Haha sigaw kaya ako ng sigaw sa room ko, buti nga soundproof ito haha. Ano bang isusuot ko? Ay wait di namin napag-usapan kung anong oras ang alis. Haay

To: Mr. Coffee Boy

Uhm, anong oras pala? Hehe

After ko syang itext nag-hanap na ako ng damit ko. Long sleeves na damit kaya? Or tshirt tas magja-jacket na lang ako.. Magpa-pants kaya ako??

or jeggings? Vans or sandals? Ugh ang hirap naman mag decide.

Humiga muna ako sa kama ko, kanina pa ako dito sa closet ko.. Nagreply na kaya sya?

Kinuha ko yung phone ko.. Ayun nag-reply nga. 11 am daw.. Dun na kami kakain ng lunch.

Ohmaygad! We'll have lunch together pa. Hay sinusumpong nanaman ako ng kalandian ko haha

"KYAAAAAH!" sigaw ko, sakto namang bumukas yung pintuan ko. Hala hindi ko nai-lock!

"Hoy Ynna, anong sinisigaw mo jan ha?" tanong ni kuya. Naisip ko si Drew

"Ngiti-ngiti ka? Nasasaniban ka na ba??" sabi ni kuya, hala di ko namalayan na napangiti ako!

"W-what?! I am not! Get out of my room" sigaw ko

"Hahaha, you're blushing lil' sister. Sinong iniisip mo ha?? Sumbong kita kay mommy eh" sabi niya. Hala, eh kasi naman parang ang awkward mag open-up sa lalaking kapatid.

"Wala to haha." sabi ko tas tumalikod na ako.

Naramdaman kong umalis na sya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Oo nga!! Namumula ako. Ohmaygad! Nakakahiya

Aiish! Bumalik na ako sa closet ko at naghanap na ako ulit ng damit ko. Haay ang hirap naman oh..

Drew's POV

Nagising ako kanina dahil nag-vibrate yung phone ko. And it was Ynna kaya napabangon ako agad. Tinatanong nya kung anong oras yung date namin bukas. Ay este yung friendly hang-out naming dalawa. nireplayan ko sya.

I waited for her reply pero parang wala naman na ata akong marerecieve kaya natulog na ako.

.. To be continued..

Sorry ang ikli lang ng update ko haha

Fall for Each Other (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon