Chapter 2 (Part 2)

419 8 3
                                    

Unknown POV

Nang binababa ko yung babae sa couch, plano ko tanggalin ang mga dugo sa damit niya at  pigilan ang bleeding sa minor wounds niya.

Naisip ko ito para kung kaibigan man siya ni master, makokonsider niya pa kaming hindi itorture pero kung kalaban man siya madali parin siya patayin. Aayusan ko na din siya ng konti dahil naaawa naman ako suot ng babae kahit maging kalaban man siya. Alam ko dapat wala akong awa pero hindi talaga ako naniniwala na kalaban siya. Malakas ang feeling ko na mabait siya.

Bago ko inayusan yung babae, tinangal ko ang lahat ng weapons na nakita ko sa kanya as a precautionary measure just in case na naisipan niyang lumaban. Ng tinangal ko yung mga weapons niya nagtaka ako kung bakit puro cards ang dala niya at lalo na kung bakit na sa kanya ang isang dagger ni master.

Yung isang set ng cards mukhang normal lang pero yung isang set naman ay parang familliar. Nakakapagtaka din na  may sinabi si lady Haruka na ang weapons ng dati niyang master ay cards din. Diba may sinabi yung kaibigan daw ni master na anak siya ni lady Akemi? Paano nga kung tunay nga na hindi siya kalaban? Patay tayo diyan. Kung kaibigan siya ni master tapos anak din siya ng dating master ni lady Haruka at Lord Daiki, baka patayin na kami niyan.

Yung dagger din ni master ay nakakalito. Malalaman mo na kay master ito dahil may maliit na emerald ang naka engrave sa hilt nito kaya sigurado ako na sa kanya yun. Either ninakaw niya ito kay master at kalaban nga siya or kaibigan siya ni master at binigay niya ito sa kanya as a gift I guess.

Kahit sa natatakot na ako malaman kung sino talaga itong babaeng na sa harapan ko, hindi muna ako mag iisip ng ano ano. Hindi ko nalang muna papansinin ang mga signs ng mga weapons na dala niya at kung anong manyareng masama kung pinagisipan ko ito.

Kumuha ako ng towel at timba para sa malinis ko ang dugo at kumuha naman ako ng first aid kit para magamotan. Tinangal ko yung suot niyang black leather jacket at black na t-shirt. Sinimulan ko punasan ng dahan dahan ang katawan niya  para matanggal ko ang dugo at para makita ko kung saan nanggagaling yung bleeding.

Madaming maliliit na sugat sa braso lang ang nakita ko pero dahil sa madami, madami din ang labasan ng dugo. May malaking pasa din akong nakita sa bandang tiyan niya. Probably galing dun sa sipa na nakuha niya kanina. Hindi ako sigurado kung may nasira siyang rib pero ipapacheck ko nalang kung sigurado ako na hindi siya kalaban.

Nang natanggal na ang lahat ng dugo, sinimulan ko lagyan ng konting ointment sa sugat niya at binalutan ng bandages pagkatapos. Medyo umungol siya ng nilagyan ko nung gauze pero hindi naman siya nagising.

Sa totoo lang ang kaya ko lang ang mga pinaka basic na first aid kasi part siya nung training ko dati. Hindi nagustuhan ng dating royals at hight positioned shinigamis na matuto ang elites nang kahit anong type ng healing kasi iniisip nila na magiging mahina kami at besides ang trabaho naman daw namin ay pumatay hindi mambuhay. Siyempre dahil marunong naman sila mag isip alam nila na baka mamatay ang masters namin kung hindi kami matuto ng kahit simpleng paggamot

Tinangal ko yung suot niyang black jeans pati na din yung black combat boots niya. Napansin ko na hindi gaanong kalala ang mga sugat niya sa ibababa kaya pinunasan ko lang ulit yung mga sugat at tinangal yung mga dumi.

Yung buhok niya ay kailangan ko pang linisan. Kumuha ako ng bagong towel at pinunasan at tinanggal ang dugo na  sa buhok niya sa kakayahin ko. Hindi ko masyado pinansin ang buhok niya kasi baka magising ko pa siya or baka may malalang sugat siyang nakuha kanina at mapatay ko siya ng hindi ko namamalayan.

Kumuha ako ng loose t-shirt, sweatpants at pang loob sa cabinet ko. Tinangal ko yung panloob niya at isinuot sa kanya yung mga damit na kinuha ko. Tinabi ko na yung first aid kit at nilinisan yung madugong towel na ginamit ko. Nilinisan ko yung timba at kinuha ko lahat ng maduming damit ng kaibigan ni master at nilagay doon.

Nilipat ko yung babae sa sa may bed ko at nilinisan lahat ng blood stains doon sa couch ko. Inobserbahan ko yung babae pagkatapos ko gawin yun.

Habang natutulog siya itsura siyang anghel. Parang hindi nga siya makakapatay ng lamok. Kahit sa madumi ang buhok niya nakikita ko parin ang ganda niya. May napansin din ako na medyo weird I guess. All black ang suot niyang damit. Normally hindi ako magugulat doon dahil halos lahat ng elites ay nag susuot ng dark colors para halos maging shadows kami at dahil na din sa mas convenient siya sa assasination missions. Also nasanay na ako dito at mas preffered ko naman talaga ang dark colors.

Pero kung senshin siya, as she said earlier, they don't really wear all black clothes. I know nagiging stereotypical ako kung sinabi ko hindi naman siya yung type na gothic. So that means she really is lying at shinigami siya at isa sa originals or half blood talaga siya at nakapunta na siya dito dati at kaibigan nga siya ni master.

Hay nako, naiirita na talaga ako sa sarili ko. Ang daming what if and consequences sa babaeng ito. Palagi ko nang iniisip kung masama ba siya or hindi. Kaibigan ba siya or hindi. Paulit ulit lang eh. Ang dami pang evidence at observations na nakita ko na pwede mag lead sa either direction.

Masama. Mabait. Masama. Mabait. Masama o mabait.

Kaibigan. Kalaban. Kaibigan. Kalaban. Kaibigan o kalaban.

Napatigil ang internal dilemna ko ng narinig ko ang sinabi ni Keira sa isip ko.

'Kaen, nahuli tayo ni lord Daiki at lady Haruka. Alam na nila ang lahat na nanyare.'

Tantei High Fanfic (Original story by Purpleyhan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon