Chapter 1

3.3K 43 20
                                    


RAINIE'S POV

"Nasaan si Seiji?" Tanong ko sa dalawang shinigami sa harap ko.

Kakapasok ko lang kasi sa black dimension at dahil hindi ako masyado pumupunta dito, hindi nila ako kilala. Kaya ako nandito dahil sabi ni darwin na may papagawin daw sya sa akin.

Nagtinginan yung dalawang shinigami na parang may sinabi akong mali. Tama naman diba? Ang alternative name nya ay Seiji?

"Miss, ano po ang pangalan mo?" Tanong ng isang shinigami.

"Akemi" sagot ko. Aalis na sana ako para hanapin na lang si darwin pero bigla na lang sumugod sa akin yung dalawang shinigami gamit ng kanilang kutsilyo. Kinuha ko agad yung cards ni mama sa bulsa ko at ginamit pang sangga sa kutsilyo nila, tumalon ako palikod at niready ko ang sarili ko sa susunod nikang atake.

Yung isang shinigami ay tumakbo papunta sa akin habang yung isa naman ay tumakbo paikot papuntang likuran ko at sabay silang sumogod. Inilagan ko yung atake ng na sa likuran ko at tinamaan ko naman sa kamay nung na sa harapan ko dulot ng pag bitaw nya sa kitsilyo.

"Wala akong binabalak na masama! Bakit nyo ako inaatake?!" Tanong ko sa kanila.

"Kala mo ba maloloko mo kami?!" Sigaw nang isa.

"Hindi kami tanga! We will not let you get near lord Seiji!" Sigaw pa nung isa.

Ano kaya ang problema ng mga ito? Mukha ko bang sasaktan si darwin? Well kaibigan ko kaya sya! Hindi naman ako loko-loko para saktan ang kaibigan ko.

"Kaibigan ko si Seiji! Pinapunta nya ako dito." Sabi ko sa kanila.

May naramdaman akong bagay na papunta sa akin galing sa likod kaya umiwas agad ako at tiningnan kung sino yung umatake sa akin. May nakita akong babae na may dalang twin swords sa likod nya at naka half-mask.

"Sa pagkakaalam ko walang kaibigan si master Seiji kundi sa mga elites nya." Sabi nang babaeng nakamaskara.

Tiningnan nya yung dalawang shinigami at umalis sila.

Sino kaya sya? Siguro isa sya sa mga elites kasi  muntikan ko nang hindi mailagan ang atake nya kanina. Pati na din na dahil sa sinabi nyang "master Seiji"

"Meron syang mga kaibigan na senshin." sabi ko.

"So ang sinasabi mo ba ay isa kang senshin na nakapasok sa black dimension at hindi nasasaktan?" Tanong nya.

"Ako ay isang halfblood." Sabi ko.

Tiningnan akong mabuti ng babae at bigla na lang tumawa. "Nasaan naman ang ebidnesya mo?"

"Ako ay si president akemi ng mga senshins, ang ama ko ay si sir Hideo ang dating president at ang nanay ko ay si ms rielle isang shinigami." Sabi ko. Sayang! Wala akong dalang mga gadget na pwede ko ipakita bilang ebidensya. Kailangan ko na lang syang ikunbinsi gamit ng salita.

"Paano ko malalaman na ikaw si lady akemi?" Tanong nya.

Alam nyo ang kulit nya talaga. "Eh kung dalhin mo nalang kaya ako kay Seiji at tanongin sakanya kung ako nga ba talaga ay kaibigan nya at ako si lady akemi." Sabi ko na medyo naiirita.

"You know para sa isang originals hindi ka marunong mag isip. Sa tingin mo ba na dadalhin kita kay master Seiji na pwede mong saktan? At isa pa kahit anong sabihin mo sa akin basta wala kang ebidensya hindi ko ikaw dadalhin sakanya." Sabi nya.

Tantei High Fanfic (Original story by Purpleyhan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon