Chapter 3

405 9 1
                                    

Dedicated to @PURPLEPRINCESS023 para sa support niya at sa promise ko :)

Kaen POV

'Kaen, nahuli tayo ni lord Daiki at lady Haruka. Alam na nila ang lahat na nanyare.' Sabi ni keira.

Ano?!? Paano nila nalaman?! Patay tayo niyan. Nahuli tayong nagtatago ng "kalaban" tapos nahuli tayong hindi agad nagrereport sa kanila.

'Anong sabi ni master? Anong sabi ni lady Haruka at Lord Daiki? Anong reaction nilang tatlo? Kalaban ba yung babae? Kaibigan ba talaga siya ni master? May parusa ba tayo?!?!' Halos isigaw ko na ang lahat ng mga tanong ko sa isip ko para lang marinig ni keira.

'Wala silang sinasabi kung may parusa tayo at wala pa silang ginagawa sa amin nung nahuli si Hamori na buhat ako kanina. Ng nahuli kami ng mga magulang ni master ay kinausap at ininform agad nila yung anak nila sa sitwasyon. Dinala kami sa kwarto ni master at nagtanong sila about sa nanyari.' Sabi niya in a monotone voice pero may narinig din akong kunting pagkatakot sa boses niya.

'Anong mga tanong nila?' Tanong ko gamit ng inner voice.

'Mamaya ko na ieexplain ang lahat ng naganap kanina pagkatapos natin malaman ang manyayari sa atin sa failure na ito. Sabi daw nila na papatawagin ang lahat ng elites, dahil alam nila na lahat tayo ay involved, at papuntahin sa medical room ng royals at elites kasama ng babae. Sabi ni master kung namatay siya hindi niya daw tayo papatawarin as long as we live.' Sabi ni Keira ng medyong nagmamadali at natataranta.

'Ok, papunta na ako diyan.' Sabi ko.

Huminga ako ng malalim at niready ang sarili ko sa kaguluhan na ito. Tiningnan ko yung babae, nilapitan at dahang dahang binuhat para hindi siya masasaktan. Lumabas ako ng kwarto at mabilis na pumunta sa medical room.

Ang medical room na tinutukoy ni keira ay malapit lang sa hallway na ito. Ito ang room na palaging atleast may tatlong doctor at surgeon na nakaready. Emergency room siya para sa amin at nila pamilya ni master just in case na meron kaming serious injuries at in grave danger. Naka station siya right beside ng office ni Lord Daiki.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto kung saan sila lahat naghihintay, naramdaman ko na ang init pala nung babae na buhat buhat ko. Napansin ko lang ngayon na may pawis siya sa noo at medyo damp ang buhok niya. Yung paghinga niya din ay bumubilis at nagbubukas sarado ang kamay niya. May sinasabi din siya na hindi ko maintindihan. Pero napatigil ako sa paglalakad at paghinga ng narinig ko ang sinabi niya

"Mama." Bulong niya at pagkatapos ng ilang segundo may isang luha na lumabas sa pikit niyang kanang mata.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang mukha niya na namimilipit sa sakit, ang noo niyang nakakunot at ang basang eyelashes niya.

I'm sorry for the pain we caused you. I wish you weren't an enemy. I wish I can take all the pain away.

Pinahid ko ang isang luha sa pisngi ko at hindi ko na namlayan na umiyak pala ako. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya at tinakbo ko na papunta sa medical room.

Please be safe.

Halos ihagis ko na pabukas ang pintuan at tiningnan ako ng lahat ng tao dito. Nandito na silang lahat. Nandito na ang mga royals at elites except sa akin. Tiningnan ako nina master at magulang niya tapos agad silang tumingin sa babaeng hawak hawak ko.

Tantei High Fanfic (Original story by Purpleyhan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon