Chapter 4

374 8 2
                                    

Rainie's POV

May naramdaman akong pumapahid sa akin ng basahan. Sunod naman may naramdaman akong may binabalot sa balikat ko. Papautol putol ang mga nanyayari.

May naramdaman akong luha. Ang init. Hindi ako makahinga ng ayos. Parang akong binubuhat. Parang tumatakbo yung taong buhat ako. Wala na ulit ako sa ulirat.

Maya maya may naramdaman akong nakahawak sa akin. May naramdaman akong sense of comfort habang hinahawakan ng taong iyon ang kamay ko. Pero biglaan nalang nawala. Nagblack out ulit ako.

Sunod may narinig akong beeping. Hindi ko alam kung ano yun. Nararamdaman ko din nakahiga ako. Hindi ko magalaw ang katawan. Hindi ko mabuksan ang mata ko.

Panaginip kaya ito? Wala akong naaalala. Wala akong naiisip na matino. Basta nararamdaman ko ang paligid ko ng konti. Hindi ko alam ang nananyare. Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Maya maya nararamdaman ko na ulit ang katawan ko at nagagalaw ko na din. Pagod na pagod ang katawan ko. May nararamdaman akong masakit sa tiyan ko. Ang sakit ng ulo ko. Para akong binugbog ng kabayo.

Pinipilit ko buksan ang mata ko pero masyadong masakit sa mata. Pinilit ko ulit at sa wakas na buksan ko din. Nakatingin ako sa ceiling. May nakakabit sa aking kamay. May iba't iba pang nakakabit sa dibdib ko.

Ginalaw ko ang ulo ko patungo sa kanan at may nakita akong babae na nagsusulat sa board niya habang nakatingin sa isang monitor nanakakabit sa akin. I think nurse siya at tiningnan niya lang ang kondisyon ko. Naaalala ko may training kami dating ganyan sa medical class namin.

Pinilit ko magsalita para matanong ko kung bakit ako nandito. Ng pinipilit kong magsalita ngayon ko lang namalayan na sobrang paos ako na parang hindi ako uminom ng tubig ng tatlong araw. Ngayon ko lang din naalala na muntikan na ako mamatay dahil kinalaban ko yung mga elites pero hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito. Medyo hazy ang memories ko pero may naaalala talaga akong may humawak sa kamay ko. Sino kaya yun? Tanda ko lang na nakalma ako nung hinawakan niya ang kamay ko.

"A-ate." Halos bulong kong tawag dun sa nurse.

Tinapos niya muna ang sinusulat niya bago siya tumingin sa akin.

"Alam kong kanina ka pang gising. Magpahinga ka muna. Kukuhanan ko ikaw ng tubig." Sabi nung babae bago binaba niya yung clipboard sa isang lamesa na malapit sa akin.

Kumuha siya ng isang paper cup sa isang cabinet tapos kumuha ng tubig sa water dispenser na katabi nito. Nilapag niya yung tubig ko dun sa lamesa tapos may pinindot siyang button malapit sa akin. Ng pinindot niya yun, biglang nag elevate ng mabagal yung hinihigaan kong kama.

Inabot niya sa akin yung tubig. Kinuha ko ito at ininom ko agad. Kinuha ng ate sa akin yung baso at kumuha ulit ng tubig at ininom ko. Ng binigay ko yung baso tinanong niya ako ng "Gusto mo pa ba?"

"Hindi po." Sabi ko. "Salamat din po sa tubig." Pasalamat ko sa kanya pagkatapos kong sumagot.

Tinapon niya sa basurahan yung baso tapos kumuha siya ng stool at nilapit sa kama ko.

"May nararamdaman ka bang masama? Saan?" Tanong niya sa akin na hawak hawak na ulit yung sinusulatan niya kanina.

"Masakit po ang tiyan ko at nahihilo po ako. Medyo po nag stisting yung arms ko pero other than that po, ok lang po ako." Sabi ko sa kanya habang may sinusulat ulit siya dun sa papel.

Tantei High Fanfic (Original story by Purpleyhan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon